"Wag mo na uulitin 'yun, ah."
Muli akong napairap dahil sa sinabi niya. Ilang beses niya ba 'yan pinagsasabi simula nang makaalis kami ng police station?
"Hindi mo naman kailangan ulit-ulitin," tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya, "Kahit tinulungan mo ako, di ko tatanawing utang na loob 'yun. I can handle it by myself!"
"Ah, multa," he reminded kaya napasigaw na lang ako sa frustration.
"Let's discuss about the contract and my offer, shall we?"
Napairap at umiling na lang ako sa sinabi niya. Akala ko matatakasan ko ang offer at kontrata na sinasabi niya pero mukhang tinupad niya ang naging consequence ng pagtanggi ko.
"Okay, fine! Nanalo ka na! Kaya ni-report mo ako sa mga police, 'no? Kasi tinanggihan kita? Alam na nila 'yung video?"
"Not really," napakunot naman ang noo ko. Anong hindi? "'Yung manager ng bus station kung saan ka nag-amok, siya 'yung tumawag sa police."
"Nag-amok?! Really?! They're restraining my right to travel! Ako pa mali?" sigaw ko at sinita pa ako ni Castiel. Pansin ko namang napalingon ang dalawang police officer sa harap pati na rin ang nasa tabi ko. What's with those looks? I have the right to express myself!
"You were banned by your father. Mali mo talaga. Hindi ka dapat nagwala," paliwanag niya, "You must manage your temper."
"So mali ko?" pag-uulit ko pero napakamot na lang siya ng ulo.
One thing I hate: inuulit sa mukha ko ang pagkakamali ko kuno.
"Nandito na tayo. Umayos ka kung ayaw mo nang madagdagan ang kaso mo," Castiel smiled and escorted me outside.
Hindi na ito bago sa akin. Ilang beses na rin ako nakapasok rito at alam na alam ko na kung paano makalusot dahil sa lawyer namin, however, wala ang family lawyer ngayon.
"Sir manager, alam ko pong malaking iskandalo ang dinulot ni Ms. Esquivel," panimula ni Castiel nang makaharap ang manager ng bus station. Nandito lang ako sa likod ng mga rehas at binabantayan ng mga pulis. Yes, I'm in prison. Pakiramdam ko tuloy may napatay ako.
Di naman ako takot dati na maging wanted by the police but why am I starting to fear it now?
"Cahira Esquivel, daughter of the Esquivel Group President, is not aware of the order enforced by the president himself," napataas na lang ako ng kilay sa pinagsasabi ni Castiel. Wow, lawyer ba siya? Pinadala ba siya ni dad para bantayan ako?
BINABASA MO ANG
Cahira (On-Going)
SpiritualCahira Esquivel, an infamous lady roaming on the dark streets of their city, keeps on bringing terror along the way. Many people in their community labelled her as "demonic" and "dangerous" that even her own parents gave up on her nasty attitude. An...