Allison's POV,
"Saan ba kase tayo pupunta?" Curious kung tanong dahil ang bilis nyang tumakbo.
"Tss." Ayan nanaman sya sa pa ahas effect nya.
Hila hila parin ako ng asungot at namalayan ko na lamang na sana kalsada na kami. Dito may isang gray na kotse ang tumigil na sa tingin ko'y pagmamay-ari ng pamilya nitong si Rio, rich kid yan eh.
Habang tulala nakatanggal na pala ang kamay nito sa kamay ko at pinagbuksan nako ng pintuan ng sasakyan. Hindi ko na itatanggi pero pinamulahan ako roon dahil napakagentleman nya.
Hindi rin naman ito nagtagal at umandar na ito, nasa backseat kami at sa tingin ko family driver nila ang nagmamaneho.
Awkward silence ang namayani dahil walang anumang salita ang nabuo sa byahe. Para naman maging ok ang aura, nagtanong na ako kung saan ang punta namin.
"Hoy Asungot, san mo ako dadalhin may balak ka siguro masama sa akin ano? Kasabwat mo yang driver? Baka itapon nyo ako sa bangin ha? Pag ganun talaga ang plano mo masasapok ka sa akin." Sunod sunod kong sagot para naman sumaya ang paligid, nagpakaoa pa ako para naman dama.
"Tss, tumahik ka nalang muna, wag ka magoverreact malapit na tayo." May inis sa unang sabi nya pero naging calming din ang boses nito.
Narating namin ang isang lugar na medyo malayo sa ilaw ng lungsod.
"Narito na tayo Allison." May sayang sabi nya saakin, bubuksan ko na sana ang pintuan ng kotse pero pinigilan ako nito kaya ang siste magkalapit ang mukha namin at talaga namang konti nalang at magdidikit na ito. Umubo naman si manong driver kaya agad na akong tumingin sa ibang bahagi, nakakahiya.
Kaya naman pala ayaw nyang ipabukas ang pintuan dahil sya ang magbubukas nito. Nagpapakagentleman naman pala. Isinawalang bahala ko nalang ito at tuluyan na ngang lumabas. Bumungad sa akin ang napakapresko at nakakakalmang hangin.
"Anong lugar ito Rio? San mo to nadiskubre?." Sunod sunod kong tanong, para kasing nakakawala ng problema ang lugar na ito.
"Nasa Cornelia Street tayo Allison hahaha biro lang. Am, I don't know natunton ko lang tong lugar na to noong naisipan kong itakas ang kotse ni Dad." Natatawang sabi nya na talaga namang nakakahalina sapagkat kita ang matamis nitong ngiti. Hay naku Allison nagiging makata ka nanaman.
"Pilyo ka rin pala ah, may pa Cornelia Street ka pa dyan buti naisipan mo akong isama rito?". Hindi ko na rin napigilan ang magtanong.
"Bago ko sagutin ang tanong mo, punta muna na tayo doon." At itinuro nga ito ang isang upuan na gawa sa kahoy. Makikita mula rito ang napakagandang paglubog ng araw.
Naglakad na nga kami at umupo.
Mababakas sa mukha ni Asungot na kabado sya, ano naman kaya ang sasabihin nya?. Baka aamin na sya na isa syang mafia o kaya naman drug lord, syempre biro lang. Gusto ko lang libangin itong utak ko.
_______________________________________________
Rio's POV,
Ngayong araw ko na naisipan na isagawa ang plano kong pagtatapat kay Allison patungkol sa aking nararamdaman sa kanya. Yes alam kong nagtataka kayo sa kadahilang kung magbangayan kami ay tila aso't pusa.
Pero hindi ko naman masisi ang puso kung sa kanya ito tumibok hindi ba?Hays nagiging corny na ako, i guess pag inlove ka ganun talaga. Masasabi kong seryoso ang nararamdaman ko para kay Allison dahil sa buwan na lumipas na nakasama ko sya as a classmate and dating seryoso kong mukha ay nakahanap ng rason para sumaya.
Lunch break noong nakita ko si Allison kasama si Lana na kumakain at naguusap sa canteen. Naisipan kong doon narin muna tumabay dahil gutom narin naman ako.
Kapansin pansin ang pagpula ng pisngi ni Allison ng sinabihan syang humarap banda sa aking kinauupuan. Nagtaka man sa kanyang ikinilos at hindi ko man alam ang dahilan ay tila sumaya ako dahil sa aksyong ginagawa nya.
Malapit ng matapos ang klase at naghihintay na lamang ako ng tyempo para mahila si Allison para maisagawa ko na ang ang aking nais.
Success naman ang plano ko dahil nagpahila naman sya. Habang tulala ito dumiretso na ako sa kotse ng pamilya namin at pinagbuksan ng pintuan si Allison, gentleman ata to.
Naging maayos naman ang byahe papunta sa lugar kung saan nakita ko noong itakas ko iyong kotse sa papa ko. Pasensya na at sadyang malungkot lang ako noong araw nayon kaya naitakas ko ang sasakyan. Pero ng mahagip ng mata ko ang lugar na yon tila nawala abg lahat ng lungkot na aking nararamdaman.
Kaya doon ko isasama si Allison para narin magtapat sa tunay kong nararamdaman. Aaminin kong kabado ako pero para sa pag-ibig kakayanin, f*ck ang corny ko na.
Naglakad na nga kami papunta sa isang upuan na gawa sa kahoy. Huminga muna ako ng malalim sa kadahilanang nananaig ang kaba ko sa mga oras na ito.
"Allison?." Ang pagtawag ko sa kanyang atensyon marahil ay namangha parin sya hanggang ngayon sa ganda ng tanawin.
"Ay sorry, ano ba iyon Rio? May pa ganto kapang effect ah." Ang natatawa nyang tugon sa akin.
"Hmm can i confess something?." Ang confident kong pagsisimula, inalis ko muna ang kaba dahil hindi ito nakakatulong.
"Yes naman, kung may problema ka nandito lang ako kahit asungot kapa." Nakaagbiro pa ito, pero ito'y nakapagpagaan sa aking kalooban.
"I like you, no i think I love you." Nahihiya kong pagamin sa kanya.
"Huh? Ano ulit? May sinasabi ka?." Pagtatanong nito.
"When I'm with you my heart beats fast, my mood suddenly become happy whenever your around. I get mystified when I see you sniling. This feeling is new to me because no one ever make me feel this way." Ang seryoso kong saad na galing sa puso, alam kong corny pero bahala na.
Nakita ko naman na pinamulahan ito at bigla na lamang tumalikod sa akin. Nakaramdam ako ng lungkot sa kadahilang baka ayaw nya sa mga narinig nya.
"I'm sorry Allison if nabigla kita pero I just want you to know kung ano tong nararamdaman ko." Hindi ko pinahalata na nalulungkot ako sa ginawa nyang pagtalikod.
Humarap na nga ito ng tuluyan at tumingin ng diretso sa akin. Naramdaman ko nanaman ang pagbilis ng takbo ng puso.
"Ano kase Rio, are you sure sa mga pinagsasabi mo? Hindi naman siguro ito prank diba?. Ang pagtatanong nya sabay tingin sa palagid, marahil naghahanap ng camera. This lady is really extra ordinary, she amuse me everytime.
"No, I'm serious I really do love you and I'm willing to court you forever." Lakas loob kong pagsabi, ayaw ko ng palagpasin ang oras na ito.
Sakto at malapit ng lumubog ang araw ng magsalita ito.
"Hoy ano to, ikaw ah ikaw pala tong may crush sa akin. Pinamulahan naman ako sa sinabi ni Allison.
"Am, manliligaw ka palang naman diba, kaya it's okay to me pinapayagan kita." At dun ko na feel ang sobra sobrang kasiyahan. Niyakap ko ito at nagpasalamat.
"Oops wag masyadong feeling hindi pa naman kita sinasagot." Natatawang sabi pa nito, na syang ikinatawa ko.
"Oops wag pakampante baka bukas palang sagutin mo na ako." Ang paggatong ko rin sa biro nito. Namula na naman sya na nagpakita sa magandang mukha nito.
"Hays bahala ka nga dyan." Nagiba nanaman ang mood nito kaya natawa na lamang ako, inaya ko na rin syang umuwi dahil late na.
"Anong tinatawa mo dyan ha!?." Ang paghabol pa nyang sabi.
"Wala wala, tara na?." Ang pagaya ko rito. Natapos ang araw ko na sobra sobra ang kaligayahan.
I hope I never lose you, hope it never ends
I'd never walk Cornelia Street again
OshOweYou
_______________________________________________
A/N: sorry mga chong kung sobrang natagalan, thank you sa support:).
BINABASA MO ANG
18 Song Titles To Be His LOVER
RomanceA teenage girl who want to find love and a boy nextdoor who has a taste in finding the right one. Will the two of them meet? Will the destiny find its way? A highschool lovestory that will teach you the true beauty of being in love. Can I go where...