Chapter 6

571 45 1
                                    

ONE LAST CHANCE
ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Kung noon, isang tawag lang niya sa akin na pupunta ako sa lugar na sinasabi niya ay mabilis akong nakakapunta. Mabilis niya akong napapasunod sa gusto niya. Dahil noon ay sobrang mahal ko siya. Na kahit umuulan ay kaya kung suungin mapuntahan lang siya. Ngunit ngayon ay hindi na ako 'yung taong nagpapakatanga sa isang taong babalewalain lang ako. Hindi na ako 'yung naghahabol ng oras niya.

Lahat naman nagbabago. Walang nananatiling permante dito sa mundo. Hindi ako katulad ng iba na mananatili sa kung sino sila dati kahit na nasasaktan na. Siguro 'yung ugali kong iba ay nanatili pero 'yung nararamdaman ko sa kaniya ay hindi, 'yung pagiging tanga ko noon ay wala na. Naniniwala pa rin ako na kahit ganito ako, isang bakla. May mga taong magmamahal pa rin sa akin. Nandiyan pa naman ang pamilya ko para mahalin ako. Hindi ko kailangan ng isang taong panandalian lang sa buhay ko.

"Ang lalim ng iniisip mo, Best. Makakaahon ka pa ba?"

Tumingin ako kay Sam na kasama ko ngayon dito sa main cafeteria ng University kung saan kami kumakain. Kakatapos lang ng morning classes namin at naisipan naming sabay kaming lunch. "Matagal na akong nakaahon and this time I am stronger than before," sabi ko. Sumubo ako ng pagkain.

"Napakaseryoso mo naman," nakanguso niyang sabi saka itinuon ang sarili sa kaniyang pagkain. Wala dito 'yung boyfriend niya dahil kasama ito ang mga kaibigan. Ayoko rin na kasama sila mag-lunch dahil kasama nila ang manyak na 'yun.

"By the way, ano'ng club ang sinalihan mo?" tanong ko. May mga club kasi dapat salihan ang mga freshmens at transferee dito. Kaya ko siya tinatanong dahil gusto kong pareho kami ng club.

"J-Journalism," sagot niya nang tumingin ito sa akin mula sa pagkakatungo habang may lamang pagkain ang kaniyang bibig.

Napanguso ako. Akala ko pa naman ay p'wede kaming magsama sa iisang club pero hindi. Pinili nito ang club na ayokong salihan dahil hindi ko naman hilig. "Ano ba 'yan. Akala ko p'wede tayong magsama sa club."

Nilunok nito ang pagkain sa bibig niya bago uminom sa sprite na nasa tabi niya at saka ako sinagot. "Bakit hindi ka sumali sa club ng mga dancers? 'Di ba ay hilig mo namang sumayaw?"

Napangiti ako pero nang may maalala ako ay agad din akong napasimangot. "Ayoko, baka nandoon 'yung manyak na 'yun. Ayoko siyang makasama sa iisang club o kahit saang lugar," sagot ko. Alam ko kasing hilig din nito ang pagsasayaw dahil noong senior high kami ay doon kami nagkakilalang dalawa.

"Magkatabi nga kayo ng upuan sa classroom ninyo. Saka alam kong hindi 'yun sasali doon." Nagtataka akong napatingin sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin na hindi siya sasali do'n? Hilig niya ang pagsasayaw kaya papaanong hindi siya sasali?" tanong ko. Nakakapagtaka dahil kilalang-kilala ko si Vincent. Siya nga ang president ng club noong senior high school kami.

Nagkibit balikat lang ito. "Hindi ko rin alam kasi simula nang umalis ka ay hindi ko na siya nakitang sumayaw."

"Hindi kita maintindihan. Paanong hindi mo nakikita? Magkasama ba kayo palagi?" tanong ko dahil sa sobrang pagtataka. Naguguluhan ako sa mga sinasabi nitong si Sam. Imposibleng titigil 'yun sa pagsasayaw.

Umiiling siya sa mga tanong ko. "Sinabi sa akin ni Jake. The past 2 years ay wala daw siyang ibang ginagawa kundi ang mag-inom, magkulong sa kuwarto niya do'n sa condo niya at madalang na lang daw itong magdala ng kan'yang babae doon sa apartment na nirerentahan niya." Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Siguro sa dalawalang sinabi nito ay maniniwala pa ako pero 'yung panghuli? Malabo. Dalawang beses ko na siyang nakitang may babae. Una ay sa apartment niya at panghuli ay doon sa National Book Store. "At palagi niya akong kinukulit noon kung saan ka nagpunta pero nangako akong hindi ko sasabihin kahit kanino kung nasaan ka," aniya pa.

Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako sa lahat ng sinabi ni Sam. Nasa loob na ako ng classroom at wala pa ang professor namin. Pagdating ko ay abala ang iba kanya-kanyang gawain pero ang katabi ko ng mapalingon ako dito ay nakatungo ang kanyang ulo sa arm chain ng kanyang upuan at natutulog. Bahagyang nakaharap siya sa akin kaya kita ko ang nakapikit niyang mga mata na may mahahabang pilik mata, ang makapal niyang kilay, matangos na ilong at ang medyo mapulang labi na aakalain mong nagli-lipstick kahit na hindi at bahagya itong nakanguso.

Dalawang taon akong nawala at sa loob ng dalawang taon na 'yun ay marami akong hindi nalaman sa buhay niya. Kung ano ang ginagawa niya araw-araw at kung sino-sinong babae ang kasama niya. Siguro sa iba ay napakaikli lang ng panahon na 'yun pero para sa akin ay sobrang tagal. Hindi ko rin alam kung paniniwalaan ko ba 'yung sinabi ni Sam sa akin dahil mayroong parte sa puso ko na huwag akong maniwala.

Minsan napaisip rin ako ng dumating ako sa Thailand. Kung bakit ako biglaang umalis dahil lang sa nakita ko. Limang buwan din akong palaging umiiyak sa condo ko noon. May mga araw na gusto kong umuwi dahil marami akong namimiss, ang mga araw na magkasama kaming dalawa. Pero tiniis ko dahil kapag umuwi ako ay mas lalo akong masasaktan, mas lalo kong hihilingin na sana'y hindi ko na lang naramdaman at nakilala siya.

"Done staring at me?" Mabilis akong umiwas ng tingin. Napatagal pala ang pagkakatitig ko sa kanya at 'di ko namalayan na nakadilat na pala ang mga mat nito. "Don't worry. I'm not mad at you. P'wede mo akong titigang hangga't saan ang makakaya mo."

"Hindi ako nakatingin sayo," sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya. Nakikita ko naman siya sa peripheral vision ko na umayos na ito ng upo.

"Kanina pa ako gising pero hindi ko muna idinilat ang mga mata ko nang mahuli kitang nakatingin sa akin. Bakit ba ang hilig mong magsinungaling?"

Napatingin ako rito. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakaramdam na may ibig siyang ipakahulugan sa salitang sinungaling. "Ano naman sayo kung nakatingin ako?" Matapang kong tanong. Wala ng saysay pa kung ide-deny kong hindi nga ako nakatingin dito dahil nahuli na niya ako.

Ngumisi ito. Bahagyang tumigas ang panga niya. Sumandal siya sa sandalan ng kanyang upuan at inilagay niya ang isang kamay sa sandalan ng aking upuan. Kung titignan ay parang nakaakbay siya sa akin kahit na hindi. "Wala naman. Nagugustuhan ko lang ang paraan ng pagtingin mo." Kumislot ang puso ko sa sinabi nito.

Tumingin ako sa harap at hindi pinansin ang sinabi niya. May gusto akong malaman na siyang kanina ko pa iniisip. Kaya kukunin ko ang pagkakataon na 'to para tanungin siya. "Sinabi ni Sam na hindi ka na nagsasayaw." Tumingin ako sa kaniya na gano'n parin ang puwesto ng pagkakaupo. "Bakit tumigil ka? 'Di ba ay gustong-gusto mo 'yun?" tanong ko.

Nawala ang ngisi sa kan'yang labi at napalitan nang seryosong mukha ang kanina'y maangas niyang expresiyon. "Ano pang silbe ng pagsasayaw kung hindi kita kasama?"

Hindi ako nakasagot sa sinabi nito. Gustong maniwala ng puso ko pero iginigiit naman ng isipan ko na kasinungalingan lang ang kanyang sinabi. Alam kong walang mawawala kapag naniwala ako sa kaniya pero natatakot akong may magbabago sa pader na pinapatibay ko sa pagitan naming dalawa.

Hanggang sa makauwi ako sa bahay ay ang mga nalaman ko kanina ang patuloy na tumatakbo sa isipan ko. Hindi ko nga alam kung may professor bang nagturo kanina dahil wala ako sa aking isipan. Agad akong humiga sa aking kama ng makapasok ako sa aking kuwarto at maialis ang bag ko.

Nakatingin ako sa kisame. Napapaisip ako kung hindi kaya ako umalis at pumuntang Thailand noon? Ano kaya kaming dalawa? Masasabi ko ba 'yung nararamdana ko o patuloy lang akong magpapatanga sa kanya?

One Last Chance (Boyxboy) [Published Under PIP Publishing House]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon