2 : You Need To Calm Down

14 2 0
                                    

Allison's POV

Ikaw!." Oo may exclamation point para dama nyo rin yung inis ko mga chong.

"You again tsss." Nakangising sabi naman nitong asungot nato.

"Hey the two of you need to calm down wag masyadong sumisigaw." Sabi ni Ms. Cruz na syang adviser namin.

Wow as in wow lang ano to deja vu?. Bulong ko na lamang. Pinaupo narin ako ni Ms. at salamat narin dahil di ko na matagalan yang asungot nayan, nagsorry muna ako kay Ms. Cruz bago tuluyang umupo.

Sinabihan naman sya na magpakilala. At dahil naiinis ako dyan hindi ko pinakinggan ang pinagsasabi nya dahil masasayang lang ang oras ko.

Alam kong nagtataka kayo kung bakit ako inis na inis dyan sa lalaking asungot nayan. Gusto nyo ikwento ko sa inyo? Ayaw ko nga.
Syempre joke lang alam nyo namang joker ako, so ito na nga kase yung nangyare.....

Flashback.....

Enrollment day

Dahil enrollment ngayon, maaga akong nagising para makaiwas sa pila, naligo muna ako para naman fresh ako pagdating doon. Natapos din ang pagligo ko at naisipan ng magalmusal, naabutan ko na roon ang akin tatay na nagbabasa ng dyaryo habang umiinom ng kape at si nanay na hinahanda ang almusal ko. Sana nga almusal ko yon at baka sabihan nyo pa ako na assuming. Natapos narin akong magalmusal at nagabang na ng masasakyan.

Nakarating ako sa bagong school na papasukan ko sa oras na 8:00 am. Tamang tama at kakaunti pa lamang ang mga kapwa ko student sa magpapaenroll.

Maayos naman ang process ng pagpapaenroll at agad din naman iyon natapos. Yun nga lang sa pasukan padaw malalaman kung saan section ako kabilang.

Nakaramdam naman ako ng pagkaihi kaya nagmamadali akong pumunta sa cr. At ayun na nga sa di ko malamang dahilan biglang may sumulpot na lalaki sa harapan ko kaya nagkabungguan kami.

Dahil sa nangyari ang pwesto namin ngayon ay nakapatong ako sa kanya. Tila ba ba huminto ang oras ng mahagip ng aking mga mata ang kanya. Ang gwapo naman nito nananaginip ba ako Lord?.

Nahinto ang isipan ko iyon ng magsalita sya.

"Nakabangga pala ako ng kapatagan what a day." Ang sabi nya kumulo naman ang dugo ko ng marinig iyon. Abat anong karapatan nyang sabihan ako ng kapatagan. Dahil sa sinabi nya tumayo na ko at naiisipan kong daganan ang paa nya kaya ayun ang loko nagsisigaw. Pinagpagan ko saglit ang kamay ko at itong asungot naman ay tuluyan na ngang nakatayo.

18 Song Titles To Be His LOVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon