A/N:
Double Update? Yeah XD Belated Happy Holidays sa lahat ^_____^
-JONA POV-
Napalingon kami sa nagsalita, minions? Pagtingin namin, 12 na naggagwapuhang lalaki ang nakatingin samin, kaya naman kumunot ang noo naming dalawa.
“Anong ginagawa niyo dito?” tanong ko sa mga ito.
“Kanina pa namin kayo sinusundan kaso sa sobrang bilis magpatakbo ni Jane ng motor hindi na namin kayo naabutan” sabi ni Suho.
“Kami sinusundan niyo? Teka ibig sabihin kayo yung nakasakay sa puting van sa village pa lang? sinusundan nyo kami?” takang tanong ni Jane sa mga ito.
“Oo kami nga! Grabe ka, babae ka ba!?” sigaw ni Baekhyun na naka crossed arm pa.
“Ah hehehe… sorry naman, akala ko kasi yung mga sindikatong nababalita na nangunguha ng lamang loob ng tao tapos ibebenta at iiwan ng pera sa katawan ng biktima kaya nataranta ako” paliwanag ni Par.
“Sa gwapo naming to yon yung naisip mo samin?” angal ni Kai at inirapan lang ito ni Jane.
“Teka nga, bakit nyo kami sinusundan? Bumaliktad na ba ang mundo at idol na ang humahabol sa fan?” tanong ko naman sa mga ito.
“Eh pano ba naman nag aalala kami sainyo, dalawang lingo kayong lie low sa, napakagago kasi ng dalawang to! Kung ano ano ang sinasabi sainyo, wag nyo ng intindihin yon ah kasihindi naman totoo yun” sabi ni Luhan sabay lapit samin.
BINABASA MO ANG
THE SASAENG ADVENTURES<3
FanficTakbo dito.. Takbo dun.. Kuha ng picture dito.. Kuha ng picture dun.. Hintay overnight sa mga hotel.. Stalk, sunod dito, sunod dun.. Baliw mang sabihin nila, mahirap kaya buhay namin no!? Kayo ngang mga normal fan sitting pretty lang, waiting lang l...