Kristel's POV
Hay! Andito ako ngayon sa gym, practice naming eh.
''Ok guys, break muna tayo.'' Sabi nung choreographer namin
"TEL!'' sigaw nung mga lukang yun
''Bakit?'' tanong ko sabay lapit ko sa kanila
''Tingnan mo, Lactacyd.'' Sabi sa akin ni PH Care at pinakita sa akin ang school's newspaper
WHAT?! PICTURE NAMIN TO NI KUYA GELO AH! At worse, ang nakalagay ay:
Ms. CAKE HAS A BOYFRIEND ALREADY?
What? Alam ko, siya ang pakana nito!!
''Pumasok bas i Mr. Mang-aagaw?'' tanong ko sa kanila
''Ah ...Eh...OO.'' Nahihiya pa nilang sabi sa akin
Ayun iniwan ko sila dun sa stage at tumakbo papunta sa room naming. Lagot ka sa akin Carlos! Pagdating ko dun saroom, swerte at walang tao at siya lang.
''Huy, ano naming kalokohan ang ginawa mo, hah?'' sigaw ko sa kanya sabay lapit ko sa kanya at pinakita ko sa kanya ang article na may picture kami ni kuya gelo.
''Anong kalokohan, totoo kaya yan...nakita ko nga kayo kanina eh. Diba, boyfriend mo yan.'' Sabi niya at ngumisi pa ng nakakaloko
''Hahahhahahahahhahahahaha!'' tawa ko
''Oh, bat tumatawa ka, diba nagagalit ka ngayon?'' tanong niya
''ahahahhahaha...eh pano...hahahahahahaha...kuya ko yan...kapatid ko yan...''hahahahahahaha...tawa pa rin ako ng tawa
At ayun...tuluyan na akong lumabas. 1-1 na kami! Ahhahahahahahahahhaha!
Carlos's POV
Kainis naman yung babaeng yun! Hay! Let me introduce myself first, I am Carlos Miles Ranz Joaquin Chu. Haba ng pangalan ko noh? Eh pano yang si mama, kung anu-ano ang pinangalan sa akin kaya ayun ang lumabas. Totoo naman talaga ang sinabi ko dun sa babaeng yun, na nakita ko sila eh.
*Flashback*
''Dude, si Ms. Cake yun ah!'' sabi ni Lino sabay turo sa direksyon ni Ms. Cake
''HALA! May kasama pang lalaki!'' sabi ni Joshua
''Baka boyfriend niya yan pre.'' Sabi ni Louise
''Patay! Baka sinumbong niya tayo, pre!'' sabi ni Cloude, yun kasi tawag ko sa kanya
''Aiisshhh! Hindi niya yan boyfriend noh!'' sabi ko at umalis na
Hay! Pero nung sinabi ni Louise yung ''boyfriend'' parang kumirot yung dibdib ko ah! Hay! Baka may sakit na ako sa puso nito? Pabayaan na nga!
*End of Flashback*
Ayun, umuwi nalang ako eh pano yung 3 nandun sa practice nila Louise. Kinuha na ako ni manong.
*Car*
''Manong, dumating na ba sila Mommy at Daddy?'' tanong ko kay Manong
''Ah...Sir...wala pa eh.'' Sabi ni Manong
Hay! Kainis naman oh! Parents ko kasi puro busy, business thingy yung inaatupag nila kesa sa amin eh.
''Ah...manong...dun nalang po muna ako sa bahay ni Tito Edward.'' Sabi ko
''Ok, po Sir.'' Sabi niya
Bakit ko kakilala si Tito Edward? Eh siya kasi yung tumatayong pangalawa kong Daddy. Kakilala ko kasi siya. At ayun, nandito na ako sa bahay ng asawa ni Kuya Edward. Oo, nalaman ko kasi kinuwento kasi niya sa akin.
*DingDong*
At ayun, bumukas ang gate at...
''Oh, pasok ka Carlos.'' Sabi sa akin ni ate Eka, magkilala rin kami niyan
Pumasok na ako sa bahay nila at umupo sa sofa
''Handaan lang kita ng meryenda,ah.'' Sabi ni ate Eka
''Ok po.''Sabi ko rin
Tumingin ako sa bahay nila, ang laki lang ah pero mas malaki ang sa amin. Huy hindi ako nagyayabang hah? Sadyang, mayaman lang talaga kami.
''OH, Carlos andito ka pala.'' Sabi sa akin ni Kuya Edward na kakagaling lang sa labas
''Oo kuya, wala kasi sila eh.'' Sabi ko
Ayun nagkuwentuhan lang kami nila Kuya Edward at ate Eka. Kinuwento ko rin sa kanila, yung Ms. Cake na yun, hindi ko kasi alam pangalan niya at sabi pa nila kaparehas lang daw kami nung kapatid ni ate Eka ng story. Baka siya kaya yun? Aishhh! Huwag na nga nating pag-usapan siya.
''Ate! Pwede ka ba bukas? Talent---'' sabi nung babae---
"BAKIT KA NANDITO?'' sabay naming sabi at sigaw
''EH PAKI MO BA?'' Sabay pa rin naming sabi at sigaw
''Magkakakilala kayo?'' sabay rin nilang sabi ni Kuya Edward at Ate Eka
''Ay, ganun nakikisabay?'' sabi nung Ms. Cake na yun.
Kristel's POV
Ayun, inawat nalang kami ni Kuya Edward at Ate Eka, eh pano sabay kasi kami magsalita. Kainis Lang!!
''Anong kailangan mo, Tel?'' tanong ni ate Eka sa akin
''Ah...kasi bukas na yung Talent Show eh...kaya pwede ba samahan mo ako para moral support lang eh kasi si kuya gelo eh tinatamad pupunta bukas sa talent show...kainis lang!'' sabi ko
Tumango nalang si ate at ayun iniwan kami ni Mr. Mang-aagaw sa sala.
*Silence*
''Ah...sorry pala sa ginawa ko nung pagbuhos sayo ng paint.'' Nahihiya pa niyang sabi
ANO? SIYA? NAGSORRY? MAY SAKIT BA ITONG TAONG TO?
''May lagnat ka?'' tanong ko
''Wala naman.'' Sabi niya
''Hmmm...ok.'' Sabi ko nalang at tumingin sa labas
''So, apology accepted?'' biglang tanong niya sa akin
''Hmm...oo.'' Sabi ko
''Ah! May idea ako..let's start being friends.'' Sabi niya
Hmmm..sige na nga...parang seyoso naman siya eh.
''Ok...friends...'' sabi ko
''First of all, introduce muna tayo.'' Sabi niya
''Eh kilala naman natin ang isa't isa ah.'' Sabi ko
''Kahit na.'' sabi niya
May magagawa ba ako dito? Sige na nga!
''Carlos Miles Ranz Joaquin Chu.'' Sabi niya at inilahad yung kamay niya sa harap ko
''Kristel Angelique Dizon.'' Sabi ko at nakipag shake hands na ako.
Hay! Buti naman bati na kami...Thank you talaga Lord!
BINABASA MO ANG
#Love War
RomanceFirst of all, may mga group of girls na sina Kristel, Chyna, Shantelle, Khyla at Janissa. Masaya at masisigla sila palagi until na meet nila ang E5 na ubod ng sungit at hindi ko na alam eh! Yung pag-aaway ba nila ay mararating sa mundo ng pag-ibig...