Chapter : 6

200 116 90
                                    

6: Freedom

Bumalik na sina Amary at Third galing sa ilog, basang-basa pa ang dalawa kaya nagpatuyo muna sila sa labas habang si Breyden naman ay nag-iihaw ng barbeque.

Kapansin-pansin ang paulit-ulit na pagsulyap sa akin ni Breyden kaya nilapitan ko na ito.

"Hey," bati ko.

"Busy," tugon niya, habang nagbabaliktad ng barbeque.

"Busy tumingin sa akin?" I raised an eyebrow. "Bigla ba akong gumanda sa paningin mo?" I teased.

He furrowed his eyebrows. "You wish," tipid niyang sagot.

I chuckled. Dumampot ako ng isang stick ng barbeque pero nabitawan ko ito nang paluin niya ang kamay ko. "Hilaw pa 'yan!"

Sinamaan ko lang siya nang tingin at pinanood na lang siyang mag-ihaw. Lumabas na si Third sa cabin at nakapagpalit na ito ng suot.

"Deina, samahan mo ako sa city may bibilhin tayo," wika ni Third.

Napatingin naman agad si Breyden kay Third. "Anong bibilhin? Kami na lang! May bibilhin kasi akong importante," ani Breyden.

Napatingin si Third kay Breyden na para bang nagdadalawang isip pero sumang-ayon na lang din. Si Third na ang nagtapos sa iniihaw ni Breyden at umalis na kaming dalawa.

Tahimik lang akong nakatanaw sa paligid habang nagmamaneho si Breyden.

"Where do you want to go?" Napalingon ako sa kaniya dahil sa tanong niya.

"What do you mean? Gagala tayo?" nalilito kong tanong.

Napatingin sa akin saglit si Breyden bago ibalik uli ang paningin sa daan. "Why not?" Napangiti siya.

"Magagalit si Third kapag nagtagal tayo," saad ko.

"Bakit naman? Rule no. 2, bibili pero babalik," proud niya pang paalala.

"Rule no. 2, no one will leave in this place until all of us agreed," pag-korek ko.

"Gano'n na rin 'yon pinahaba lang," sumbat niya. Hindi na ako nakipagtalo mukhang walang balak matalo ang isang 'to.

"Anyway, ginamit mo na ba kagabi 'yong electric shaver mo?" natatawa niyang sabi.

Napatingin ako sa kaniya nang masama. "Are you insulting me?" mataray kong sabi.

He chuckled. "I'm just asking, sayang kung hindi mo nagamit. Mahal din 'yon, kulang-kulang 500 pesos," saad niya pa na lalo ko namang kinainis.

"Ihinto mo 'yong kotse, bababa ako," seryoso kong sabi.

Hindi niya hininto ang kotse kaya binuksan ko na lang agad ang pinto. Akmang tatalon na ako palabas nang pigilan niya ang braso ko at biglang hininto ang kotse.

"Papakamatay ka ba!"

Lumabas ako at binuksan ang wallet saka tinapon sa kaniya ang isang libo sabay naglakad palayo sa kotse niya, hinabol niya ako at hinawakan ang braso ko.

When You Can RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon