Chapter : 24

105 67 29
                                    

24: Amary

Ito na ang tamang oras para kausapin ko si Amary. Abala ang dalawang lalaki sa pagliligpit sa labas kaya sinundan ko agad si Amary sa loob ng cabin.

"Amary," pagtawag ko sa kaniyang atensyon habang nagliligpit siya ng mga plato sa kusina.

Sinulyapan niya lang ako at binaling na uli ang tingin sa mga nililigpit. "Don't try to stop me," madiing tugon nito sa akin. Mukhang may kutob na rin siya sa binabalak ko.

"I'm not doing this for you, it's for the sake of your brother," sagot ko. Umukit sa mukha niya ang pagkagulat nang humarap sa akin.

Napangisi siya at pabagsak na nilapag ang basahang hawak-hawak sa tabi ng lababo. Tila hindi makapaniwala sa aking mga sinabi. "So anong plano niyo? Paglalayuin niyo kami? Ilalayo niyo ako sa ama ng anak ko? Hindi ako pabor do'n, I'm sorry."

Aalis na sana siya sa kusina nang hawakan ko ang kaniyang braso. "Alam mo kung anong ginawa niya sa 'yo. Sa tingin mo ba pananagutan ka niya? I'm sorry din pero kilala ko si Third, wala ng mas dedemonyo pa sa kaniya," ani ko.

"Deina! Tulungan mo nga kami saglit," sambit ni Third na biglang sumilip sa labas ng pinto ng cabin.

"O-Oo, sige! Susunod na 'ko," sagot ko. Nang isarado na ni Third ang pinto. "Isipin mo ang magiging future ng anak mo," sambit ko muli bago tuluyang iwanan si Amary sa loob ng cabin.

Nang matapos na kaming makapaglinis nakita kong umakyat sina Amary at Third sa pangalawang palapag. Agad kong sinundan at nakita ko na pumasok sila sa kuwarto nila Amary. Binuksan ko nang marahan ang pinto at sinilip sila mula sa loob ng kuwarto.

Hinawakan ni Third ang baywang ni Amary at hinila palapit sa kaniya. Tumungo si Third para maabot ng mukha niya ang leeg ni Amary saka niya ito hinalikan.

"Third, may Christmas gift ako sa 'yo," ani Amary saka niya hinawakan ang mukha ni Third at tinadtad ng mga halik sa buong mukha.

Patuloy lang si Third sa paghalik sa mga labi ni Amary. Gumapang na ang mga kamay nito pababa sa katawan ni Amary.

"Third... I-I'm pregnant. You're going to be a dad!" Masaya ang mukha ni Amary ngunit may nerbiyos ang tinig nito.

Nahinto si Third sa kaniyang ginagawa at napabitiw ng hawak kay Amary. Ilang segundo silang natahimik bago napatalikod si Third kay Amary at kinuha ang bote ng alak sa maliit na lamesa. Lumaklak siya habang nakatayo.

"Third! Let's get married, para kapag sinilang si baby wala na tayong problema," pangungumbinsi ni Amary kay Third, at lumapit pa siya para hawakan ang mukha ni Third na nakatingin lamang sa kawalan. Hinarap ni Amary ang mukha nito sa kaniya ngunit kusa na itong iniwas ni Third.

"Ano na Third? Say something, please..." naiiyak na sambit nito. "I need your opinion." Hindi man lang siya tinignan ni Third, sa halip na kausapin siya ay mas lalo lang itong nagpakalunod sa alak.

"Abort the child."

Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Amary sa kaniyang mga pisngi nang marinig ang mga salitang 'yon galing kay Third.

Kinuyom ni Amary ang kaniyang mga kamao at pinagsusuntok si Third sa dibdib nito, hinayaan lang siya ni Third, ni hindi siya nito inawat.

"Why did you do that to me? What did I do to deserve this? What!--- You piece of shit!" galit na sigaw ni Amary.

Hinatak-hatak pa ni Amary ang damit ni Third pero patay-malisya pa rin ito sa kaniya. Hindi siya pinatulan nito pero halata na ang pagpipigil nang inis sa mukha ni Third.

Napaupo na si Amary sa sahig at napakapit na lamang sa mga binti ni Third. "I love you, Third."

"I love you so much," muling sambit ni Amary bago siya napayakap sa mga binti ni Third, tinitigan lamang siya ni Third.

"Do you love me?" tanong ni Amary sabay tumingala kay Third. Halos mabasa na ang buong mukha nito ng kaniyang mga luha. Humagulgol na ito nang walang makuhang sagot mula kay Third. Yumuko si Third at inalis ang mga kamay ni Amary na mahigpit na nakakapit sa kaniyang mga binti.

Mas lumakas ang hagulgol nito nang maglakad si Third palabas ng kuwarto, halos matulala rin ako kaya hindi na ako nakapagtago. Bumungad ang mukha ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at nagdire-diretso lang ito pababa ng hagdan.

Pumasok ako sa kuwarto at pinagmamasdan lamang si Amary na wala pa ring tigil sa pag-iyak.

Halos mag-iisang oras siyang umiiyak bago ito napahinto. Umupo siya sa gilid ng kama at tulalang nakatingin sa kama ni Breyden.

"I warned you. Ayusin mo ang sarili mo baka makita ka ni Breyden," ani ko. Hindi siya gumalaw at tulala lamang.

"Pumapayag na 'ko sa plano mo," biglang sambit ni Amary. "Aalis ako mamayang madaming araw." Tumungo lang ako at hindi na nag-salita pa, pinagmasdan ko lang siyang lumapit sa aparador at nag-ayos ng mga gamit niya.

"Take care of my brother. He needs you, more than his meds," aniya. "And thank you for always being there for him." Malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Pinipigilan lang ni Amary na bumagsak muli ang kaniyang mga luha.

Nang sumapit ang madaling araw. Dahan-dahan akong lumabas ng kuwarto para silipin si Amary sa kabilang kuwarto. Gising na ito at naka-upo sa gilid ng kama ni Breyden. Hinahaplos niya ang buhok ni Breyden habang mahimbing itong natutulog.

"I love you, brother." She wiped her tears and let out a heavy sigh.

Tumayo na ito at sinalubong ko na lamang siya sa labas ng pinto at sinamahan hanggang sa labas ng cabin.

"Goodbye, Deina." She smiled softly.

Tumingin lamang kami sa isa't isa bago siya tuluyang maglakad palayo sa cabin bitbit ang kaniyang bag.

"Goodbye, Amary," I murmured.

Isinarado ko na ang pinto at pinatay na uli ang ilaw sa sala. Pumunta muna ako sa kusina at kumuha ng tubig sa gripo saka uminom. Natigilan ako sa pag-inom nang mapagtanto na papunta si Amary sa direksyon ng ilog. Dali-dali akong lumabas ng cabin at nilakihan ko na ang bawat hakbang ng aking mga paa hanggang sa nakita ko na lamang na tumatakbo na pala ako.

"May God have mercy upon my soul!"

Isang sigaw na nagpangilabot sa buong katawan ko.

Natulala na lamang ako sa aking naabutan. Parang na paralisado ang buong katawan ko, hindi ako makagalaw, namamanhid ito at nanginginig.

Isang makapal na lubid na nakatali sa taas ng matibay na puno ang nagsilbing sabitan ng kaniyang leeg. Sumasayaw ang kaniyang bagsak na katawan at pikit na ang mga mata.

She hanged herself.

When You Can RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon