ADVENTURE #9

44 2 0
                                    

A/N :

Ah guys, just to inform you. Nag se celebrate din ho ako ng holiday kaya hindi ako nakakapag update ng matino this past few days. I’m sorry.

 

 

 

---

 

 

 

-JONA POV-

Weekends ngayon, dati kapag weekends umaga pa lang nakabuntot na kami sa lahat ng show na pine-perform-an ng EXO o kaya nagpapaka ninja kami makapasok lang sa dorm nila pero ngayon ito kami sa bahay ko, todo review na kami dahil sa Monday na ang simula ng midterm, at kailangan namin makakuha ng mataas na marka.

“Ahhh ayoko na, ang sakit sa ulo tapos hindi ko pa nakikita ang inspirasyon ko, pano gagana utak ko nito” sigaw ko, kahit nagtatampo ako sa Yoda ko, namimiss ko na talaga sya e.

“Gaga. Kaya nga ceasefire muna tayo sa kaka-stalk sakanila para makapag concentrate tayo sa e” bulyaw naman ni Jane sakin.

“Kamusta na kaya sila no?” tanong nito sakin.

“Teka kukunin ko lang laptop ko tapos tignan natin kung may bagong balita sakanila” sabi ko ditto at tumayo na para kunin ang laptop ko. Pagkakuha, dumapa agad ako sa kama at naramdaman kong  dumapa na din si Jane sa tabi ko, pag-on ko ng laptop pinagsasabay sabay ko ng buksan lahat ng sns account ko.

“Waaaaaaa bakit ang gagwapo nila ngayon! New hair lahat!” nabingi naman ako sa pagsigaw na yon ni Jane, tsk.. pero totoo ang gagwapo nila ngayon, si Mahal lalo syang gumwapo sa red hair nya.

“Oo nga e, infairness lumelevel na si Chen sakanila ah” sabi ko dito, pano naman kasi pati si Chen stand out.

“Si Mahal naman lalong naging manly sa buhok nya, hindi na sya mukhang baby” sabi ni Jane na kulang na lang kuminang ang mata, nagulat ako ng bigla na lang itong patalong umupo.

THE SASAENG ADVENTURES<3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon