Chapter 5

570 53 5
                                    

ONE LAST CHANCE
ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Monday morning. Wearing my school uniform; black slacks, a paired of black shoes and long sleeve white polo with gray blazer and it has the logo of the university. Tumingin pa ako sa salamin para tingnan kung maayos pa ang suot ko at ang buhok kong hanggang balikat pero itinali ko 'to ng messy bun. Bumaba ako mula sa kuwarto para kumain. Pagkapasok ko sa kusina ay naabutan ko sina Mom, Dad, and Jasper na hindi pa rin nagsisimula sa pagkain. I think, they're waiting for me.

I just smiled to them and sat beside my younger brother. Nakasuot na rin ito ng uniform ng school nila. "Let's eat," my Mom said and we started eating our breakfast. Walang nagsasalita sa amin dahil this is the rule when we were eating.

Uminom ako ng tubig nang matapos akong kumain. Tumingin ako sa iba at tapos na rin sila. "You two should study harder and one day you will be managing our family business," my Dad said while looking at us.

"Nag-aaral naman po ako ng mabuti, Dad. Nakakuha nga ako ng honor last year," sabi naman ng kapatid ko. Ngumiti pa ito ng malawak but our father remain calm and strict. Ganiyan talaga siya pero mabait at maalaga naman siya sa amin. Hindi namin nararamdaman iyong pagkasakal dahil hindi naman kami nito pinipilit sa mga bagay na ayaw namin. Alam naming ang ginagawa naming dalawa at ginagawa nila ay para din sa amin. We just have to do our task as their sons.

"You're just with honor last year. I want you to strive harder, Jasper."

"Dad, 15 years old pa lang naman po si Jasper. Hindi maiwasan na may mga bagay na nakaka-distract sa kaniya," I said.

"Tama ang panganay mo, Hon. Bata pa si Jasper at alam kong kapag nag-mature siya ay magbabago rin 'yan." Napangiti ako sa sinabi 'yun ng Mom ko.

"Fine." Napipilitang sabi ng Dad. Tumingin ito sa akin. "But you, Michael Angelo. You should study hard dahil ikaw ang magmamana sa business natin."

Tumango ako dahil alam ko naman 'yun. "I know po, Dad. Kaya nga kinakailangan kong umuwi dito."

Pagkatapos kumain ay sabay-sabay kaming umalis ng bahay. Our Dad didn't allow Jasper to drive kaya ako ang maghahatid sa kanya sa school nila. Nakasakay na kaming dalawa sa kotse papuntang school dahil malapit lang naman ang academy kung saan ito nag-aaral sa university kung saan ako papasok.

"Jasper." Tawag ko sa pangalan niya pero hindi ito sumagot kaya nilingon ko 'to. Nakasuot siya ng earphones sa tainga niya at tumango-tango ito na parang sinasabayan ang beat ng music na kanyang pinakikinggan. Lumingon ulit ako sa harap dahil baka makabangga kami. "Jasper!" Nilakasan ko ang boses ko para marinig niya pero nang lumingon ako ay gano'n pa rin . Tinapakan ko ang preno ng kotse kaya nakuha ko naman ang atensiyon nito.

Inalis nito ang suot na earphones at nagtatakang tumingin sa akin. "Bakit ka tumigil, Kuya?" tanong niya.

"Nothing. Gusto ko lang ipaalala sayo na hindi porket ipinagtanggol kita kay Dad ay hindi ka na mag-aaral ng mabuti. Remember this, Jasper. I want you to study harder not for us but for yourself. Dahil kung hindi ka magsisikap na mag-aral, you will gain nothing. " At saka ko pinaandar ang kotse hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate ng school niya.

Pagkahatid ko sa kaniya ay umalis din naman ako kaagad. Mabilis akong nakarating sa parking lot ng school. Tinext ko lang si Sam na magkita nalang kami before lunch dahil sabay kaming kakain. Naglakad na ako sa sementadong daan papunta sa building ng business ad. Hindi ko na pinansin ang mga studyanteng tumitingin sa akin. Nagtataka siguro sila dahil bago ako dito. Malamang dahil transferee ako.

Mabilis akong nakarating sa first subject ko ngayong umaga. Hindi naman ako freshmen kaya hindi ko na kinakailangan na pumunta pa sa orientation nila ngayon. Last Monday ako nag-take ng entrance exam at mabuti na lang dahil pumasa ako dahil sabi nila ay mahirap daw ang exam nila dito. Tumayo ako sa harap ng pinto saka huminga ng malalim bago ko binuksan iyon. Bahagya akong pumasok para makta ko ang kabuuan ng loob ng kuwarto.

One Last Chance (Boyxboy) [Published Under PIP Publishing House]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon