Prologue

1.1K 63 3
                                    

ONE LAST CHANCE

ITHINKJAIMENLOVE

P R O L O G U E



“Handa ka na bang umuwi?” Tumingin ako rito at tumango. “Maaga ang flight natin bukas, donʼt forget to check your things first before our flight baka may nakalimutan ka,” dagdag nito.

“Oo na! Saka wala naman akong masyadong gamit, and besides, bahay rin ang uuwian ko sa Pinas, so you donʼt have to worry,” sagot ko bago ko siya tinalikuran at maglalakad na sana pabalik sa kuwarto ko para i-check ulit ang mga gamit na dadalhin ngunit nagsalita ito na nakapagpigil sa akin.

“One last question, handa ka na bang harapin siyang muli?”

Napalingon ako sa kaniya mula sa pagkakatalikod at ngumiti. “Kaya ako pumunta rito sa Thailand para mag-aral hindi para lumayo sa kaniya. Kaya wala akong dapat paghandaan dahil siguro magkikita kaming muli dahil wala naman akong atraso sa kaniya,” I answered while looking straight to his eyes and smiled. “Sige. Maiiwan na kita.”

Pumasok ako sa aking kuwarto dito sa condo at binuksan ang laptop ko. Sakto namang online ang nag-iisang kaibigan ko na siyang pinagkakatiwalaan ko, si Sam. Agad ko siyang tinawagan at agad din naman niyang sinagot.

“Mich!” ang bungad niya habang nakangiti. Nakasuot pa rin siya ng salamin, but he changed a lot. Hindi katulad noon na tampulan siya ng mga masasakit na salita, ngayon ay marami nang humahanga sa kaniya. Heʼs still humble and kind Sam na nakilala ko noong na sa Pinas pa ako two years ago.

“Kumusta?” I asked. Tumingin ako sa likod niya at na sa loob siya ng kaniyang kuwarto. Mukhang bagong gising pa lang dahil sa suot niyang damit.

“Ayos naman. Ikaw, kumusta ang mga Thai?”

“Well, theyʼre okay naman. Tanggap na tanggap nila ang kasarian ng bawat isa rito,” I said. “Unlike riyan, hanggang ngayon ay hindi pa rin matanggap na tao pa rin tayo na nararapat ding irespeto.”

“Ano ka ba, unti-unti na nilang natatanggap ang kasarian ng nakakarami rito. Karamihan pa rin sa kanila na sarado ang isipan, pero hinahayaan na lang. Hindi na lang ipilit dahil baka pumayag pa,” he answered and laughed. Sumingkit tuloy ang mga mata niya. Hanggang ngayon ay siya pa rin ang Sam na kilala kong masiyahin, kahit na may dinadalang problema ay nakangiti pa rin. “Matanong kita, kailan ba ang uwi mo dito? Namimiss na kita,” dagdag nitong sabi.

Ngumiti ako.

“Bukas,” simpleng sagot ko. Nakita ko namang nagulat ito at napangiti. “Tatawagan na lang kita kapag dumating ako riyan.”

“Talaga?!” Tumango ako. “OMG! Marami kang kwentong ipapasalubong sa akin at huwag mong kakalimutan ang pasalubong ko, kahit na ʼyung tumbler lang ng Dark Blue Kiss.”

Natawa ako dahil simula nang makapanood ito ng mga Boyʼs love series ng Thailand at iba pang country ay naging adik na ʼto. Hindi ko alam kung paano hina-handle ni Jake ʼtong jowa niya? Sinasabayan niya siguro sa panonood? Sana all.

"Gusto mo isang Thai pa iuwi ko riyan, e," pagbibiro ko.

“Baka mapatay ni Jake, Best!” aniya, kaya natawa naman ako. Seloso ang boyfriend niya. Sana all ulit. “By the way, kumusta kayo ni Lance?”

Natigilan ako sa pagtawa at nagseryoso ang ekspresyon ko. Hindi pala niya alam kung anoʼng nangyari sa aming dalawa. Ang akala niyaʼy naging kami, pero ang totoo niyan ay hindi. Two years ago, we became friends, but not lovers. Pero, alam ko sa sarili ko noon na minahal ko siya, I was just scared to tell him because I know, hanggang kaibigan lang ang tingin niya sa akin. We even make love, pero hindi yata make love iyon, because for him, it was just a pure lust.

“W-Weʼre f-friends,” I said. Friends naman kami, sa facebook lang pero ʼdi naman niya nakikita mga post ko dahil hindi naman ako active sa facebook, even in IG and other social media accounts. Skype lang kapag tinatawagan ko si Sam. Hindi ko nga nakikita kung may pino-post siya o wala. Hindi ko alam kung pati ba sa reality ay kaibigan pa rin ang tingin niya sa akin matapos ang pag-alis ko nang walang paalam? I think, no. Galit siguro iyon dahil sa pag-alis ko nang walang paalam.

After our graduation when I was in grade 12, lumipad agad ako papuntang Thailand. Tinawagan ko lang si Sam na nasa Thailand na ako nang makarating ako rito. Naintindihan naman niya iyon dahil sinabi kong unexpected, hindi pinlano ngunit biglang nagkatotoo. Pero nakokonsensiya ako dahil sa hindi ko pagsabi sa kaniya ng totoo.

Pinagmasdan ako nito kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. “Nagsasabi ka ba ng totoo?” tanong niya. Kilalang-kilala na niya ako at ganoʼn din naman ako sa kaniya.

"S-Sasabihin ko na lang sa ʼyo kapag nakarating na kami riyan sa Pinas," sabi ko.

Naguluhan naman ito at nagtatakang tumingin sa akin sa kabilang screen.

"Kami?"

"Ah-eh bye, see you tomorrow. Aayusin ko pa ang mga gamit ko," paalam ko. Aangal pa sana ito pero pinindot ko na ang red button para patayin ang tawag. Muntik na ako roon!

Isinarado ko na ang laptop at inilagay iyon sa tabi ng kama at saka ako humiga. Tumingin ako sa kisame and asked myself, am I ready to meet him again? Hindi ko alam kung papaano ko siya haharapin muli. After what I have done? Pero kasalanan naman niya kung bakit ako nandito. He was the reason why I left without saying goodbye. He was the reason why Iʼm scared to fall in love again. Nasaktan ako, kahit na alam kong hindi dapat. Dahil alam kong kaibigan lang ang tingin niya sa akin.

Everything  has changed. Hindi na katulad ng dati. Wala na ʼyung Mich na marupok at mapusok, at ngayon ay ako na iyong Mich na mas lumakas dahil sa mga sakit na naranasan ko. Babalik ako roon dahil mas gusto ng pamilya ko na sa Pinas ako mag-college, hindi para muling magpakatanga at maghintay sa wala.

“Hayst!” huminga ako nang malalim at bumangon. “Ang tagal na nun kaya hindi ko na dapat pang-isipin,” sabi ko sa sarili. Hindi dapat ako magpapaapekto sa narakaan. Uuwi ako para doon na ipagpapatuloy ang pag-aaral hindi para sa nakaraan na matagal ng tapos.

One Last Chance (Boyxboy) [Published Under PIP Publishing House]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon