/07/ - Purple Sweater

436 96 638
                                    

"Alam mo, isa talaga sa mga comfort food ko 'tong kwek-kwek eh," ani Hollie habang patuloy sa pagnguya ng isang pirasong kwek-kwek. "Ewan ko, stress reliever ko 'to eh." Sabay subo ng isa pang piraso.

Pagak lang na tumawa si Gab habang bahagyang nilingon ang kaibigan. She's thankful for Hollie kasi kahit papaano ay hindi niya maiisip masyado ang adjustment na kanyang ginagawa.

"Hoy, dahan-dahan, teh," sita ni Gab sa kaibigan na dala-dalawa na ang isinubong kwek-kwek sa bibig. "Grabe ka naman. Ubos agad?"

Tanging sauce na lang ng kwek-kwek ang natira sa plastic cup na hawak ni Hollie. Hindi naabutan ng sampung minuto at naubos agad nito ang sampung piraso.

"Eh sabi ko naman sa 'yong gutom na ako," pairap na sagot ni Hollie. "Ang haba kaya ng biyahe natin. Tapos ang init pa," dagdag pa niyang paliwanag.

"Eh 'di sana nag-dinner na lang tayo." Hanggang ngayon ay hindi pa rin ginagalaw ni Gab ang tempurang hawak niya. Hindi naman kasi talaga siya nagugutom. Napilitan lang siyang samahan si Hollie. Alam niyo na, mahirap na kung magtampo pa.

"Mamaya na," si Hollie habang hinihigop ang natitirang sawsawan. "5 p.m. pa naman. At saka for sure, magugutom ulit ako mamaya."

"Ikaw bahala," pakibit-balikat na tugon ni Gab.

Gab noticed Hollie saying hi and hello to some people they passed by.

"Who was that?" Gab inquired.

"Si Brenda 'yon," si Hollie. "Nakilala ko rin siya noong orientation. Tapos 'yong kasama niya naman, si Clarise na na-meet ko once sa isang bar."

Sa isang bar. Gab just nodded. Honestly, she envied people like Hollie—people who easily mastered the art of socialization. Wala kasi siya nang ganoong katangian. She even rarely starts a conversation kaya noong high school ay madalas siyang mapagkamalang suplada.

Mabagal ang mga hakbang ng dalawa na animo'y may prosisyong sinusundan. Kasalukuyan nilang binabaybay ang sidewalk pabalik sa kanilang dorm.

The road was peaceful. May mangilan-ngilang estudyante rin na naglalakad, most probably they were also first years who just got into their dorms.

Pinaikot ni Gab ang kanyang paningin sa paligid. Organized food stalls. Computer shops. Dormitories. Milk tea shops. Fast food restaurants. Convenience stores. At iba pang mga establisyementong nakahilera sa gilid ng daan. Surely, mga estudyante rin ng Marquis ang kadalasang mga kostumer dito.

But one thing caught her attention, dahilan upang matigil ang kanyang paglalakad. A very small coffee shop with a not so lavish design—tinted windows, a wooden brown door that hang a sign that said Petrichor's Haven, another LED sign that lit the word OPEN. Outside were plants that were dying.

Pity, Gab thought.

Her heart went for the plants. Sino kaya ang may-ari ng coffee shop na ito at hindi man lang dinidiligan ang mga halaman?

Unlike the other establishments in the vicinity, walang gaanong tao ang pumapasok sa loob ng coffee shop. Gab squinted her eyes to see if someone was inside. Ngunit hindi pa niya nagawa ang kanyang misyon ay biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaking muntikan nang bumangga sa kanya.

The man was wearing a black hoodie which hid his entire face. He paired his hoodie with black shorts and a pair of black slippers. The man was inserting both his hands inside the sweater pockets.

Napaatras si Gab. Buong akala niya ang lalaking iyon ay si Mr. Sungit na muntikan ring makabangga sa kanya noong isang araw.

But no. It was another man. Another stranger.

Petrichor's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon