Mahina ang bawat hakbang ni Gab. Sinasariwa niya ang mahihinang hanging tumatama sa kanyang katawan habang binabaybay ang kalsada patungo sa kanyang dormitory.
Actually, before she went out of the studio, inalok siya ni Taji na ihatid pauwi but she turned it down. She needed to relax tonight. She preferred to have a little me time while going home.
At isa pa, ayaw niyang sanayin ang sariling tinutulungan ng lalaki kahit pa best friend ito ng kapatid niya. Hindi naman dahil sa ayaw niya kay Taji, ayaw niya lang makarinig ng mga sabi-sabi na kesyo working student ng FBU studio ay tine-take advantage na niya ang mga lalaking iyon. Gusto niyang kahit na wala na siya sa FBU ay mananatiling malinis pa rin ang kanyang konsensya.
Masaya niyang minamasdan ang tahimik at mapayapang paligid. Nakakadagdag sa ganda ng gabi ang mga lampposts na nakalinya sa gilid ng kalsada at ang mga wooden benches na may nakaadornong mga well-trimmed golden bushes sa bawat gilid nito.
Ang sarap siguro tumambay dito kapag ganitong oras. Kaso hindi pwedeng mag-stargazing kasi natatakpan ng mga sanga ng acacia ang mga bituin. Sayang!
"Ayon, shooting star!" bulalas ni Sixth na mabilis naituro ang luminyang liwanag sa kalangitan.
"Ang ganda!" manghang tugon ni Gab sa sinabi ng lalaking nasa kanyang gilid.
"Mag-wish ka na, dali!"
Agad na pumikit si Gab habang mahinang sinambit ang kanyang kahilingan. Pagkatapos ng ilang segundo ay iminulat niya ang kanyang mga mata.
"Anong wish mo?" si Sixth. Nakatuon ang kanyang mga mata sa dalaga, naghihintay ng sagot.
"Baliw, hindi pwede sabihin. Baka hindi magkatotoo," saad ni Gab sabay tampal niya sa balikat ng lalaki.
"Ako, ang wish ko..." ani Sixth habang nakatingala sa langit. "Na sana habambuhay na tayong magkasama. Titira sa isang bahay. Aalagaan mo ako. Aalagaan kita pati na ang mga anak natin."
"Hoy, baliw ka talaga. Sinabi nang 'wag sabihin nang malakas eh. Sige ka, baka hindi magkatotoo 'yan."
Biglang napatigil si Gab nang naramdaman niya ang mga butil ng tubig na pumapatak sa kanyang katawan. Nyemas! Umuulan ata!
Mabilis niyang hinalungkat ang loob ng kanyang bag ngunit agad ding sumimangot ang kanyang mukha nang hindi niya mahanap ang kanyang payong. Wala pa namang kahit anong masisilungan. Palakas na ang ulan. Any moment from now, she would already be soaking. Darn!
"Hop in!"
Napalingon siya nang biglang may humintong sasakyan sa kanyang gilid. Nanggaling ang baritonong boses sa nakababang bintana. Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng tao dahil nabubulag siya sa ilaw galing sa kotse. Napansin niya ang biglang pagbukas ng pinto ng sasakyan at bumaba ang isang lalaki, humakbang papalapit sa kanya. Sino ba ito?
"Sumakay ka na," utos nito habang hinuhubad ang suot na jacket. The guy then covered Gab's body with his sweater.
Gab wasn't able to utter anything as her confusion slowly overruled her. Pamilyar sa kanya ang boses ng lalaki. Hindi siya pwedeng magkamali.
"Benjie?" gulat na sambit ni Gab sa pangalan ng lalaki habang inaalalayan siyang makasakay sa front seat ng sasakyan.
Hindi na sumagot ang lalaki. He first ensured that Gab was already inside the car saka lumibot sa driver's seat at sumakay na rin.
The car door slammed after that. It was when Gab realized that she was now in one place with Benjie—the guy who first hated her here in Marquis.
BINABASA MO ANG
Petrichor's Haven
General FictionBorn in not so well-off family, Gabriela (Gab) Magtanggol's passion in creative writing pushed herself to secure a scholarship that gave her the privilege to study in one of the prestigious art schools in the country. However, her normal student lif...