Clyde's P.O.V
Masaya kong pinagmamasdan ang mga damit na suot-suot ng mga models. Nakapila na sila upang i-bid ito ayon sa gustong halaga ng bidders. Mas lalo akong humanga kay Kiara dahil sa mga damit na ginawa niya. Hindi ko pa siya nakikita ngayong gabi pero nakita ko siya kaninang umaga.
Hindi inaasahan na ganito ang kalalabasan ng event. Magaling nga si Kiara lalo na sa decorations. Namangha talaga ako kanina ng magsimula ng mag-gabi dahil mararamdaman mo talagang nasa space ka at parang abot kamay mo lang ang mga bituin.
Malapit nang matapos ang auction nang may tumatawag sa phone ko, pagtingin ko sa phone ko si Claudine tumatawag. Sinagot ko ito.
"Hey baby"- sagot ko
[Daddy! How's the event? Did you see mom? She's beautiful right?]- magiliw na tanong niya. Natawa naman ako sa mga tanong niya.
"It's fun baby. Yah I see your mom and she's beautiful, definitely"- natatawa kong sabi sa kanya
[That's good.]
"Anong ginagawa mo? San si Kiano?"
[Ito kausap ka. Si Kiano naman ayun na naman nagbabasa ng libro as usual]- naiisip ko na yung mukha ngayon mukhang naiinis na naman siya dahil wala siyang kalaro
"Matulog ka na baby."
[Maya na dad. Maaga pa naman]
"Claudine wag nang matigas ang ulo, ok?"
[Maya na dad, please. Promise matutulog na agad ako kapag aantukin na ako]
"Ok but wag kayong aalis sa bahay ok?"
[Ok po. Bye po. I love you,daddy]
"I love you baby"- sabi ko at binaba ang phone. Buti nalang at tanggap na ako ni Claudine.
Bumalik na ako sa venue lumayo muna kasi ako kanina dahil maingay hindi ko marinig ang boses ni Claudine. Ang naabutan ko nalang ay ang awardings para sa mga designers.
"Let us all welcome and congratulate our very own designers!. They were behind all of these success."- nagpalakpakan ang mga tao nang umakyat na sa runway ang mga designers pero napansin kung may kulang at alam ko kung sino ang kulang.
"Ms. Kiara? Ms. Kiara?"- lumingon-lingon ako pero iba ang nakita ko
"Felix"- tawag sa akin ng isang pamilyar na mukha
"You are?..."- pilit kong inaalala kung saan ko ba siya nakita
"Cheska. From seven years ago, kiara's friend"- patuloy niya
"Oh long time no see. Have you ever seen Kiara?"- nagbabakasali lang ako baka alam niya kung na saan ito.
"Yeah a while ago pero nagpaalam siya dahil pupuntahan muna niya ang anak niyo"- bigla akong kinabahan lalo pa't kausap ko lang si Claudine
"Kailan pa? Bakit daw niya pupuntahan?"- nababahala na ako
"Three hours ago. Ewan basta nagmamadali siya na para bang may masanang nangyari sa anak niyo."- yun na yung cue ko para tumakbo
"Mr. Montefalco, you need to be here!"- narinig ko pang sabi nung host pero wala na akong pakialam dahil alam kong nasa panganib ngayon si Kiara kaya siya nawawala.
Dali-dali akong pumunta sa parking lot. Katabi ko lang pala ang kotse ni Kiara dahil ginusto ko iyon. Papasok na sana ako nang mapansin ko na ang kotse ni Kiara ay nakabukas ang pinto ng driver's seat. Agad kong pinuntahan iyon para macheck kung may nawawala ba, wala naman pero mas lalo akong kinabahan dahil kutob kong dito kinidnap si Kiara. Aalis na sana ako nang mahagip ng mata ko ang susi ni Kiara at isang wallet. Tiningnan ko ang wallet. May photo sa loob, isang family photo. Masaya sila sa litratong ito lalo na ang batang lalaki, siguro ito yung panganay. Pamilyar ang mga mukha nila pero hindi ko alam kung saan at kailan ko sila nakita pero hindi yun ang concern ko ngayon. May kutob akong may kinalaman ang may-ari nitong pitaka nato sa pagkawala ni Kiara kaya naman hinalughug kong mabuti kong may makuha ba akong impormasyon.
YOU ARE READING
Without Love
RomanceIn a relationship, love and trust is important, but what do you think will happen if a man and a woman will suddenly get married without love? "Give birth to my child"- what the hell is he talking about?! "What nonsense are you talking about?!"- tan...