Chapter : 23

127 69 37
                                    

23: Holy Night

"She's pregnant," he sounded frightened.

"Alam na ba ni Third?" ani ko. I have to pretend na wala akong alam sa mga nangyayari. Hindi puwedeng mabahidan ng dumi ang pangalan ko pagdating kay Breyden. I have to keep him with me. He is my greatest asset.

"Ayaw ni Amary na pakialaman ko siya, siya na raw ang bahala magsabi kay Third," dismayadong saad nito habang naglalagay ng mga pang gatong na kahoy sa damuhan.

"Pero malakas talaga ang kutob ko na hindi 'to ginusto ni Amary. Iniyakan niya lang ako kanina, ayaw niya talagang magsalita," dagdag pa nito. Malalim ang hiningang kaniyang pinakawalan.

Naiinis akong napa-tawa. "Hindi ba talaga? Halata namang gustong-gusto niya si Third. Nakita nga natin silang naghahalikan, 'yon ba ang hindi ginusto?" madiin kong paliwanag.

"Anong tawag mo sa sitwasyon mo? Hinahayaan mo si Third na gawin sa'yo 'yong mga bagay na ayaw mo," madiing tugon din nito.

"Wala kang alam! Huwag mo 'kong husgahan," ani ko. Binagsak ko ang hawak-hawak na kahoy saka tumalikod sa kaniya at naglakad uli para kumuha ng kahoy sa likod ng cabin.

"I did not judge you. Ikaw pa nga 'tong humusga sa pagkatao ni Amary," sumbat nito habang nakasunod sa akin maglakad.

"Amary! Amary! Amary! Puro na lang Amary! Naririndi na 'ko sa pangalan niya! For God's sake, gano'n ba talaga siya ka-espesyal para sa 'yo?" galit kong sabi.

"Si Third, bakit hindi mo kayang iwan? Bakit hindi ka makalaban pagdating sa kaniya? Tinulungan na kitang makatakas sa kaniya pero mas pinili mo pa ring manatili. Gaano ba kahalaga ang taong 'yon sa 'yo!" galit ding sumbat nito.

"Huwag mong ibalik sa akin ang mga tanong ko, sagutin mo 'ko!" Pagharap ko sa kaniya napakalapit na pala nito sa akin. Ilang minuto kaming natahimik at nagtitigan lamang.

"She's not just my friend..." mahinang sambit nito habang nakatitig sa aking mga mata.

"Oo nga e! You treat her more than a friend, 'coz you're truly, madly, deeply in love with her. I get it!" bulyaw ko sabay irap bago umalis sa kaniyang harapan.

"She's my younger sister."

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa aking narinig. Napalingon ako uli at seryoso ang mukha niyang nakatingin sa akin.

"I was supposed to be the one who'll protect her. But here I am, a great burden in her life," aniya. Mapakla ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. "I can't imagine that my little sister becoming a mother already. What should I do? My time slips through my fingers like sand." Suminghap siya nang malalim at napahilamos sa kaniyang mukha.

"I don't know what to do Deina."

Lumapit ako at marahang hinawakan ang kaniyang ulo saka ko inilapit sa aking balikat. "Hindi ko na rin alam kung anong dapat gawin, pero nandito lang ako para sa 'yo."

Isang mahigpit na yakap ang tinugon ni Breyden sa akin. "Let's start our Christmas eve," ani nito sa akin.

Nag-bonfire na kami saka sinet-up na ang mga fireworks para mamaya. Naglatag na rin kami ng lamesa sa labas ng cabin at nilagay na ang mga pagkain at inumin. Pinailawan na rin ang mga Christmas lights sa loob at labas ng cabin. Natulala ako habang pinagmamasdan ang buong cabin. May kakaibang saya at lungkot ang nararamdaman ko sa mga liwanag nito.

"Guys! Let's take a picture here outside the cabin," ani Amary sa amin. Hinila niya si Third sa tabi niya at hindi na pinakawalan ang braso nito.

Si Breyden na ang nag-ayos ng camera paharap sa cabin kung saan nakapuwesto na sina Amary at Third. Lumapit na rin si Breyden sa kanila after i-check ang puwesto ng camera.

"Deina, dito ka sa tabi ko," nakangiting saad ni Breyden sa akin habang nakatulala lang ako sa tabi. Lumapit na lamang ako at tumabi kay Breyden sa gilid, katabi niya si Amary at nasa kabilang dulo naman si Third, pinagigitnaan nila si Amary.

Umakbay sa balikat ko si Breyden. "Smile," bulong nito sa akin. Sakto naman pagngiti ko'y nag-flash ang camera.

Sama-sama kaming apat na kumakain at nag-iinuman sa labas ng cabin. Ramdam na ramdam ang malamig na simoy ng hangin sa aming mga balat. Ito na ang una't huling pasko ko kasama sila.

Ipinatong ni Amary ang cd player sa lamesa.

Have yourself a merry little Christmas
Let your heart be light
From now on
Our troubles will be out of sight

Have yourself a merry little Christmas
Make the yuletide gay
From now on
Our troubles will be miles away

Sinimulan nang sindihan nina Breyden at Third ang mga fireworks. Iba't ibang makukulay na paputok ang aming nasilayan sa kalangitan.

Here we are as in olden days
Happy golden days of yore
Faithful friends who are dear to us
Gather near to us, once more

Through the years
We all will be together
If the fates allow
Hang a shining star
Upon the highest bough
And have yourself a merry little Christmas right now

Bahagya akong nagulat nang bigla akong halikan ni Breyden sa aking pisngi. "Merry Christmas, babe," bulong nito sa aking tainga.

Faithful friends who are dear to us
Gather near to us, once more

"Merry Christmas too, babe," tugon ko. Sinuklian ko rin siya nang mabilis pero malutong at matamis na halik sa kaniyang pisngi.

Through the years
We all will be together
If the fates allow
So hang a shining star
Upon the highest bough
A merry little Christmas now

Pasimple lang kaming nagpalitan ng haplos sa aming mga baywang habang pinagmamasdan ang makukulay na paputok sa kalangitan.

Sabay pa kaming napatingin sa aming unahan. Sina Amary at Third na magkayakap at magkadikit na ngayon ang mga labi sa isa't isa.

Mapanlinlang ang bawat halik. Mga halik na nagbabalatkayo lamang upang mapagtakpan ang nakakubling katauhan.

Tuluyan nang nahulog sa bitag ni Third si Amary. Kailangan kong maisalba ang buhay ni Amary para kay Breyden. Nangako akong gagawin ang lahat para kay Breyden. Ito na ang tamang panahon para ako naman ang kumilos para sa kaniya.

Kailangan kong mailayo si Amary kay Third.

When You Can RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon