/30/ - Billboard Star

268 66 354
                                    

Petrichor's Haven, as usual, was silent—just an array of empty cubicles and silent blabbers of the crews. Gab was in her favorite place, the cubicle opposite the sunset painting. Wala siyang klase ngayon dahil hindi pumasok ang kanilang professor. Pero sa halip na pumunta siya ng studio ay mas pinili niyang dito na lang muna magpalipas ng oras. Mahirap na, baka magkita na naman sila ni Evan, ayaw niyang makapanakit ng tao ngayong araw.

Evan's braggadocio stirred her anger until now. Hindi makapaniwala si Gab na mayroon pala talagang ganoong klaseng taong nag-e-exist sa mundo. She wasn't hurt though, not anymore. She pitied the guy sa napakataas na tingin sa sarili nito.

Really, people like Evan must grow up! she murmured. They are the most wretched when they reach the rough bottom.

Her thoughts halted when suddenly her phone rang. An unexpected call from Hollie!

"Yes?"

"Gab!" patiling sambit ni Hollie sa pangalan ng kaibigan.

Gab could sense the crowd that Hollie was in because of the undistinguishable noises. "Nasaan ka ba? Bakit ang ingay?"

"Nakita mo na ba itong nasa LED billboard malapit sa main gate ng academy?" Hollie shouted the phrases. Ano na naman kayang kaguluhan itong pinuntahan ni Hollie? Wala naman yatang concert ang FBU ngayon dahilan upang magkaroon ng pagdagsa ng mga tao.

"Wala," Gab replied. "Bakit? Ano bang mayroon?"

"Nasaan ka ba kasi ngayon?"

Gab wasn't yet able to answer when she saw some students outside of the café who were running towards the location which Hollie just mentioned.

"Nasa Petrichor's Haven ako," Gab casually declared but deep inside, naiintriga na siya. "Bakit maraming nagtatakbuhang mga estudyante papunta diyan?" Nagsimula nang kumabog ang kanyang didbib. Parang iba na yata 'to. "May sunog ba?" dagdag niyang pagtataka.

"Wala!" Mas lumakas ang boses ni Hollie ngayon pati na rin ang ingay na nasasagap ng telepono. "Pumunta ka rito sa main gate. Ngayon din!"

Agad na namuo ang gatla sa noo ni Gab. "Ano? Bakit?"

"Huwag ka nang maraming tanong. Just come here, ASAP!" And then Hollie hung up.

Gab's startled face followed. Her heart was pounding heavily now. Another trouble na naman ba ito?

Agad niyang dinampot ang kanyang kape at tinungo ang pintuan ng café. Ngunit aakma pa lang niya sanang buksan ang pinto nang magsalita ang isa sa mga crew na nasa counter.

"Sana all, Miss Gabriela." At saka nagtawanan ang mga ito.

Gab's forehead creased even more. Ano bang pinagsasabi ng mga ito? Anong 'sana all'?

***

"Ano ba, Hollie?" naiinis na pagrereklamo ni Gab sa kaibigang kasalukuyang humihila sa kanyang kanang braso. "Bitawan mo nga ako. Ano ba kasing mayroon?"

"Girl, kailangang makita mo 'to, agad-agad," si Hollie. Hindi na niya nilingon ang kaibigan at patuloy pa rin ang paghatak niya rito.

"Ano ba?" Pilit na nagpupumiglas si Gab upang makawala sa ginawang pagkapit ng mga kamay ni Hollie sa kanyang braso. Nangangawit na rin ang kanyang mga binti sa kapupuwersa upang mabitawan siya ng kaibigan. "Ano ba kasing mayroon?" muli niyang tanong.

Tanaw na tanaw niya ang maraming tao sa unahan, lahat sila ay may bitbit na cellphone na nakatuon sa itaas na bahagi ng gate. Sa pagkakaalam niya, ang LED billboard ng academy ang pinagtutuunan nila ng pansin.

Petrichor's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon