"Hello anak? kumusta? kumain ka na?" salubong na tanong sa akin ng mama ko.
Sa halip na sumagot sa mga binato niyang tanong, sunod-sunod nalang na bumagsak ang mga luha galing sa mga mata ko. Pero pinigilan ko nalang ang paghikbi para hindi na gaanong mag-alala si mama, si papa, at mga kapatid ko. Ang pamilya ko.
Miss na miss ko na silang lahat. 2 buwan na akong hindi nakakauwi dahil sa trabaho. Nakakapanlumo lang dahil sa halip na pasalamatan ka ng mga tao dahil sa katapangang ipinapakita mo, kabaliktaran pa ang ginagawa nila, sa halip na tulungan kang palakasin ang loob mo, harap-harap ka pa nilang pinandidirihan.
"Roshelle? Andyan ka pa ba, nak?"
"Ah opo, ma. Kumain na ho ako."
sinabi ko nalang para hindi na siya mag-alala pa kahit na ang totoo ay kumakalam na ang sikmura ko. Ang mga tiyan namin dito ay tila nagpapalakasan na sa paghiyaw nang dahil sa gutom. Pero katulad ng nakaraang dalawang buwan, ipinagsasawalang-bahala namin ito.Nagpaalam na ako kay mama dahil may panibago na namang mga pasyente ang dinala rito sa pinagtatrabahuan kong ospital. Deretso silang inihatid sa isang kwarto upang sumailalim sa monitoring.
Pitong tao. Sa loob lamang ng ilang oras ay pitong tao na kaagad ang nagpositibo sa kumakalat na virus. Naiiyak nalang ako sa sitwasyong nakikita ko sa paligid.
Halos lahat ay nakasuot ng facemasks, kung tutuusin ay dapat normal lang naman talaga ang pagsusuot nito. Pero dahil nga may kumakalat na virus, lahat ay pawang takot madapuan nito. Sino ba naman kasing hindi?Balak ko nang isuot ulit ngayon ang parang cellophane na ginawa naming protective gears. Hindi naman talaga ito ang dapat na pamproteksyon namin, ngunit nagkaubusan na ng gears kaya nag-improvised nalang muna kami hangga't hindi pa dumarating ang bagong stocks. Balot na balot ang buong katawan namin, mukha, kamay, lahat ng bahagi ng katawan ng lahat ng nagtatrabaho rito sa ospital ay tagaktak ang pawis sa loob ng proteksyong kasuotan ngunit wala kaming oras na isipin pa ito dahil wala rin naman kaming ibang choice. It's either mag-iinarte ka at tanggalin ang gear para mahawa ng virus or magtiis para mabawasan ang bilang ng mga nagpositibo.
Nang nakasiguradong ayos na ang improvised protective gear, itinulak ko na ang trolley na may lamang mga pagkain ng pasyente at dumeretso sa kwartong pinamamalagian ng mga nag positive sa virus.
Iwinaksi ko ang takot kong mahawaan ng sakit. Nang nagdesisyon akong mag-doctor, itinatak ko na sa sarili ko na hindi ako tao kapag kaharap ang mga pasyente ko, instead, I should serve as their superheroes. Na kahit mahirap, kailangan ko silang iligtas.
Pagkapasok ko ay nanlumo ako sa kalagayan nilang lahat. Habang isa-isang ibinibigay ng dalawang nurses na kasama ko yung mga pagkain, tahimik ko silang pinagmamasdan. Ang mga katawang nilang sobrang nangangayayat, mahahalata mo ang hirap na pinagdadaanan nila. Deretso akong pumasok sa isa pang kwarto upang bisitahin rin ang isa sa paborito kong pasyente rito sa ospital. Si Jah. Isang 7 years old na batang lalaki. Nakakalungkot na pati ang isang musmos na batang ito ay hindi nakaligtas sa virus.
Nang makita niya ako ay isang napakalaki at napakatamis na ngiti ang iginawad niya sa akin.
"How are you, Jah?"
"Im g--good, at--te R--r-oshelle"
halatang nahihirapan itong magsalita dahil sa maya't-mayang pagsingit ng matinding ubo niya.Magtatagal pa sana ako sa pakikipag-usap nang nakaramdam ako ng biglaang pagkahilo. Aalis na sana ako nang tuluyan na akong natumba dahil tila nanghina na rin ang mga tuhod ko.
'Dala lang naman siguro ito ng labis na pagkapagod.'
Umaasang pag-iisip ko bago magpakain sa kadiliman ang aking paningin.
YOU ARE READING
We Almost Spend Our Lifetime Together
Randomisang laban kung saan imbes na tulungan ang mandirigma upang manalo, labis na panghahamak pa ang natatamo Ang sakit lang isipin na ikaw na nga yung nagbubuwis ng buhay para lamang masugpo ang pandemyang ito, puro panlalait at pangmamaliit pa ang nat...