Nawala na ang kaninang nag-iingay na mga sirena ng ambulansya. Isa-isa na ring nagsialisan ang mga taong nakiusyoso.
Tahimik.
Ang mahinang ihip ng hangin ay paminsan-minsang nilalaro ang mga tuyong dahon na nagkalat sa kalsada.
Banayad na pumapatak ang mahihinang ambon na unti-unting bumabasa sa daan.
Malamig.
Pilit na binabayo ng mahinang ulan ang dilim ngunit hindi nito makuhang linisin ang mga bakas ng dugo na nasa aspaltadong daanan. Mahigpit ang kapit nito sa lupa at ayaw kumawala sa bigkis ng madilim na pangyayari.
Nakakakilabot. Ang tahimik na pagpaparamdam ng espiritu ng dilim ay unti-unting bumabalot sa paligid.
Nasaan ang saysay ng mga pagtawag sa pangalan ng taong minsan nang nakikipaglaban upang manatiling lasapin ang tamis na dulot ng laro ng buhay?
Pilit na bang tinatangay ng malalamig na ihip ang mga mahihinang sigaw ng taong humihingi ng tulong?
Saan?
Paano?
Paano siya babalik?
BINABASA MO ANG
Petrichor's Haven
Fiksi UmumBorn in not so well-off family, Gabriela (Gab) Magtanggol's passion in creative writing pushed herself to secure a scholarship that gave her the privilege to study in one of the prestigious art schools in the country. However, her normal student lif...