03

4 1 0
                                    

Makalipas ang isang buwan, hindi pa rin bumubuti ang pakiramdam ko. Para ngang palala nang palala eh. Nung isang araw lang ay grabe yung ubo ko na sumusuka na ako ng dugo. Nanghihina na rin ang katawan ko. Halos hindi na ako makatayo o kahit makaupo man lang sa higaan ko nang hindi ako inaalalayan.

Limang pasyente lang kami dito sa kwarto. Inilipat nila yung ibang medyo bumubuti na ang lagay. Unfortunately, I'm not one of them.

Kinuha ko nalang yung notebook pati ballpen ko. Hiningi ko pa to kay Shirley para naman may mapaglibangan ako kapag walang magawa. Ay, oo nga pala, katatawag lang nila mama kanina tsaka nag videocall rin kami ni Miggy. Kinamusta lang naman nila ako tsaka nagbigay ng kaunting mga paala-ala.

'To Mama, Papa

Ma, Pa kung nababasa niyo man ito, ibig sabihin alam niyo na. Hindi na kaya eh. Pero Ma, Pa, wag kayong mag-alala nakahanda na naman na lahat eh. Nasa kwarto ko, sa loob ng kabinet, sa itaas, may documents doon. Nakalagay na rin doon yung kung kanino ko ibibigay yung ipon ko. Para hindi na kayo mahirapan pa, lalo na at mag-aaral pa sina Ronnie at Reanne, magastos hahaha.

Yun na nga ma, pa. Magpapaalam lang ako. Alam nyo naman na pag nawala ako, literal na wala na talaga dba? As in wala na, abo, ganern. Pero ayoko namang mawala nang hindi ako nakakapagpaalam. Hindi ko alam kung kailan, pero alam kong malapit na.

Mahal na mahal ko po kayong lahat. Pakisabi po kina Ronnie at Reanne na mag-aral silang mabuti. Tsaka pakiabot rin yung sorry ko kay Reanne kasi mukhang hindi ko matutupad ang pangako kong sasamahan ko siya sa stage pagka-graduate niya.

Mag-iingat kayo palagi.

Ps. May pasyente akong tinuring ko nang pamilya. Si Justin Madrigal. Jah kung tawagin. Pakitingnan tingnan rin po, makakasundo rin yun ni Reanne'

I wiped my tears away before I continued writing.

'To Miggy

Hi love! Hmmm ito ata pinakamatagal nating hindi nagkita no? Ilang buwan naba? Two? Three months? Hahaha. Pero I just want to apologize dahil mukhang hindi na talaga tayo magkikita pa nang harapan, love. Sorry kasi di ko matutupad yung pinangako kong lalaban ako. Para sa atin.

Kung nababasa mo man ito, isa lang ibig sabihin nun, NAKAKAPAGBASA KA! char. Pero seryoso na, love. Kung nababasa mo man to ngayon, isa lang ibig sabihin nun, hindi ko na kinaya. Ngayon pa nga lang na nagsusulat ako hinang-hina na ako eh, pero gusto ko pa rin tong isulat. Para naman makapagpaalam ako ng maayos. Magiging abo ako love eh, walang lamay na magaganap hahahaha.

Love, alam mo naman na mahal na mahal kita dba? Pero mukhang hanggang dito nalang talaga siguro eh. Sayang, kasal na sana tayo by this time, right? May mga chikiting na sana tayo.

Love, I can't give you the family you've always dreamed of. If someday you find someone na mamahalin mo at mamahalin ka, please don't hesitate. Susuportahan at susuportahan kita sa lahat ng bagay. Tuparin mo yung pangarap nating dalawa, kahit hindi na ako yung kasama mo.

I love you so much Miguel Jake Santos. I will never forget you. And if I were to be born again, I will make sure na makakasal na talaga tayo hahaha.

Your almost wife,
Roshelle Castro'

Itinabi ko na ang notebook at ballpen matapos isulat lahat ng gusto ko.
Umuubo na naman ako ng dugo. Parang nasasanay na ako sa lasa ng dugo ah!
Napatingin ako sa mga nurses at doctor na pabalik-balik dahil sa dami ng pasyente.
Haaay, dati-rati ay isa ako sa kanila na hindi magkandaugaga sa dami ng inaasikasong pasyente, ngayon eh isa na ako sa mga pasyente. Hahahahah

Nakaramdam ako ng antok kung kaya't umayos na muna ako ng higa at saka natulog.





Ng panghabang-buhay......

We Almost Spend Our Lifetime TogetherWhere stories live. Discover now