Nagising ako na sobrang bigat ng ulo. Ngunit mas lalo akong nagulat na imbes na protective gear ang suot ko dahil nga doctor ako rito, eh naka hospital gown ako. At nasa kwarto ako kung saan ako naghatid ng pagkain kanina.
Nang lingunin ko ang doctor na kasamahan ko, yumuko lamang ito. And with that gesture, I already know. Isa na rin ako sa mga taong positibo sa mapanirang sakit na ito. Isa sa mga taong makikipaglaban upang manatiling akin ang hiram kong buhay.
Expected ko na rin to kaya hindi na ako naiyak. Actually kaming lahat dito sa ospital, nurses, doctors, pati yung mga janitors dito? Alam na ang posibleng kahihinatnan. Pero hindi pa rin talaga maiwasan masaktan at manlumo.
Napatingin nalang ako sa singsing na nakasuot na aking palasingsingan. Oo, ikakasal na dapat ako sa susunod na buwan. Pero yun nga, sa kasamaang-palad ay naabutan ng pag-usbong ng pandemic.
Hinanap ko sa nurse yung phone ko at binigay niya rin naman agad yung phone ko na nakasilid sa isang zip-locked container. Napangiti ako nang makita ang phone wallpaper ko. Litrato namin yun ni Miggy nung nasa probinsya kami. Nasa likod ko sya at nakayakap siya sa bewang ko habang nakangiti at hindi maikaila ang saya sa aming mga mata.
Tinawagan ko kaagad siya at nasagot niya rin naman agad matapos ang tatlong ring.
"Love....." bati ko
"Hello, love? how are you? Alam ko hindi okay, pero okay lang yun! hahaha"
Natawa ako sa sinabi niya. Alam na alam niya talaga kung paano ako icheer-up. Naluha nalang ako bago ko sabihin sa kanya ang pakay ko.
"Love.... hindi na ako doctor"
"hmmm? What do you mean by that? uuwi ka na? miss na miss na kita, love" wika niya na may bakas ng lungkot na maririnig.
"Hindi na ako doctor, Miggy. I am a patient now. Nagpositive ako sa tests" At doon na tuluyang kumawala ang bawat hikbi ko
"shhhh, love. I know. Alam na namin nila mama at papa mo. pati mga kapatid mo. Sinabi kaagad ni Shirley sa amin pagkalabas na pagkalabas ng results. And don't worry, you'll get through this. We'll get through this, okay? Ikakasal pa tayo diba? Bubuo pa tayo ng basketball team kasama ang mga magiging anak natin kaya lalabanan natin to, okay love?"
Sinabi na pala ni Shirley. Si Shirley yung doctor na kausap ko kanina. Magkaibigan na kami simula pa noong 3rd year highschool. Pati sa Med School ay magkaklase rin kami. Magkaibigan rin sila ni Miggy dahil sa asawa ni Shirley na si Tom na siyang best-bud ni Miggy.
"Oo. lalaban ako. lalaban tayo love. Magpapagaling ako. Para kina mama, para sa pamilya ko, para sayo, para sa akin, para sa magiging pamilya natin" hindi ko na hinintay ang pagsagot niya at basta ko nalang binaba ang tawag matapos ko yung sabihin.
YOU ARE READING
We Almost Spend Our Lifetime Together
Randomisang laban kung saan imbes na tulungan ang mandirigma upang manalo, labis na panghahamak pa ang natatamo Ang sakit lang isipin na ikaw na nga yung nagbubuwis ng buhay para lamang masugpo ang pandemyang ito, puro panlalait at pangmamaliit pa ang nat...