Clyde's P.O.V
Pangalawang araw na namin dito at hinihintay pa naming makabalik ang asawa ni Manang Lena, yung tumulong sa amin. Bukas pa kasi ang uwi nito kaya kailangan muna naming mamalagi rito. Unti-unti na ding naghilom ang mga sugat namin ni Claudine.
Pinagmamasdan kong maglaro sa buhangin ang anak ko at ang anak na lalaki ni Manang Lena. Magkasing-edad lang ang dalawa. Masayang nakikipaglaro ang anak ko na ikinatuwa ko at mas lalo akong natuwa nung pinatawad na ako ng anak ko. Ang bakla mang pakinggan pero yun ang nararamdaman ko.
"Iho, magtubig ka muna"- nilapitan ako ni Manang Lena at inabutan ng tubig na tinanggap ko naman. Umupo siya sa tabi ko at ngayon ay pareho na kaming nakaupo sa buhangin na di kalayuan sa naglalaro na mga anak namin.
"Salamat ho"- tugon ko
"Mukha yatang sing-lalim ng dagat yang iniisip mo ah"- medyo natatawa pa nun si Manang.
"Hindi po lagpas pa po sa core"- segunda ko sa biro niya
"Anong core iho? Pasensya ka na ha hindi kasi ako nakatapos eh"- sabi niya
"Ay ok lang po. Yung core po ba? Wala yun imbento ko lang yun pero hindi? Ang gulo diba po. Ang totoo po niyan ang core eh isa sa bumubuo ng Earth kasama niya ang mantle at crust"- paliwanag ko
"Ganon ba iho? Sa haba ng paliwanag mo hindi ko alam kung naintindihan ko ba, hahah"- mapagbiro si Manang
"Ok lang po yun"- sambit ko
"Pero ano ba iniisip mo?"- tanong niya
"Wala ho masaya lang po ako at napatawad na ako ni Claudine, ang anak ko"- di ko napigilan ang ngumiti
"Sa nakikita ko ngayon ay nakangiti ka pero parang kulang yung saya"- ganon na ba ako kahalata magpakita ng nararamdaman at pati si Manang ay napansin pa ito.
"Panong kulang po?"- tanong ko
"Kulang, parang hindi buo ay mali hindi pala buo ang saya mo. Alam mo ba kung bakit kita tinulungan gayong pwede ko naman na isara ang pinto namin at hayaan kayo sa labas total hindi naman namin kayo kakilala?"- tanong niya
"Bakit nga po ba? Pero hindi po ba ganon ang gagawin ng lahat?"- napangiti siya
"Hindi lahat kayang tulungan ka, iho"- sagot niya
"Bakit niyo po ako tinulungan?"- tanong ko
"Dahil nung pinagbuksan kita ng pinto ay alam ko na agad na nangangailan ka ng tulong kahit hindi ka pa nagsasalita non."- salaysay niya
"Pano po ba?"- naguguluhan ako sa mga pinagsasabi ni Manang.
"Yang mata mo"- simpleng sagot niya
"Mata ko po? Anong meron? May uhog po ba?"- nagtataka kong tanong pero sinabayan ko din ng biro
"Oo iho ay mali. Wala kang uhog iho pero yang mata mo talagang natawag pansin sa akin. May kakaiba sa mga mata mo. Sinisigaw nito na kailangan nito ng tulong na gamutin ang sugat. Hindi ang sugat niya sa katawan kundi dito."- itinuro ni Manang puso ko
"Manang wala naman pong bibig ang mata ko, paano niyo po ito narinig?"- nagbiro nalang ako. Masyadong seryoso si manang eh.
YOU ARE READING
Without Love
RomansaIn a relationship, love and trust is important, but what do you think will happen if a man and a woman will suddenly get married without love? "Give birth to my child"- what the hell is he talking about?! "What nonsense are you talking about?!"- tan...