14: Game Over
Gumising ako at nasa kama pa rin ako ni Breyden ngunit wala na siya sa tabi ko. Bumangon ako at nagpuntang banyo para maghilamos saka lumabas na rin ng kuwarto. Napasilip pa ako sa kabilang kuwarto ngunit wala ring tao kaya dumiretso na ako papunta sa hagdan at bumaba.
Nakita ko si Third na kumakain mag-isa sa bar counter. Hindi ko siya nilapitan sa halip ay dahan-dahan akong naglakad palabas ng cabin. At nang makalabas ay hinanap ko ng tingin sina Amary at Breyden ngunit hindi ko sila makita sa paligid.
Malamang ay na sa ilog lang sila dahil nakaparada pa rin ang dalawang kotse sa likod ng cabin. Naglakad na ako papunta sa ilog at napahinto ako nang makita ko sina Breyden at Amary na nag-uusap.
"Just leave me alone." Nahiga si Breyden sa tumbang puno at ginawang unan ang mga palad.
"Don't be so stubborn, you know it's not good for you!" galit na sambit ni Amary. Nagtago ako sa puno nang naglakad si Amary paalis sa ilog.
Nang mawala na si Amary sa paligid ako naman ang lumapit kay Breyden. Bumaling ang tingin niya sa akin pero inalis niya rin kaagad at tumitig sa makulimlim na kalangitan.
"I heard noises last night," aniya, "did he do something to you again?" Kalmado lang siyang nakatingin sa kalangitan.
Tinignan ko lang siya saglit at naglakad ako patungo sa ilog, umupo at sinilip ang replika ng sarili sa tubig. Lumapit si Breyden at sumalok ng tubig gamit ang kaniyang mga palad sabay hinilamos sa kaniyang mukha.
"Who am I to you?" tanong niya bago ako lingunin at bigyan nang malamig na tingin.
"Care too much will get hurt you." Humiga ako sa mga damuhan at tinignan ang kulay asul na kalangitan.
"I really don't care about a lot of things. But when I do care, it means you're special. You should thank me," tugon ni Breyden. Hindi ko siya tinignan at nakatulala lang ako sa langit.
"Don't worry about me, I've overcome tough things before. I can do it again," madiin kong sabi.
"You speak to me as if you're afraid we'll fall in love," sagot niya ulit. Doon na ako napatigil sa pagsagot dahil pakiramdam ko'y wala na akong maitatapon na salita.
"You shouldn't tolerate him with those bullshit stuff, it is no good to you," tuloy-tuloy na sabi niya. Umupo siya sa tabi ko at sinilip ang aking mukha. Unti-unti niyang nilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.
He pecked me on the lips. Napapikit ako kahit saglit lang iyon at pagdilat ng aking mga mata, nasilayan ko ang lungkot sa kaniyang mga mata.
"Let's break up," lumabas ang mga katagang iyon mula sa kaniyang mga labi na mismong nagpatigil sa akin para magsalita.
Tumayo siya ngunit malayo na ang tingin. "Seryoso ako sa 'yo, Deina. Pero hindi ko maramdaman 'yon sa 'yo. Minsan aminado akong manhid ako, pero hindi ibig sabihin no'n hindi na ako marunong nakiramdam at masaktan."
"Do what is right, and be responsible for everything."
Napalingon ako kay Breyden nang ihakbang na niya ang mga paa palayo sa akin. Nakaramdam ako bigla nang paninikip ng dibdib na para bang may nakadagan na kung ano. Bumangon ako at huminga nang malalim.
I didn't hesitate I run after him. I should tell him the truth. I want him to know who I am.
Sa aking pagtakbo'y biglang may malaking kahoy na humampas sa aking mukha na dahilan para ako'y mapahiga sa damuhan, ramdam ko ang pagkahilo at pagtulo ng kung ano sa aking noo. Hinawakan ko pa ito at tinignan sa aking mga palad. Dugo, tumatagas ang dugo sa aking noo. Umiikot na ang aking paningin at tuluyan na akong nanghina.
"You bitch!" someone shouted at me furiously.
Binuhat niya ako at naglakad na papunta sa kung saan. "Stop," pagpigil ko sa kaniya ngunit tuloy pa rin siya sa kaniyang paglalakad.
Hindi ito pabalik sa cabin, palayo ito sa cabin. "Let me go!" matamlay kong sigaw ngunit parang wala siyang naririnig.
Nakarating kami sa mas matataas na damuhan at doon na siya nagpasyang ibaba ako at mabilis na kinalas ang kaniyang sinturon saka binuksan ang kaniyang butones ng pantalon at binaba ang zipper nito.
Dumagan siya sa akin at nakangising pinagmasdan ang pang-ibabang bahagi ng aking katawan. Sinubukan ko pang magpumiglas pero bigo ako sa lakas ng kaniyang paghawak sa aking katawan. Hinimas niya muna ang maseselang bahagi ng aking katawan bago itaas ang suot kong bestida.
Ilang minuto rin ang itinagal bago siya tuluyang kumalas sa akin at sabay tayo niya para mag-ayos ng kaniyang kasuotan. "Sarap mo talaga walang kupas," ani nito. Bahagya niya pang dinilaan ang mga labi niya at saka dinura sa aking mukha.
Nang mga oras na 'to gusto ko siyang patayin ngunit wala pa akong lakas para gawin iyon dahil sa aking kalagayan. Iniwanan niya akong ganito ang kondisyon para akong basura dahil sa pangbababoy niya sa akin.
Pinilit kong makatayo at ayusin ang aking sarili. Hindi ako puwedeng makita nila Breyden ng ganito. Mas lalo niya lang akong pandidirihan at aayawan. Kailangan kong maging maayos at malinis.
Minabuti kong bumalik uli sa ilog para makapaglinis at mawala ang bahid ng dumi sa aking katawan at mga dugo sa aking mukha. Nang makabalik ay agad akong naghilamos. Sobrang hapdi banda sa gilid ng aking noo, nakakapa ko ang sugat mula roon at patuloy pa rin ito sa pagdurugo.
Hinayaan ko na lamang tumagas ang dugo at nilinis ko na lang ang aking mga braso at binti. Pagkatapos ay bumalik na rin ako sa cabin.
Pagbalik ko'y naabutan ko sina Breyden at Amary na magkayakap, kumalas sila sa pagkakayakap nang makita nila akong pumasok. Gulat ang mga mukha nilang nakatingin sa akin.
"Deina, anong nangyari sa 'yo?" pag-aalalang tanong ni Amary.
Ngumiti ako nang pilit. "Nauntog ako sa puno, tanga ko," sabay dinaan ko pa sa tawa. "Akyat na muna ako." Pinilit kong maglakad ng normal kahit pakiramdam ko'y babagsak na ako ano mang oras.
At tama nga ako. Tuluyan na akong bumagsak sa sahig bago pa ako makatapak sa hagdan. Dumilim na ang aking paningin.
"Deina!" rinig kong sigaw ni Breyden.
I'm okay babe, I just need some rest. Don't worry.