June 22, 2035
"Hi love! It's been 15 years since it all happened. Ay! Oo nga pala may pupuntahan akong concert. Magbibihis na muna ako"
Matapos kong magbihis ay dumeretso na ako sa garahe at pinaandar ang sasakyan para tuluyang makaalis. Pagkarating ko sa venue, marami ng mga tao.
Biglang mas lumakas ang hiyawan nang lumabas na ang bandang Ben&Ben.
'Ito rin yung bandang pinakapaborito natin, love'
Tuluyan na rin akong nakisaya hanggang sa matapos ang una at pangalawang kanta ng banda. Magsisimula na ang ikatlong performance nila ngayong gabi. Nakisabay naman ang lahat nang malaman ang kanta. Pati ako ay hindi napigilan ang sarili.
'Dreams, they're for those who sleep
Life, it's for us to keep
And if you're wond'ring what this song is leading to
I wanna make it with you
I really think that we could make it girl'Yes love, I really thought we could make it.
'No, you don't know me well
And every little thing only time will tell
If you believe the things that I do
And we'll see it throughLife can be short or long
Love can be right or wrong
And if I chose the one I'd like to help me through
I'd like to make it with you
I really think that we could make it, girl'We can't really determine life. Nakakalito. Nakakaasar. Kung kelan planado na ang lahat, kung kelan handa na kayo pareho, saka ka naman yayanigin ng problema.
*FLASHBACK 15 YEARS AGO*
Tumawag sa akin si Shirley. Ang sabi niya ay may kailangan siyang ibigay sa akin. Pero sa hindi malamang dahilan ay kumakabog ang dibdib ko.
Nakarating ako sa ospital suot ang facemask ko. Nakita ko naman agad si Shirley. Nagtaka ako sa itsura niya. Mugto ang mata, namumulang ilong, at humihikbi pa.
"What happened?"
Imbes na sagutin niya ako ay may iniabot lang siyang isang kulay blue na notebook.
"Ano ito?"
"She gave up, Migs. Wala na sya. Wala na. W-wala na ang k--kaibigan ko. Wala na siya Miggy. Wala na si Roshelle!" Doon na ako napaluhod. Hindi ko na nakayanan pa. Parang lumambot nalang bigla ang mga tuhod ko. Nag-uunahan na sa pagtulo ang mga luha ko.
"Asan siya ngayon? Alam naba nila tita at tito?" Tulala kong tanong sa kanya.
"Ipinapa-cremate na sya. Nandoon na rin sila tita. Inutusan lang nila akong tawagan ka saka para ibigay rin iyan" tukoy niya sa notebook. "Pinakita ko na rin nina tita yan. Kinuha na nila ang isang page na sinulat ni Roshelle para sa kanila. Yung sayo nalang raw yung nandyan. Sge kailangan ko na rin bumalik doon." Niyakap niya muna ako bago umalis. Nang mahimasmasan ako ay pumunta na agad ako sa kinaroroonan nila tita. At eksaktong pagdating ko ay papalabas na sila sa gusali kung saan ipina-cremate ang katawan ni Roshelle.
Bumuhos na naman ang luha ko nang niyakap ako ng mahigpit ni tita habang hawak naman ni tito ang jar kung saan nakalagay ang abo. Nasa likod rin nila ang dalawang nakababatang kapatid ni Roshelle na sina Ronnie at Reanne. Kapwa namumugto rin ang mga mata at sumisinghot.
Dumaan muna ako sa bahay nila tita bago umuwi.
Pagkauwing-pagkauwi ko, kaagad kong binuklat ang notebook na binigay ni Shirley sa akin. Doon ako mas nanlumo sa lungkot at pangungulila nang makita ko ang laman nun.
1. Para kay Miggy
2. Para sa mga magiging anak namin
3. Para sa mga pangarap namin
4. Para makanood ng ben&ben concert kasama si Miggy
5. DREAM WEDDING WITH MY DREAM GUY, MIGGYyun ang nakasulat sa apat na pahina ng notebook. Paulit-ulit lang yun. Tila yun ang nagiging lakas niya para lumaban.
Nilipat ko na sa susunod na page.
'Nag videocall kami ni love kanina. Ang saya saya niyang tingnan habang iniisip niya na kakayanin namin. Pero parang hindi na ata kaya ng katawan ko. Gusto ko pang lumaban eh, gustong-gusto ko pa lumaban, pero sukong-suko na yung katawan ko. Hindi ko na rin kayang magpanggap na masigla ako sa tuwing nagvi-video call kaming dalawa. Pagod na pagod na ako.'
Sa sumunod naman na mga pahina ay parehong 'pagod na pagod na ako at mahal na mahal kita' ang makikita.
Nang dumako ako sa pinakahuling pahina, dito na tuluyang nag sink in sa utak ko na totoong iniwan na niya ako. Iniwan na niya talaga ako.
*END OF FLASHBACK
YOU ARE READING
We Almost Spend Our Lifetime Together
Randomisang laban kung saan imbes na tulungan ang mandirigma upang manalo, labis na panghahamak pa ang natatamo Ang sakit lang isipin na ikaw na nga yung nagbubuwis ng buhay para lamang masugpo ang pandemyang ito, puro panlalait at pangmamaliit pa ang nat...