Chapter 6: Still the same

11 2 3
                                    


Kiara's P.O.V

"Aray naman! Nasasaktan na ako!"- sigaw ko sa kanya. Dinala niya ako sa garden nila. Pinaharap niya ako sa kanya.


"Nasasaktan?! eh mukhang masaya ka naman ah!"- pabalik na sigaw niya


"Ano bang point mo?!"- nagsisigawan na kami dito


"Yung point ko?! Ikaw!Masaya ka na sa iba!"- anong paki niya kung sa loob nga ng pitong taon wala siyang paki.


"Ano naman sayo, walang namamagitan sa atin Felix"- diretsong sabi ko


"Malaki ng nagbago sayo. You even change the way you call me"- kalmado na siya


"No, I'm still the same but my love doesn't belong to you anymore"- sabi ko. My heart doesn't belong to any man, my heart belongs to my children.


"Really? Ba't niyo ako pinagseselos?"- natawa ako ng mahina


"Bakit nagseselos ka ba?"- natigilan siya


"Sino tong Vincent na yun? Ba't love ang tawag niya sayo? Bakit niyo ginamit ang tawagan natin noon?"- tanong  niya


"Vincent Fuentabella but I think you already know him"- walang ganang sabi ko


"What's your relationship with him?"- ano bang nangyayari kay Felix


"..."- hindi ako sumagot. Tumingin ako sa mga halaman.


"Am I the Father of that children of yours?"- napatingin ako sa kanya at walang sabi-sabing sinampal ko siya


"Don't you ever question me about that. And hindi lang sila mga bata lang, anak ko sila at di mo sila matanggap na anak. Hindi kami maghahabol sayo"- galit na sabi ko


I once said that my children will be just a product of our contractual marriage but the moment that I knew I'm pregnant and the first time I stared at those beautiful eyes, I already took back what I just said to Cheska.


"Kung anak ko sila prove it then"-  hinawakan niya ako sa dalawang kamay ko at pilit na hinahalikan. Nagpupumiglas ako hanggang sa tumulo na yung luha ko at nawalan na ako ng lakas na lumaban.


May tumulak kay Felix...


"Kiano"- yun lang ang nasambit ko ng makita ko ang mata ng anak ko na galit na galit.


Although, hindi natumba si Felix pero sapat ang lakas ni Kiano para mailayo ako sa kanya.


"Kiano baby, let me explain"- pagmamakaawa ni Felix


"Don't call me that way. And explain what?! I saw everything so no need to explain. You even doubt us? Not only us also yourself. Sa ating lahat ikaw dapat ang nakakaalam kung anak mo ba kami o hindi. From now on, I will grow up faster so that I can be a man who will protect mommy from the bad guys like you and remember this I will never be like you"- napaiyak ako sa sinabi ng anak ko. Sinong mag-aakala na 6 years old pa si Kiano.


"Let's go mom. He's not even worth of your tears."- sabi ni Kiano


Hinila na ako ni Kiano papalayo sa daddy niya pero tumigil muna siya habang hindi lumilingon. At nagsalita.


"If you still doubt us, we can have DNA test. I'll be happy if the results is 0 % paternity."- napatingin ako kay Kiano


"Kiano, you went too far"- sabi ni Kiano


"No mom. I've read a lot of books about a good father and he seems to be not a good father at all. A father who abandoned his children over these past 7 years. I don't know what happened before but at least he went there to visit us"- tuluyan na akong hinila ni Kiano habang naiwan si Felix na nakatulala doon...


----


Clyde's P.O.V


Tulala kong pinagmamasdan ang likod ni Kiara at Kiano. Hindi ko masisi si Kiano na kamuhian ako dahil totoo naman lahat ng sinabi niya. Wala akong kwentang ama na kahit sinong anak ay hindi gugustuhing maging ama. Wala akong ginawa para sa kanila habang lumalaki sila at gustuhin ko man pero hindi ko sila pwedeng lapitan. Mas lalo lang nilang kamuhian ako at lalayuan.


Napansin kong parang may tumulong butil ng tubig galing sa taas. Tumingala ako pero hindi ang kalangitan ang tumatangis kundi ang mata ko. Sa mga nagdaan na panahon, kung maari ay hindi ko pinapakita ang totoong nararamdaman ko kahit kay Jake. We've been friends for a long time pero hindi ito ang panahon para ipakita sa kanya kung gaano ako kahina. Problema ko to at labas siya dito.


Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit na masaya sila. Masaya siya sa buhay ng iba. Masaya ang mga bata sa piling ng ibang kinikilalang ama nila. Parang sila ang magkapamilya. Habang pinagmamasdan ko sila kanina, nakikita ko kung paano sila ngumiti sa isa't-isa na akala mo'y wala ako. Wala ang tunay na asawa at ama. 


Marami akong pagkukulang oo, pero sapat ba yun na dahilan para maghanap sila ng kapalit ko na magpupuno ng pagkukulang ko?


Hindi lang naman sila ang nagdudusa eh pati din ako na hindi alam kong makakaya ko pa bang lumaban sa huli gayong yung pilit kong pinaglalaban ay kusa ng sumuko.


Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lalaban pa ba ako na pwedeng sa huli ng laban na to ay mababawi ko ang pamilya ko o susuko nalang gaya ng ginawa nila pero maaaring mawala ang lahat sa akin sa gagawin kong pagsuko.


Minahal ko naman talaga si Kiara kahit hindi pa umabot ng isang taon ang pagsasama namin noon. Pero hindi naman yan sa tagal ng panahon ng pagsasama niyo na masasabi mo ng mahal mo siya, pwede mo pa rin maramdaman ang pagmamahal kahit sa konting panahon ng pagkakakilala ninyo. Naniniwala kasi ako sa sariling motto na ginawa ko yun yung 'Wounds heal over a period of time while Love comes anytime.' Handa ka man o hindi, kung oras na ng pagdating ng sinasabing pag-ibig ng lahat, oras na niya talaga.


Muli akong tumingin sa kalangitan. Mabuti pa ang mga bituin, mapayapa ang kalooban nila palagi. Sila lang yung mga nakakaalam at nakakakita ng mga paghihirap ng iba. Sana naging isa ako sa kanila na walang ibang ginawa kundi ang magpaliwanag sa daigdig at titingin lang sa baba pero hindi kailangan kong maranasan ang lahat ng ito.


May pag-asa pa ba? May pag-asa pa bang mabuo kami?....

Without LoveWhere stories live. Discover now