1: Ms. Filipina and the Serious Prince

44 4 4
                                    

Allison's POV,

Panibagong araw nanaman at tapos na nga ang bakasyon. Lahat naman siguro tayo tinatamad diba? Oh wag magmalinis mga chong, no one knows kung anong mangyayari dba?. Isa pa sa nagpapakaba sa akin is tranferee ako from other school, kaya wala talaga akong kakilala nito.

Hindi ako pinangalanang Theya Allison Roque for nothing? And yes that's my name. Sa pangalan palang artistahin na ano? Oh wag na kayong umangal baka mabigwas ko kayo. Kidding aside di ko naman kayo sasaktan, friends ko kayo syempre.

Gusto nyo malaman mga katangian ko? ayaw ko nga joke. Pero maraming nagsasabi na ang sadista ko daw, agad ko napong ipagtatanggol ang sarili ko mga chong may katotohanan po talaga yon lalo na pag natutuwa or naeexcite ako. Mabait din ako mga chong, i love art and listening to music make my day happy. Ang babaw ko ba? Hindi naman siguro. Yun na mga chong mahilig ako sa mga kanta lalo na yung mga kanta ni Taylor, ang kaso lang di mahilig yung kanta sa akin kaya hanggang banyo lang tong golden voice ko. All Too Well ang pinakagusto kong kanta nya isama mo pa ang Getaway Car at Death By A Thousand Cuts, kayo mga chong anong madalas nyong pakinggan? Comment down below nalang.

Physical attributes naman? Well may maipagmamalaki naman ako tiwala naman ako sa mukha ko tanong nyo pa sa nanay at tatay ko. *Dalagang Filipina Pose*

Tutal nabanggit ko nadin ang parents ko might as well ipakilala ko na sila sa inyo.
Mikael Roque ang pangalan ng aking tatay isa syang Company Driver at
Mellisa Roque naman ang sa aking nanay, housewife naman ito. May isa akong nakababatang kapatid na si Leo Alice Roque incoming grade 3 naman ngayong pasukan. Wag kayong ano dyan mahal na mahal ko family ko at swerte ako dahil sila ang naging pamilya ko.

Well naniniwala ako sa kasabihan na "The way to a man's heart is through the lady's neverending effort." Oh diba halata naman siguro na maeffort ako. Atsaka gawa gawa ko lang yan kaya give proper credits lol.

Tama na muna ang pagpapakilala dahil kailangan ko pang maghanda para sa unang araw ko bukas. Yes you read it right first day ko and as a grade 11 student. Accountancy Business and Management ang strand na kinuha ko.

And lastly I'm your Ms. Filipina......
_______________________________________________

Rio's POV,

Yeah summer vacation is over so it means pasukan na naman. Wala naman akong problema roon pero hindi ibig sabihin masaya ako na pasukan na. Rio Jake Quizon is my name and I'm not your ordinary guy. Na introduce ko na rin naman yung sarili ko might as well pati narin ang family ko.

Richard Quizon is my dad's name he is a well known business man, and my mother is Stella Quizon she's a license dentist. I do have a younger sister her name is Kira Kate Quizon, KK is her nickname.

Lubos lubosin ko na ang pagpapakilala dahil alam kong yun din ang nais nyo tsss. I usually play guitar and I know how to play basketball and table tennis. If i will choose between the two table tennis will be my answer because I'm more confident with my table tennis skills.

I believe in a saying that "If you find happiness in a person that's the sign that you found the right one." I guess that's enough for now.

And yes, I'm your Serious Prince.....

_______________________________________________

3rd Person's POV

Abala ang lahat ng mga estudyante dahil opisyal na nagbukas na ang school year ngayon. Makikita rito ang kumpol kumpol na mga estudyante na marahil ay hinahanap ang kanilang section at ang mga nakatalagang room para sa kanila.

Sa isang banda masayang pumasok sa paaralan si Allison dahil sa kadahilang tumaas ang baon nya. Talaga namang mababaw ang kanyang kaligayahan. Nakisali na rin ito sa kumpulan para hanapin ang kanyang section sa bulletin board. Hindi rin iyon nagtagal at nahanap na nga nya ito. Agad itong pumasok sa room at pinili ang malapit sa bintana. Naisip nyang magsountrip muna dahil napaaga sya ng pagrating s school.

Si Rio naman ay tila pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa inis. Alam nyo ba kung bakit? Syempre hindi pa kaya sasabihin ko na, dahil natatamaan sya ng mga nagkukumpulang mga estudyante isama mo pa nag mga matang nakatingin sa bawat galaw nya. Hindi naman kasi maipagkakaila na gwapo ito. Hindi rin nagtagal ang paghahanap nito kaya dumiretso na sya sa building kung saan nakatalaga ang mga ABM students. Dahil matagal pa naman ang oras ng first subject nila naisipan muna nyang tumambay sa puno na nakita nya kanina dahil sa tingin nya ay presko roon.

Lumipas ang tatlompung minuto at dumating na nga ang magiging adviser nila sa taon na ito. Gaya ng nangyari sa normal na first day. Inuna na ang pagpapakilala at isusunod na lamang ang mga rules and regulation sa room.

"Ok class dahil hindi nyo pa kilala ang isa't isa at hindi ko parin naman kayo kilala, edi magpakilala kayo biro lang class masyado kasi kayong tense. So magumpisa na tayo sa pagpapakilala sabihin ang pangalan, kung ilan na kayo at ang expectations sa klase."

Nagumpisa na ang pagpapakila at dumating na sa punto na si Allison na ang susunod. Kaba ang namamayani kay Allison kaya pilit nyang sinasabi sa utak nya na kaya nya ito.

"Hi guys I'm Khalil De Asis, 16 years old hmmm expectations ko sa class is sana maging close tayo lahat at magtulungan palagi." Nahinto sa pagiisip si Allison dahil napogian agad sya kay Khalil, hindi lamang sya kundi pati narin ang ibang kaklase nya, pero walang magbabago sa katotohan na sya na ang sunod. Naglakad na pabalik si Khalil habang nakatingin kay Allison. Nailang naman si Allison sa ginawa ng binata kaya agad narin syang tumayo dahil sya na ang sususod.

"Ahmm hello mga chong ako nga pala si Theya Allison Roque, 15 yrs. old pero malapit narin naman magsixteen, ang expectation ko naman sa klase is yung happy lang palagi at walang away." Tila nawala na ang kaba sa mukha ni Allison ng tapos na sya. Akala nito tapos na ang pagpapakilala dahil sya na ang pinakadulo ngunit biglang bumukas ang pintuan at niluwa nya ang isang gwapong binata.

"Ikaw!." Sigaw ni Allison.

"You again tsss." Nakangising sabi naman ng dumating na binata.

Sino kaya ang binata na iyon at ganoon na lamang ang reaksyon na ginawa ni Allison...

It's you and me there's nothing like this
Ms. Filipina and the Serious Prince

OshOweYou

_______________________________________________

A/N: So ayun mga chong sana basahin nyo tong kwento ko na ito. Yun lang thank you:)

Sino nga kaya? Hmmmmm

18 Song Titles To Be His LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon