Author's POV
So ang gusto ko lang po talagang ipaalam is kung gaano kahirap ang buhay ng isang frontliner, specifically in the medical field kasi sila yung mas exposed.
Katulad rin ni Doc Roshelle na may plano pa sanang ikasal kay Miggy pero hindi na natuloy because she got sick while doing her job.
May families rin po yung mga doctors, nurses, and other fronliners natin. Instead of going out para pumunta kung saan-saan, why don't we just stay sa mga bahay natin? In that case, hindi lang sarili mo yung natutulungan mong hindi magkasakit, natutulungan mo rin yung frontliners in a way na hindi na nadadagdagan yung bilang ng infected people. Sa simpleng hindi paglabas-labas ng bahay po ay lumiliit ang chance nilang magkasakit o mahawaan ng virus.
And sa mga nangmamaliit naman ho sa mga taong siyang sundalo natin sa labang ito, nawa'y matauhan na ho kayo sa kahibangan nyo. Imbes na tumulong, eh kayo pa mismo ang humihila pababa sa loob nila.
Kung hindi nila tayo tutulungan, kung hindi nila ibinubuwis ang mga buhay nila? Sa tingin nyo ho ba eh may ni isa pang negative ngayon sa virus?
Wag ho sana tayong magkaroon ng isang makitid at marupok na utak. Hindi ho yan nakakahaba ng buhat.
Pasensya na po kung hindi maganda yung story or malayo sa ineexpect niyong flow. Talagang pumasok lang bigla sa isip ko ito after kong makabasa ng isang article online about dun sa nurse na hindi pinapasok sa baranggay nila kasi nga raw nurse sya, sa ospital nagwo-work so baka makahawa raw siya, When in fact, alam na ng nurse na iyon yun bago siya umuwi. Nag sanitized na sya and all. And naka self-quarantine din sya sa kwarto niya, no interactions with a family members kasi siya mismo ay takot makahawa if ever na infected nga siya.
Aish humaba na naman, nakakagigil naman kasi yung mga taong walang consideration. Bakit hindi nalang nila tinulungan dba? Tapos pinagsalitaan pa nila ng masasama na kesyo siya daw magpapahamak sa lahat. Eh sa totoo naman eh tayo talaga nagpapahamak sa mga sarili natin, dahil sa paglabas-labas nang wala namang valid na reason. O kaya naman lalabas ng nakamask pero yung mask eh nasa baba nakalagay imbes na takpan yung ilong at bibig.
Credits rin po pala sa may ari nung picture na ginamit ko sa cover. Di ko knows kung sino pero kung sino ka man, stay safe hihi
Hanggang dito nalang po, staysafe, stay at home.
Thankyou! Lovelots😘
End~
YOU ARE READING
We Almost Spend Our Lifetime Together
Randomisang laban kung saan imbes na tulungan ang mandirigma upang manalo, labis na panghahamak pa ang natatamo Ang sakit lang isipin na ikaw na nga yung nagbubuwis ng buhay para lamang masugpo ang pandemyang ito, puro panlalait at pangmamaliit pa ang nat...