Chapter 3

589 64 3
                                    

ONE LAST CHANCE
ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Isang linggo ang lumipas. Nakauwi na rin si Shawn. Isang linggo na nasa bahay lang ako. Iginugul ang sarili sa mga bagay na hindi ko nakasanayan; ang panonood ng movie, pagbabasa, at minsan ay sinasamahan ko ang bunso kong kapatid na maglaro ng online games. Ayokong lumabas dahil baka kung saan ko na naman makita ang lalaking 'yun.

Hindi sa umiiwas ako pero parang gano'n na nga. Malaki ang mundo pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na kami puwedeng magkita. Nasa iisang mundo lang kami, iisang hangin ang nalalanghap kahit na minsan ay hindi na fresh dahil sa usok, at sabay pa ang oras namin dalawa sa pagtakbo dahil pareho lang kaming nasa Pilipinas. Kaya kahit saan ako magpunta ay may pagkakataon na magkikita kami.

Akala ko kasi ay kapag nagkita na kami ay handa na ako. Handa na ako sa mga tanong nito, sa mga sasabihin niyang masasakit na salita dahil sa pang-iiwan ko. Pero wala siyang karapatan na sabihan ako ng mga masasakit na salita dahil karapatan kong umalis. Magkaibigan lang kami kung iyon nga ang tamang itawag sa taong nagsiping na walang relasiyon. Ako lang 'yung pampalipas oras niya noon, 'yung titikman niya kapag nagsawa siya sa iba, at 'yung babalewalain niya.

"Anoʼng mas maganda.” Tumingin ako rito. "Ito o ito." Hawak niya ang dalawang klase ng ball pens sa mga kamay niya at pinapapili ako.

"The blue one," I answered.

Nasa book store ulit kami para mamili ng mga gamit namin dahil bukas ay klase na. After a week ay ngayon lang ako lumabas. 'Yung 180 na utang ko kay Vincent ay ibinigay ko na lang kay Sam upang ipaabot sa kaniya. Ayokong magkautang sa taong 'yun baka kung ano pa hingin niyang kapalit.

"Saan tayo kakain?" he asked. Bringing the school supplies we bought. "Mag-pizza na lang tayo," he added while looking around.

"Sure, my treat."

"Wala ka rin naman magagawa dahil ikaw talaga magbabayad. Wala na akong pera ngayon." Aasahan kong 'yan talaga ang sasabihin niya. Palagi naman kaming ganito noon sa t'wing kakain kaming dalawa sa labas. I treat him but sometimes sa bahay nila kami kumakain dahil nagluluto 'yung Auntie niya.

Nag-order kami ng pizza at sinimulan na namin 'yun kainin. Nag-uusap kaming dalawa ng mga random things at pinag-uusapan namin kung ano ang expectations namin sa first day of class. Second year college na ako while him ay first year pa lang. I was in senior high when we became friends and he was in junior high noon. I remember our first met, he help me to stay away from the bullies sa dati naming school. Kahit na siya 'yung na-bully noon ay hinayaan lang nito. Sam is indeed a kind person, generous and humble as well. He even changed a lot, from his style of clothing. Kaya ngayon naman ay marami ang humahanga sa kaniya at bantay sarado naman siya ng boyfriend nito.

"Wait, magsi-cr lang ako," paaalam ko na tinanguhan lang niya bilang sagot. Mabilis akong naglakad papuntang CR at pumasok sa men's comfort room. Though I look like a girl dahil sa mahaba kong buhok na hanggang balikat pero lalaki pa rin ako. Also some of my clothes are unisex kaya minsan may mga taong napagkakamalan akong babae kahit na hindi naman ako babae.

Pumasok ako sa isang cubicle at doon ko ibinuhos ang kanina ko papinipigilang ihi. Ayokong umihi sa labas kung saan nakikita mo 'yung katabi mo. Sobrang awkward ang nararamdaman ko. lumabas ako sa cubicle at lumapit sa sink para maghugas ng kamay. Nakatingin lang ako sa pagbuhos ng tubig nang may tumabi sa akin pero hindi nakikita kung sino.

Nang iangat ko ang tingin ko ay muntik na akong mapatalon dahil sa gulat at sa paraan nang pagkakatingin nito sa akin. Bakit siya galit? Bakit gan'yan siya makatingin sa akin? Hindi ba niya natanggap ang bayad ko na pinasobra ko pa ng dalawampu? Mabilis kong tinapos ang paghuhugas ng kamay at akmang tatalikod na ako sa kan'ya nang hawakan nito ang isang braso ko.

One Last Chance (Boyxboy) [Published Under PIP Publishing House]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon