*Inat-inat*
Hahay!!! Grabe!! Inaantok pa ako. Pumunta na ako sa CR ko at humarap ako sa mirror dun.
‘’Waaaahhhh!!!’’ Sigaw ko
‘’Tel!! Anong nagyari sayo?’’ Sigaw na tanong ni Kuya Gelo
‘’Ah wala kuya!’’ Pasigaw kong sabi
‘’Oh sige. Dalian mo lang, malalate na tayo.’’ Sabi niya
Waaahhh!!! Ang ugly na ng mata ko!! Huhuhu!! Pano, ang mugto na! Mugto na masyado!! Mas mugto pa sa mugto! Hay! Ginawa ko na ang daily routine ko. Pagkatapos ay sunakay na ako. Pansin ko nga eh lagging tumitingin si Kuya Gelo at Kuya Edward sa akin at pagtumingin naman ako sa kanila eh umiwas naman sila ng tingin. Habang nakasakay ako dun eh nakayuko ako na parang si Sadako.
‘’Ano ba!’’ Inip na inip ako eh kasi ba naman tumingin naman sila sa akin
‘’Eh ba’t ba kasi mugto yang mga mata mo?’’ Tanong ni Kuya Gelo
‘’None of your business.’’ Cool kong sabi
‘’Ok fine.’’ Sabi nalang ni Kuya Gelo
Pagkatapos nun eh bumaba na ako dahil nasa school na ako eh! Naglakad lang ako ng lakad. Natatakot pa nga yung mga ibang students sa akin eh! May isa pa ngang nagsabi sa akin na…
‘’Parang si Sadako!!’’ Di ko nalang pinansin at naglakad lang ako ng patuloy
Lakad lang ako ng lakad ng…
‘’Miss Cake!!’’ Sigaw ni Ranz. Alam ko namang siya yun eh! Siya lang kasi tumatawag sa akin ng ganun eh!
Tumalikod ako at…
‘’Waaahhh!! Si Sadako! Si Sadako! Sadako!!’’ Sigaw ni Ranz at …
‘’Hahahhahahaha!!’’ Tawa ko eh pano para na siyang mahihimatay sa kakasigaw niya
‘’Bakit ka tumatawa?’’ Tanong niya
‘’Eh kasi para ka nang mahihimatay sa kakasigaw mo na ‘’Si Sadako!’’ Sabi ko at ginaya ko pa yung boses niya nung sumigaw siya ng Sadako
‘’Eh kamukha mo kasi si Sadako sa itsura mong ganyan.’’ Sabi niya
‘’Baha---‘’
‘’What is going on Mr. Chu at Ms. Dizon?’’ tanong ni Ma’am Magno sa amin
‘’Eh kasi po Ma’am, tinawag niya ako at lumingon ako at nung paglingon ko bigla na lang siyang sumigaw na ‘’Si Sadako!’’ Sabi ko at ginaya ulit yung boses niya nung sumigaw siya ng Sadako
‘’Ahhh..ok. Le’ts go tour classroom na dahil may announcement ako.’’ Sabi ni Ma’am at sumunod kami ni Ma’am
‘’Nakakatakot ka kanina ah!’’ Bulong ni Mr. Mang-aagaw sa akin
‘’Mas matatakot ka mamaya.’’ Sabi ko in a ‘’nakakatakot voice’’
‘’Ma’am!’’ Pagsusumbong ni Ranz kay Ma’am at lumingon naman si ma’am
‘’Kristel!’’ Pagbabanta ni Ma’am sa akin
‘’Hehe! Joke lang po Ma’am.’’ Sabi ko habang nakangiti
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at naka-abot na rin kami sa classroom namin.
*Classroom*
‘’Waaahhhh!!! Sadako!!’’ Sigaw ng mga kaklase ko at tumatawa lang kaming 3 ni Ranz, ako at si Ma’am
‘’Stop it class. Umupo na kayo Mr. Chu at Ms. Dizon.’’ Sabi ni Ma’am at umupo naman kami
‘’Ok may announcement ako.’’ Sabi ni Ma’am
Lumingon ako sa left side ko, ang nakaupo ay si Andy Pen͂ala. Isa sa mga kaklase ko. Lumapit ako sa kaniya at…
‘’Boooo!!’’ Bulong ko sa kaniya at napalingon siya tuloy sa akin at…
‘’Waaahhh!! Si Sadako!! Si Sadako!!’’ Sigaw niya
‘’Kristel!’’ Pagbabanta naman ni Ma’am sa akin
‘’Hehehe!!’’ Sabi ko at nagpeace sign na lang
‘’Ang announcement eh may camping kayo for 7 days. May mga activities kayo dun at mga games at may presentation rin kayo.’’ Sabi ni Ma’am
‘’Yehey!!’’ Sabi naman ng mga kaklase ko! Ito talaga sila! Pag walang klase ang pinag-usapan eh ang ganda ng energy nila!
‘’Ito ang parent’s or guardian’s permit niyo. Dapat ipasa niyo yan ngayong Thursday. Wala tayong pasok ngayon hanggang Wednesday dahil may orientation na magaganap. Class dismissed.’’ Sabi ni Ma’am at umalis na
‘’Tel.’’ Mahinahong sabi nilang 5 which is yung mga kaibigan ko
‘’Ms. Sadako!’’ Tawag ni Ranz sa akin
‘’Bakit?’’ Tanong ko sa kaniya
‘’Tara! Canteen tayo!’’ Sabi niya
‘’Oh sure!’’ Sabi ko at dinala ko na mga gamit ko
Lumapit ako sa kanilang 5 at…
‘’Masakit pa rin.’’ Sabi ko at tumakbo papunta kay Ranz dahil tatakutin ko pa yun! Hahahaha!
Shantelle’s POV
‘’Masakit pa rin.’’ Sabi ni Tel at tumakbo na papunta kay Mr. Mang-aagaw niya
‘’Hay! Galit pa rin talaga siya.’’ Sabi ni Janissa
‘’Gagawa pa rin tayo ng paraan.’’ Sabi naman ni Chyna
‘’Eh pano kung hindi niya tayo mapatawad?’’ Tanong ni Khyla
‘’Wala tayong kasalanan at maayos pa rin ito.’’ Sabi ni Chyna
Hay! Galit pa rin talaga siya!
BINABASA MO ANG
#Love War
RomanceFirst of all, may mga group of girls na sina Kristel, Chyna, Shantelle, Khyla at Janissa. Masaya at masisigla sila palagi until na meet nila ang E5 na ubod ng sungit at hindi ko na alam eh! Yung pag-aaway ba nila ay mararating sa mundo ng pag-ibig...