Chapter 7

527 43 6
                                    

ONE LAST CHANCE
ITHINKJAIMENLOVE

MICH

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay. Sinabi ko na lang sa kanila na magpahatid na lang si Jasper sa dalawa naming driver na magkambal. Hindi na rin ako nag-almusal dahil wala akong ganang kumain. Ni hindi ako makatulog nang maayos kagabi dahil sa dami nang mga pumapasok sa isipan ko, sa mga nalaman ko tungkol kay Vincent.

Mabilis akong nakarating sa University. Hindi muna ako lumabas sa kotse ko nang i-park ko ito. Tumingin muna ako sa salamin na nasa harap dahil sa magulo kong buhok. Ayoko naman kasing magpagupit ng panglalaki dahil magmumukha lang akong lalaki. Besides, I like the way I am. Hindi ako sanay na hindi mahaba ang buhok ko. Mas sanay pa akong pagkamalang babae at kung magpapagupit ako ay magmumukha akong tomboy. Mabuti na lang ay hindi required sa University na 'to ang student's cut, iyong mababang buhok para sa mga lalaki.

Lumabas ako sa kotse at saka naglakad na papasok sa building ng aming classroom. Pinagtitinginan ako ng mga nadadanan ko sa hallway pero hindi ko na lang pinapansin. Mabilis akong nakarating sa classroom at binuksan ko ang nakasaradong pinto. Mabilis tumama ang paningin ko sa upuan ko kung saan may isang babaeng nakaharap sa katabi nito. Wala pa ang guro at kakaunti pa lang ang studyanteng nandito.

May kumirot sa puso ko sa hindi ko malamang dahilan. Dahil ba sa nalamang kong hindi pa rin siya nagbabago?

Naglakad ako papalapit doon at tumayo sa gilid ng babaeng kahalikan nito. "Kung may pinag-aralan kayo. Alam ninyong classroom ito at hindi isang motel o bar," sabi ko.

Nakuha ko ang atensiyon nilang dalawa. Masama akong tinignan ng babaeng ngayon ko lang nakita dahil hindi ko kaklase 'to. "Who are you? Can you just please don't mind us?"

Nginitian ko naman ito bago ko ibinaling ang tingin ko sa lalaking kinasusuklaman ko. Nginisian ko 'to saka ko ibinaba ang tingin sa babaeng nakaupo mismo sa upuan ko. "Hindi muna kailangang alamin kung sino ako at nakaupo ka sa upuan ko kaya may karapatan akong paalisin ka." Tumingin ako kay Vincent na hindi ko mabasa kung ano ang iniisip dahil wala siyang ipinapakitang emosyon. "Hindi ba, Vincent?"

"Auh. Yeah, Scarlet. He's my seatmate," anito.

Napansin ko naman na bumaling itong si Scarlet kay Vincent. "So, we'll continue later?" tanong niya.

Magsasalita pa sana si Vincent pero inunahan ko na 'to. "Actually, you can continue your business outside the campus. You can find near hotels there and do whatever you want."

"Hindi ka magagalit?" nagulat ako sa tanong ni Vincent and the same time natawa ako. Nagtataka naman ang babaeng sa tingin ko'y pinaglalaruan lang nito at baka nga ginagamit lang niya.

"Bakit naman ako magagalit? Sino ka ba?" tanong ko pabalik na kasalukuyan pa ring nakatayo sa gilid nila. Ibinaba ko ulit ang tingin kay Scarlet na may kulot na buhok at maliit na mukha. Mukhang inosente pero walang hiya. "And you, can you please stay away? Baka nakakalimutan mong upuan ko 'yan at hindi ka namin kaklase. May hiya ka ba?"

Mukhang nahiya naman ito at mabilis na tumayo. Ni hindi na nagpaalam pa sa kahalikan nito dahil nang hahalik sana siya kay Vincent ay umiwas ang isa. Ayaw niya sigurong nakikita ang kababuyan niya kahit na mukhang kanina pa nila ginagawa at kung hindi pa ako dumating ay baka nakahubad na silang pareho dito sa classroom na may mga studyante rin. Hindi parin naman dumadating ang tatlo nitong kaibigan.

Umupo ako sa upuan ko. Pinagpagan ko pa ito ng panyo ko dahil baka mahawaan ako ng kalandian ng babaeng 'yun. Mahirap na dahil sa tuwing lumalandi ako ay nasasaktan ako. Katulad ng dati. Kinuha ko ang cellphone ko upang tumingin sa oras at ilang minute na lang ay alas-syete na ng umaga. 7:30 ang unang klase namin ngayon.

One Last Chance (Boyxboy) [Published Under PIP Publishing House]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon