4 : ME!

7 1 0
                                    

Allison's POV,

Natapos ang isang linggo na walang pagbabago, madalas ko pa rin kasabay ang mga bago kong kaibigan na si Khalil at Lana.

At ngayon nga ay lunes nanaman, dahil napaaga ako ng gising minabuti ko na rin ang maligo at magalmusal para makaalis na at pumunta sa school, dahil pang hapon ang kapatid kong si Leo ay hindi na kami nagsasabay.

Nadatnan ko ang room na kakaunti palang ang tao. Pero asusual maaga si Asungot, aba naman early bird si chong.

Agad ding lumipas ang oras at dumating na si Ms. Cruz. Kaso ang bungad na man nito ay isang reporting na by two. At para maiba, walang bunutan na naganap.

"Ok class para sa groupings ay tatawag ako ng isa sa inyo at sya ay may karapatang pumili ng ninanais nyang kapareha and so on." Sana ako matawag ni Ms. para mapili ko si Lana.

"Quizon?." Wow naman at si asungot pa talaga ang nauna, kumpyansa naman akong di ako ang pipiliin nya. Tumayo naman ito agad.

"Sino ang nais mong makapareha Mr. Quizon?." Sabi ni Ms. at nagbulungan na ang mga fangirls nitong si asungot na kala mo sila ang pipiliin.

"Si Kapatagan este si Allison." Gulat at inis ang namayani sa utak ko dahil sa pinagsasabi nitong si asungot. At syempre nagsitawanan ang buong klase nakakahiya tuloy, hindi ko na rin napigilan ang tumayo.

"Hoy asungot anong kapatagan ka dyan gusto mo yatang tapakan ko ulit yang paa mo hmp." Nanggigigil kong sabi, dahil hindi ko talaga maatim yang kapatagan kapatagan nayan. For your information mga chong may umbok naman ito kahit papaano.

"Tss." Ayan nanaman sya sa tss nya pinaglihi yata to sa ahas eh.

"Ok Mr. Quizon and Ms. Roque kayo na magkapartner sa reporting." Hindi ko na nagawang umapila dahil reporting lang naman yan.

Kasabay ng pagsabi ni Ms. ng mga yon ay ang pagtili at pagkadismaya ng mga fangirls nya.

Bagay sila ano?

Crush ata ni Rio si Allison...

Pakipot pa si ghurl ha, di na kaya sya lugi..

Di hamak na mas bagay naman kami ni Rio...

"Hey class tahimik, let's proceed." At nagpaltuloy na nga si Ms. sa pagtawag ng pangalan.

Natapos naman ito ng wala ng reklamo. Well iexclude ko na ang sarili ko, dahil mas gusto ko sa nang kapareha si Lana o kaya naman ay si Khalil. Pero masaya na rin ako at si Lana at Khalil ang magpartner, and I think my ship is sailing.

Binigyan naman kami ng kanya kanyang topic at lessons na pagaaral namin hanggang matapos ang semester na ito.

At dahil si Asungot ang naunang natawag kami ang unang magrereport.  Hays kung minamalas ka nga naman.

Magaganap at mauumpisa ang reporting namin sa Monday kaya marami pa ang oras namin para mapagusapan ito. Si Ms. muna raw ang maguumpisa dahil syempre sya ang teacher hehe.

______________________________________________

Rio's POV,

As expected maguumpisa na ang mga reporting, projects etc. Alam kong nagtataka kayo kung bakit si kapatagan ang napili ko, well i just feel it.

Napagkasunduan namin dalawa na gawin ang visual aid sa bahay nila. Wala akong angal don, dahil hindi naman kalayuan ang bahay nila. Its Saturday today and my driver is heading me to Allison's House. Alam kong nagtataka kayo dahil alam ko ang bahay nila,  syempre sinabi sakin ni Allison tss.

Ang pinagtataka ko lang is kahit anong angil o pagsusungit sa akin ni Allison ay hindi ko magawang magalit sa kanya, natutuwa pa nga ako rito. I know you think I'm crazy but that just what I feel.

Back to the reporting part, napagkasunduan namin na mauuna syang magsasalita at ako ang tatapos nito.

"Hoy asungot." Tawag sakin ni kapatagan

"Tss." Tugon ko

"Anong tss ka dyan, bakit ako ang pinili mo alam mo bang si Lana ang nais kong makapareha o kaya naman si Khalil." Mahabang lintaya nya, tss at naisipan nya pang makapareha yung Khalil na yon.

"You talk as if you dont want me as your partner, if I know crush mo ako." Sa hindi ko malamang dahilan nasabi ko yon tss bahala na.

"Hoy asungot for your information pwet mong may lotion ito ang tandaan mo hindi kita crush and Ill promise that you'll never find another like ME! kaya swerte ka at hindi ako umangal nang ako ang pinili mo as partner with this reporting hmp." Gigil at inis na sabi nya, well this woman is extraordinary huh? At may pa promise pa sya. At kapansin pansin ang pagpula ng pinsgi nya tss.

"Can we just finish our visual aid so that we can relax already." Casual na sabi ko.

"Anong relax ka dyan, mag practice tayo sa sasabihin natin baka mapahiya pa tayo nyan."

And so on nangyari na nga ang practice 1o1 namin para sa reporting and all I can say is Allison is a smart and cute. Yeah she's cute and a positive person. Napansin kong kanina ko pa sya pinupuri and kanina pa ko nakangiti. She's really extraordinary.

_______________________________________________

3rd Person's POV,

Nagpatuloy sa pagpapractice si Allison at Rio sa magaganap na reporting sa Monday.

"Good Morning Ms. Cruz and classmates I'm Allison and this is Rio." Panimula ni Allison.

"Ganyan ang pagpapakilala na gagawin natin ok?." Ang sabi ni Allison kay Rio na mataman naman na nakikinig.

"Oo na tss." Ang sabi naman ni Rio.

"Hoy seryosohin mo naman to kailangan natin galingan." May inis na tugon ni Allison.

At natapos na nga ang kanilang pagpapractice. Dahil tanghali na ay naisipan ni Allison na sa bahay nalang pakainin si Rio sapagkat alam nitong gutom narin ito.

Sakto dahil kararating lang ng nanay ni Allison kasama si Leo na galing sa palengke para sa stock na pagkain sa bahay.

Agad naman sinalubong ni Allison ang kanyang nanay at nagmano. Hindi inaasahan ni Allison na magmamano rin si Rio dahil sa pagaakalang isa itong brat. Talaga namang don't judge the book by its cover.

"Hi po ate Allison." Galak na bati ni Leo sa ate nya.

"Hi din bunsoy". Sabay tapik sa  buhok ng bata.

"Boyfriend nyo po ba sya ate?. Walang ano anong sabi ng bata.

I'm the only one of me
Baby, that's the fun of me

You're the only one of you
Baby, that's the fun of you


OshOweYou

_______________________________________________

A/N: stream folklore mga chong walang tapon promise.

18 Song Titles To Be His LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon