5 : I Think He Knows

8 1 0
                                    

Allison's POV,

Boyfriend nyo po ba sya ate?. Walang ano anong sabi ng bata.

Lahat kami ay gulat sa kanyang tinuran lalo na ako dahil kabata bata palang may alam na syang ganyan.

"Hindi pa kiddo pero malay mo". Walang pagsisising wika ni Rio.

"Hoy Asungot kung ano ano sinasabi mo sa bata baka maniwala at umasa yan hmp". Ang naiinis ko tugon sa kanya.

"Sus gusto mo din naman tss." Hay talaga naman ang lakas ng apog nito ano.

"Hay naku kayu talaga mga kabataan ngayon oh, kumain na lamang tayo. Ikaw iho dito ka narin maglunch." Nakapamewang pa si Nanay nyan ha. Inirapan ko nalang si Asungot para matapos na.

Naging maayos naman ang pagkain namin at nagpaalam narin si Rio dahil tinawagan sya ng kanyang mama.

_______________________________________________

Lumipas na nga ang unang semester at talaga namang napakahirap ng mga subjects. Maraming nangyari sa buong semester. Isa na nga dito ang reporting na ginawa namin ni Asungot, yes asungot parin tawag ko dyan hmp. Sobrang kahihiyan ang nangyari noong araw na yon, kaya kahit nakakahiya ay ibabahagi ko narin sa inyo.

Flashback..

Ayan na si Ms. Cruz sa harapan at nagbalik aral lamang kami sa mga aralin na kanyang na discuss.

Hindi ko man pinapahalata pero nakakakaba lalo na't kami ni Rio ang unang magprepresent sa buong klase.

"Ok class we will start the reporting today with Mr. Quizon and Ms. Roque." Masayang bati ni Ms. Cruz, sana all masaya.

Gaya na napagpractisan namin ako na nga ang nagintroduce sa amin. Kahit nakakakaba kaya yan, ilaban natin yan.

"Good Morning Ms. Cruz and classmates I'm Allison and this is Rio." Panimula ko.

"Our topic for today is Verbal and Non-Verbal Communication." Pagtutuloy ni Rio.

"Verbal Communication means its spoken or written message, this i how you express yourself. Voice is the most important element in oral communication, this are sounds that is produced in singing, speaking etc. Examples will follow after we discuss everything about verbal and non verbal." Mahaba habang sabi ko habang nakaturo sa visual aid na ginawa namin ni Rio noong Sabado.

"Let's define Non-Verbal, non-verbal means the process of sending and receiving messages without using words, either spoken or written". Ang pagtutuloy ni Rio.

"So, let's proceed with the examples." Ang masayang sabi ko sa klase baka sakaling makinig sila. Ang tatamad makinig eh.

"Sino gustong magbigay ng example about Verbal?" Ang pagtatanong ko para naman may trill itong reporting. Nagtaas naman ng kamay itong si Khalil, wow naman salamat sa support.

"Yes, Khalil. Pagtawag ko dito." Agad naman itong tumayo at pumunta sa tabi ko which is nakakapagtaka example lang naman hinihingi ko at hindi na kailangan pang pumunta rito, well hayaan na natin.

"I love you Allison and I'm willing to do everything for you". Nagulantang ang isip ko sa pinagsasabi nitong lalaking ito, maging ang mga kaklase ko ay naging wild na kakasigaw ng "ayyiiiie".

"Am, Ok Khalil thank you for your participation, lets proceed with Non-Verbal." Nahihiya at namumulang sabi ko para matapos na ang kahihiyan na ito.

Isa pa sa nagpagulat sa akin ang pagtaas ng kamay ni Rio at ang paglapit nya sa akin with matching ngisi sa mukha. Unti unti na nga syang nakalapit sa akin at huli na ng maramdaman ko ang kamay nya sa pisngi ko, ang lambot ng kamay nya. At bigla ako nitong niyakap. Labis labis ang pagtibok ng puso ko dahil sa ginawa nya, hindi ko mawari kung dahil sa kaba o kahihiyan o iba pa.

Mas dumoble ang pagtili at pag ayyiie ng mga kaklase ko at nakisali narin si Ms. Cruz. Nakakahiya talaga.

"Para saan yon?" Tanong ko kay Rio, hindi parin tumitigil ang pagtibok ng puso ko.

"Well that's my example for Non-Verbal." Tila walang pagsisi nyang saad.

"Ok class, thank you Rio and Allison for the report and instant romantic interaction there, good job by the way and bagay kayo." Natatawang sambit at pangaasar ni Maam na nakapagpula pa lalo sa pisngi ko, lupa lamunin mo na ako.

End of flashback....

Hindi ba labis na kahihiyan ang nangyari sa akin dahil sa mga examples na ginawa nila. Sa totoo lang ilang araw din akong hindi nakatulog sa kakaisip kung bakit ba nila ginawa yun. Kinumbinsi ko nalang ang sarili ko na examples lang yon at walang katotohanan, sabihan nyo pa akong assuming. Pero hindi ko itatanggi na may paghanga narin ako kay Rio, ewan ko ba pag nandyan sya at malapit sa akin bumibilis and tibok ng puso ko. Wag kayong ano dyan paghanga palang naman ito.

Nahihiya narin tuloy ako sa kanilang dalawa, narito pa ang pag-iwas bigla sa akin ni Lana na syang aking pinagtataka. Agad ko rin naman itong kinausap para magkalinawan at ang dahilan nito ay dahil crush na nya si Khalil na sya rin namang kinatuwa ko dahil shiniship ko sila ano.

Nagtawanan naman kami noon sa pagiging childish nya na hindi naman nya itinanggi. Maayos naman na kami ngayon at masaya sa aming friendship.

_________________________________________________

Lunch break na namin ngayon at napagpasyahan namin ni Lana na magsabay na sya namang madalas namin gawin.

Habang kumakain ay biglang itong nagtanong na sya kinabigla ko.

"Kumusta naman kayo ni Rio, Allison yiiiie." Kinikilig na sabi nito.

"Luh anong pinagsasabi mo Lana baka may makarinig pa sayo." Namumulang kong tugon.

"Asus pademure ka pa dyan, wag kang magalala ligtas ang secret mong yan." Naguluhan naman ako sa tinuran nito.

"Anong secret Lana?." Curious kong saad, dahil wala akong kaalam alam.

"Allison kahit itanggi mo pa, nahahalata ko naman na may pagtingin kana kay Rio, at support ko kayo ano. RiSon yan ang naiisip kong loveteam nyo hahaha." Kinikilig at natatawang sabi nya na syang nakapagpapula nanaman sakin, nakakahiya talaga.

"Hoy, ano kaba ang dami mo ng nalalaman ha, kayo naman ni Khalil ay KhaNa." Ang sabi ko naman, tila natigilan ito at ngumuso sa likod ko sa siyang nilingon ko naman malay ko ba kung may pinapakita sya sa akin.

Pagkalingon ko rito ay nakita ko si Rio na nakatingin banda sa amin.

"Oh napano?". Takang tanong ko sa kanya.

"Mukhang narinig nya yung usapan natin hehe sorry Allison and I think he knows na." Hays pinamulahan naman ako muli.

"Hay, ikaw kase eh ang ingay mo yan tuloy." May inis na tugon ko.

"Sorry na nga kase libre nalang kita ng milk tea tara." Ayan diyan sya magaling rich kid kase, sayang din yon.

"O sya sige apology acccepted, sayang ang libre."

Natapos naman ang pagkain namin sa canteen ng maayos at syempre busog. Nagtataka siguro kayo kung nasaan si Khalil, ayun may pupuntahan daw saglit kaya kami lang ni Lana ang magkasama, nalungkot pa nga itong si Lana eh.

Nakarating din naman kami agad sa room at matiwasay na natapos ang klase. Aalis na sana ako ng biglang hinila ni Rio ang kaliwang kamay ko at dali daling lumabas. Nagtataka man ay nagpahila na din ako, hehe sorry marupok lang joke.

"Saan ba kase tayo pupunta?" Curious kung tanong dahil ang bilis nyang tumakbo.

"Tss." Ayan nanaman sya sa pa ahas effect nya.

Like, I want you, bless my soul
And I ain't gotta tell him
I think he knows
I think he knows


OshOweYou

_______________________________________________

A/N: thank you mga chong sa support naka 100 reads na tayo:)

18 Song Titles To Be His LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon