/86/ - Pride

152 25 460
                                    

"Gabriela," pansin ni Teresa sa anak na matamlay na nakaupo habang nilalawit ang mga binti sa gilid ng higaan. Mapakla itong nakatingin sa bintanang bahagyang nakabukas. "Anak," dagdag niya at saka lubusan nang nilapitan ang dalaga. "Ang lalim ata ng iniisip mo? Okay ka lang?"

"Inang..." Laylay ang mga balikat ni Gab nang bumaling sa ina. Blangko ang kanyang mukha at may mga katanungan ang mga mapupungay niyang mga mata. "M-Maganda po ba ako?"

Kumunot bigla ang noo ni Teresa nang marinig ang tanong ng anak. Bahagya siyang napatawa. Ano na naman kaya ang tumatakbo sa isipan nitong anak niya? "Ano bang klaseng tanong 'yan? Oo naman." Umupo siya sa gilid ng anak. Humugot ng isang malalim na hangin si Gabriela at ramdam na ramdam ni Teresa ang lalim ng pinanggalingan ng hanging iyon. "Bakit mo ba natanong?"

"Sa tingin niyo po ba, posibleng may magkagusto sa akin?" dagdag na tanong ni Gab. Nanatiling nakamungot ang kanyang mukha at ibinalik ang paningin sa bukana ng nakabukas na bintana. Pilit man niyang pinipigilan ay nahahalata pa ring mayroon siyang itinatago.

"Oo naman," pagdidiing tugon ni Teresa. "Bakit naman wala?"

"Eh kasi..."

"Ano 'yon?"

Gab heaved another sigh. She couldn't think of the right words to say. Naguguluhan siya ngunit natatawa rin. "Wa-wala po," pagsisinungaling niya at saka tuluyan nang pinakawalan ang isang pagak na tawa.

"Ano nga?" pamimilit ni Teresa, tinapunan niya ang anak ng isang 'di kumbinsidong tingin. "Gabriela, kilala kita."

"Sina Renz at Orville po kasi," mahinang deklara ni Gab sabay ang pasimple niyang kamot sa batok. Naiilang siya sa totoo lang. First time niyang magsabi sa ina ng mga ganitong bagay. Hindi talaga siya sanay.

"Bakit? Anong mayroon sa mga batang 'yon?" Medyo nandidilat ang mga mata ni Teresa nang marinig ang dalawang pangalang binigkas ni Gab. Sinaktan na naman ba nila si Gab?

"G-Gusto raw po nila ako," Gab hesitantly mentioned, she gulped after. Hindi niya matingnan ang ina diretso sa mata nito.

Agad na napamaang si Teresa sa kanyang narinig. Hindi siya nakasagot.

"Pero..." muling sabad ni Gab. "Alam ko naman pong hindi 'yon totoo eh. Siguro, trip lang talaga ng dalawang 'yon na biruin ako. Siguro..."

"Gabriela..."

"Inang?"

Biglang nag-iba ang mukha ni Teresa. Ang kaninang gulat niyang reaksyon ay napalitan ng ngiti. May nangingilid na luha sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Gab. "Dalaga ka na talaga, anak."

"Inang..." balik ni Gab, bahagya siyang umismid. "Ano ba kasing mayroon sa akin at nagkagusto ang mga 'yon? Eh, ang simple ko lang naman. At saka, ang yayaman ng mga 'yon." Her forehead creased even more.

"Hay, naku." Hinahagod ni Teresa ang buhok ng anak at hinawi nito ang iilang hibla ng buhok na nasa mukha ni Gab. "Ganyang-ganyan din ako noong araw." Mahina siyang umiling at pumalatak.

"Pero bakit ako?" dagdag na diin ni Gab. "Marami namang iba diyan na pwedeng lumebel sa kanila."

"Anak, wala naman talaga kasing imposible." Marahang pinisil ni Teresa ang kamay ng anak. Her smile widened, her eyes spoke compassion and truth. "Kung may gusto sila sa 'yo, wala namang problema doon. Savor it. Pero ang tanong, ano ba ang balak mo? At sigurado ka bang 'yang dalawang 'yan lang ang may gusto sa 'yo? Kasi Gab, ina mo ako at nakikita ko kung paano ka tratuhin ng mga lalaking 'yon, kung paano ka nila tinitingnan, paano ka nila nilalambing. Iba eh. May something."

Muling napakamot si Gab ng kanyang ulo. Okay lang sana kung si Renz lang. Pero bakit kailangan pang dumagdag si Orville? "Inang, hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kapag may aamin pang isa." Napairap siya habang humuhugot ng hininga. "Siguro, mawiwindang na ako."

Petrichor's HavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon