Kristel’s POV
Sa ngayon eh nandito ako sa classroom naming mag-isa. Mga classmates ko kasi nandun sa AVR nanonood ng movie para sa film showing namin sa Science. Eh sabi ni Ma’am eh dapat may magbabantay daw ditto dahil baka daw may magnakaw daw ditto sa room namin. Eh ako nagvolunteer eh dahil sa pinanood ko yung movie pabalik balik eh! Kaya andito ako, mag-isa
‘’Hi Kristel!’’ Hala! Ba’t nandito sina Lynn at Patricia
‘’Hello. Ba’t pala kayo nandito?’’ Sanong ko
‘’Well, gusto kasi ni Lynn na maging kaibigan niya este namin.’’ Sabi ni Patricia
Weh?! Ako?
‘’Ah…sure kayo?’’ Tanong ko
‘’Oo naman.’’ Sabi ni Lynn
‘’Ok.’’ Sabi ko nalang
Ayun, nagkuwentuhan lang kami ng kung ano ano. Nalaman ko pa nga magkaaway sila noon pero nagkaibigan lang pala sila. Andami ko ngang nalaman sa kanila eh!
‘’Kristel!!’’
Tumingin agad ako kung sino ang sumigaw sa pangalan ko. Pagtingin ko, nakita ko sila Khyla, Janissa, Shantelle at PH Care.
‘’Oh! Andiyan pala kayo!’’ Sabi ko at ngumiti
‘’Ba’t mo kasama sila?’’ Seryosong tanong ni Shantelle
‘’Eh kasi lumapit sila sa akin kanina tapos gusto makipagkaibigan ni Lynn sa akin eh kaya ayun, nagkuwentuhan lang kami habang wala pa kayo.’’ Sabi ko
‘’Huwag kang lumapit sa kanila. Mapapahamak ka lang.’’ Sabi ni Janissa
Bakit naman?! Mapapahamak? Bakit?
‘’Bakit?’’ Tanong ko
‘’Basta. Mapapahamak ka lang.’’ Sabi naman ni Khyla
‘’Bakit?! Masama bang makipagkaibigan?!’’ Pasigaw kong tanong
‘’Hindi! Pero masama sila!’’ Pasigaw na sabi ni Ph Care
‘’Bakit?! May ebidensiya ba kayo?! Akala ko pa naman mababait kayo! Akala ko magkakaibigan tayo! Akala ko sinusoporta natin ang isa’t-isa kung anong desisyon natin! Yun pala, akala lang ang lahat!’’ Sigaw ko at umalis na
Naglakad lang ako ng lakad hanggang…
*Tugshhh*
‘’Aray!’’ Bulong ko sa sarili ko
‘’Sorry Tel.’’Sabi ni…
Tinaas ko ulo ko eh nakayuko ako eh!
‘’Dale?’’ Tanong ko
‘’Anong nangyari?! Ba’t ka umiiyak?’’ Tanong niya
‘’Eh kasi---‘’ Di ko na natapos ang sinabi ko kasi bigla lang niya akong niyakap
Di na ako nagsalita nun. Kailangan ko muna ang kayakap.
Chyna’s POV
‘’Bakit?! May ebidensiya ba kayo?! Akala ko pa naman mababait kayo! Akala ko magkakaibigan tayo! Akala ko sinusoporta natin ang isa’t-isa kung anong desisyon natin! Yun pala, akala lang ang lahat!’’ Sigaw ni Lactacyd at umalis na siya
‘’Kayo! Mga walang hiya!’’ Sigaw ni Shantelle at susugurin na sana sila kaso pinigilan nila Khyla at Janissa
‘’Ano ba gusto niyo? Para mawala si Kristel sa amin? Pwes, di mangyayari yun dahil lalaban kami.’’ Madiin kong sabi
‘’Awww!! Natakot naman kami!’’ Sabay na sabi ni Patricia at Lynn at umakto pa na parang natatakot
‘’Tingnan lang natin. Hahahahha!!’’ Sabay na sabi nila at umalis na
‘’Kainis ah! Ayan tuloy, nagalit si Kristel sa atin.’’ Sabi ni Shantelle
‘’Huwag kayong mag-alala, matatapos rin ito at magkabatibati rin tayo.’’ Sabi ko at umalis na
Umuwi na ako at pagkauwi ko ay pumunta agad ako sa room ko.
Kristel’s POV
Pagkatapos ay umuwi na ako at pumunta agad sa kwarto. Humiga na ako at umiyak na lang ako. Ang sama naman nila!
*Ring*
Kinuha ko phone ko at tiningnan ko kung sino tumatawag…
Ph Care
Accept II Decline
Decline
Ayoko muna silang kausapin.
BINABASA MO ANG
#Love War
RomanceFirst of all, may mga group of girls na sina Kristel, Chyna, Shantelle, Khyla at Janissa. Masaya at masisigla sila palagi until na meet nila ang E5 na ubod ng sungit at hindi ko na alam eh! Yung pag-aaway ba nila ay mararating sa mundo ng pag-ibig...