Chapter 4 - #Stolen Picture

105 9 4
                                    

Kristel's POV

Hmmm...parang ganda ng gising ko ngayon ah...Hay...huwag muna nga natin pag-isipan yung magandang araw ko mamaya nalang...

*Ring*

''Yeobeoseyo?'' tanong ko sa kabilang linya

''ANNYEONGHASSEYO KAMBAL!!!!'' aba kung makasigaw tong kambal ko parang walang bukas ah, oo nakilala ko agad boses niya. Bakit? Kilala ko na kasi yung kakambal ko...kaya ayun...

''Oh, napatawag ka.''  Sabi ko at huminga ng malalim...hay mali kasi yung tanong ko sa kanya

''AY HINDI HINDI, OBVIOUS ba?! Kita nga kausap kita at sa CELLPHONE pa.'' pilosopo niyang sabi

Oo, pilosopo kasi tong kakambal ko...hay...pagod akong mag-explain sa buhay niya kaya pasa ko muna sa kanya, ok?

Krystal's POV

Annyeonghasseyo, sa inyo (sabay bow), ako nga pala si Krystal Angeli Dizon, kakambal ni Kristel. About sa akin? Well, kahit ako yung matanda sa aming dalawa, ako yung childish sa amin pero minsan may pagkaseryoso ako. Ako nga yung crying shoulder nung babae yun. Bakit? Eh kasi nung mga bata pa kami, lagi kasi siyang binubully kaya nga yun yung reason kung bakit nandun siya sa Pilipinas eh. Dito kasi kami sa Korea lumaki pero sila Ate Eka at Kuya Marc dun sa Pilipinas pero don't worry hindi siya umuwi mag-isa si Tel hah, may kasama siya, yung yaya niya at SECRET lang natin to ah? Dun rin niya nakilala yung LOVE OF HER LIFE niya...oo, nalaman ko kasi to kasi sinabi niya kasi sa akin dahil nag promise kasi kami na...

*Flashback*

"Ate, wag mong sabihin kahit kanino, ah.'' Sabi nung 7 years old na Kristel

''Oo. Promise.'' Sabi ko at nagpinky promise kami.

*End of Flashback*

Ay nga pala, andito ako sa Korea nag-aaral at dito rin tumitira. Love of my life ko? Hmm...wala naman..pero may crush ako..yun ay si Marlo. Hay ....kapagod nmn..pasa ko muna pov ko sa kambal ko.

Kristel's POV

Ayun...after how many hours este minutes pala...nakarating na ako sa school.

''Hi PH Care.'' Sabi  ko kay PH Care

''O, ang ganda naman ng mood mo ngayon Lactacyd ah.'' Sabi niya

''Ah...eh...bati na kasi kami eh ^_^.'' Sabi ko

''Sino?'' tanong niya

''Si Mr. Mang-aagaw ^_^.'' Sabi ko

''Kayo?! Bati na?!'' ay bingi lang ang peg nitong PH Care ko ah

''Kakasabi lang diba.'' Sabi ko at ayun pumunta na kami sa classroom namin baka kung ano pang mangyari dun

*Classroom*

''Class, may announcement ako tungkol sa roleplay natin.'' Sabi ni ma'am

Ahy, oo nga noh...may roleplay nga pala kami.

''Class, napag-usapan namin na hindi yun matutuloy.'' Sabi ni ma'am

''YES!!'' sigaw ng mga kaklase ko

''PERO! May activity kayo which is you have to help an orphanage at aalagaan niyo ang mga orphans parang magsisilbi kayong parents nila.'' Sabi ni ma'am

 ''Uy, Lactacyd...ano yung gagawin mo sa activity natin?'' tanong ni PH Care ko.

''Di ko alam eh.'' Sabi ko

Pansin ko lang ah, wala yung E5 ngayon. Bakit kaya?

*RING RING*

''Ok, class dismissed.'' Sabi ni ma'am at ayun lumabas na kami

*Hallway*

Tumatakbo si Shantelle sa amin. Eh? Bakit kaya?

''Guys (isipin niyo hingal na hingal na siya).'' Sabi niya

''Oh tubig.'' Sabi ni Janissa at binigay yung tubig niya kay Shantelle

''Bat ba kasi tumatakbo ka?'' tanong ko

Hindi siya sumagot ngunit pinakita niya yung picture na hawak niya kanina. Wait,ako to ah. At kasama pa si Kuya Edward at Kuya Gelo. At isa pa may nakasulat na

KRISTEL ANGELIQUE DIZON, LUMALANDI AT TAKE NOTE! 2 LALAKI PA. WHAT A FLIRT!!

What? Ako? Malandi?

''Sino ba ang may pakana nito?'' tanong ko

''Hindi ko---.'' Hindi ko na pinakinggan yung mga sinabi nila at tumakbo na ako.

Alam ko na kung sino ang gumawa nito. Akala ko ba kaibigan ko siya, akala ko bati na kami, akala ko wala ng mangyayaring hindi mabuti, akala ko wala ng mangulo sa buhay ko at HIGIT SA LAHAT, AKALA LANG PALA YUN. Tumakbo ako papuntang canteen at nung nandun na ako, hinanap ko sya dun. At ayun, bullseyes. Nakita ko siya. Pagkalapit ko dun sa pwesto niya, hinugot ko yung collar sa polo niya at

''ANO BA ANG GINAWA KO AT GUMAWA KA NG ISSUE?!'' pasigaw ko nang tanong at nagulat pa siya. Alam ko pinagtitinginan na kami pero wala akong paki.

''Wala, akong kinalaman diyan.'' Sabi niya

''ANONG WALA? Eh sino pa bang nambwibwisit sa buhay ko, diba ikaw lang naman! Akala ko ba sincere ka sa sinabi no kahapon.'' Pasigaw ko nang sabi

''Wala naman talaga akong kinalaman diyan at OO, SINCERE NA SINCERE AKO NUNG SINABI KO IYON AT ALAM MO BA IKAW YUNG UNANG TAO NA UNANG SINABIHAN KO NUN KAHIT MGA KAIBIGAN AT KAPAMILYA KO.'' Nagulat naman ako dun. Ako? Talaga?

''Eh sino ba kasi gumawa nito?!'' pasigaw ko ng tanong kahit alam kong seryoso siya.

''Di ko alam.'' Sabi niya

''May pa di ko alam di ko alam ka pang nalalaman diyan! Napakasinungaling mo! Akala ko magbabago ka na pero mali ako hindi pala. Bakit? KASI MANLOLOKO KA!'' sabi ko at tuluyang tumakbo na.

Bahala siya sa buhay niya. Kita na ngang tahimik na yung buhay ko saka naman ginulo niya. Kainis ka! Wala kang hiyang lalake ka!

Chyna's POV

Waahhh! Kawawa naman yung PH Care ko! Bakit? Simula kasi nung nagbell na, hindi na siya umiimik at nagsasalita, kahit kami na mga kaibigan niya, hindi niya pinapansin. Kainis kasi yung lalaking yun! Hay...bakit ba kasi gumawa pa siya ng issue! Loko kasi yung lalaking yun. Ay nga pala, last class na naming ngayon at pagkatapos nito, pupunta kami sa gym kasi talent show nila PH Care mamaya at siyempre dapat nadun ako dahil andun si LOUISE MY LOVES!

*RRIIINNNGGG*

Yes! Tapos na ang klase! Lumapit agad ako kay PH Care at

''Uy PH Care, ano ang gagawin mo para mamaya?'' tanong ko

''Siguro kakanta at mag rap...na kasama si kuya Gelo.'' Sabi niya

Ayun tuluyan na siyang lumabas kasama sila Shantelle, Khyla at Janissa. Ako naman pumunta sa canteen. Bumili ako ng tubig at nakita ko si Carlos a.k.a. Mr. Mang-aagaw at si Malanding Patricia! Ano kaya ginagawa nila? Baka magkasintahan sila? Mag-asawa? Aishhh..chyna yung utak mo..wag muna maghusga..ayun nagtago ako sa pinakamalapit na taguan na malapit lang sa kanila.

''Pls, Patricia stop this.'' Sabi ni Carlos, ano kaya yung ibig sabihin na stop? Baka maghiwalay na sila. Aishhh...ikaw talaga Chyna...Yung utak mo naman...mapaghusga na naman!

''You know, I will stop this in one condition.'' Sabi naman nung malanding yun.

''Ano yun?'' tanong naman ni Carlos

''Kung papayag ka na maging boyfriend ko.'' Sabi ni patricia

ANO? Confused na talaga ang utak ko!!

''Yun naman pala eh!'' sabi ni Carlos at umalis na pero

''Pero hindi lang yun...ikaw rin yung magiging fiancée ko.'' Sabi ni Patricia

OH.MY.G!!!

#Love WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon