Patuloy ang pagri-ring ng kabilang linya ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring sumasagot. Wala na siyang ibang kilala na pwedeng mahingan ng tulong kundi si Hollie lang.
She glanced back at the guy. Nagpatuloy ang pag-impit ni Renz sa sakit habang nakahiga pa rin sa daan. Kailangang madala ito sa ospital agad, bulong ni Gab sa sarili. She feared that Renz might have a fracture due to the strong impact of the crash.
Ano kaya ang dahilan at bakit nabangga ang lalaking 'to?
Pumutok ang gulong?
Naputol ang kadena ng motor?
Nakatulog habang nagda-drive?
She sniffed. Ay gago! Lasing pala ang putik!
"Hello." Sa wakas ay may nagsalita na sa kabilang linya dahilan ng pagliwanag ng kanyang mukha. "Gab. Asan ka na?" may pag-aalalang tanong ni Hollie.
"Hollie," si Gab na parang nabunutan ng tinik pagkarinig sa boses ng kaibigan. "Buti sinagot mo!"
"Nakatulog na ako." Bahagyang napatango si Gab pagkatapos marinig ang pagrarason ni Hollie na nasa telepono. Kumbinsido siyang totoo ang sinasabi ng babae dahil sa tono ng boses nito. "Gabing-gabi na. Ba't di ka pa umuuwi? Nasaan ka ba?"
"Mamaya ko na lang ikukwento sa 'yo ang lahat," agad niyang sagot. "Tumawag ka na lang muna ng ambulansya. Please!"
"Ano?" gulat na bulyaw ni Hollie na nasa kabilang linya. Her friend's tone now was very different from what she just heard earlier. "Bakit? Anong nangyari sa 'yo? Nadisgrasya ka ba?" natataratanta nitong dagdag.
"Hindi ako," madiinang pagtatanggi ni Gab. "Si Renz!"
"Sinong Renz?"
Gab could clearly see Hollie's face while saying the line. Si Hollie pa, eh kung may isang taong labis na magugulat sa kasalukuyang nangyayari ngayon ay walang iba kundi si Hollie 'yon.
"Si Renz ng FBU," pagkaklaro ni Gab. "Nandito siya sa daan. Nabangga. Sumemplang 'yong sinakyan niyang motor. Duguan!"
Halos matawa siya sa kanyang sinabi. Para yata siyang naging reporter bigla, 'yong may flash report sa TV Patrol at siya ang nagco-cover. Hanep!
"Naku!" gulat na bulalas ni Hollie. "Sige, sige. Tatawag na ako ng ambulansya tapos pupuntahan kita. May kasama ka ba diyan? Saan ba 'yan?" sunod-sunod na tanong nito.
Gab guessed it right. Iba talaga kapag FBU na ang pinag-uusapan. Walang keme-keme, responde agad si Hollie.
"Ite-text ko na lang sa 'yo kung nasaan kami," si Gab. "Wala akong ibang kasama dito dahil wala na rin kasing mga tao."
"Sige," mabilis na tugon ng kanyang kaibigan. "I-text mo na 'yang address agad-agad at mapuntahan na kita diyan."
"Sige, sige. Bye."
Matapos maputol ng linya ay agad na tinype ni Gab ang kanilang location at saka sinend kay Hollie. Bumalik ang tindi ng kanyang pagkataranta nang muli niyang marinig ang pamimilipit ni Renz sa sakit. Hindi niya gustong isipin ito pero baka tama talaga siyang baka may nabali na buto sa lalaki. 'Wag naman sana!
"Sir, 'wag na ho kayong masyadong gumalaw," mahinang bigkas niya. "Paparating na ho ang ambulansya ng Marquis. Konting tiis na lang po," buong pagpapaliwanag ni Gab sa lalaki upang kumalma ito.
Hindi na sumagot pa ang binata ngunit patuloy pa rin ito sa pag-aray. Walang ibang nagawa si Gab kundi ang dampian ng tissue paper ang dugong tumutulo sa siko ni Renz. Hindi niya alam kung tama ba itong ginagawa niya. Wala rin naman kasi siyang kaalam-alam sa first aid. Kung alam niya lang talagang mapupunta siya sa ganitong sitwasyon ay sana nakinig siya sa discussion ng kanyang guro noong high school.
BINABASA MO ANG
Petrichor's Haven
Fiksi UmumBorn in not so well-off family, Gabriela (Gab) Magtanggol's passion in creative writing pushed herself to secure a scholarship that gave her the privilege to study in one of the prestigious art schools in the country. However, her normal student lif...