Chapter 2: Pregnant?

6 3 0
                                    


Kiara's P.O.V.



Ang sakit ng ulo ko parang magkakasakit pa ako. At gusto ko pang matulog. Hindi ko magawang bumangon kasi parang hinila talaga yung katawan ko.


*Knock

*Knock

*Knock


Argh! Sino ba yun ang aga pa!



*Knock

*Knock

*Knock



"Sandali!"- dahan-dahan akong tumayo sa kama ko. Magkaiba kami ng kwarto ni Clyde siguro siya yun. Bawat hakbang nararamdaman ko yung bigat ng katawan ko.



"Magbihis ka"- bungad niya pagkabukas ko ng pinto at nakabihis na din siya.




"Bakit?"- walang ganang sabi ko.




"Pinapapunta tayo ni mommy sa bahay nila"- sabi niya



"Ah ok"- isasara ko na sana ang pinto ng magsalita siyang muli.



"May sakit ka ba?"- bigla niyang hinawakan ang noo ko. Napapitlag naman ako sa ginawa niya."Parang namumutla ka eh. Kaya mo bang pumunta don? Kung ayaw mo, I can cancel it"-  sabi niya. Ano to concern ba tong arogante nato? Wala naman ang parents niya pero kung mag-alala kala mo jowa ko.




"No. I'm fine"- sabi ko tapos isinara ko na ang pinto

-----


*Montefalco Residence*



Felix's P.O.V




Kanina ko pa napapansin ang pamumutla ni Kiara though di na masyadong halata ngayon dahil sa lipstick niya. Nasa bahay na kami ni mama at papa. Nagkunwari akong hawakan siya sa bewang para alalayan siya. Tiningnan niya ako pero mukhang gets na niya.
Pero sinadya ko talagang hawakan siya baka matumba siya anytime.




"You're here"- bati ni mama ng nakangiti at niyakap si Kiara. Pansin ko lang ha simula ng makilala nila si Kiara parang hindi na nila ako anak.




"Hi Tita. Where's Tito po?"- pabalik na tanong ni Kiara.



"Kiara dear, you're already part of our family why not call us Mom and Dad?"- sabi ni papa na pababa ng hagdan. Kita niyo na, mom at dad ang pinatatawag tapos ako? Mama at papa?



"Nagseselos na ako ah! Parang hindi niyo ako anak"- kunwaring nagtatampo ako.



"Lika ka na dear. Ready na ang pagkain."- wtf?! Inignore lang ako ni mommy?


Sumunod nalang kami sa dining hall. Patuloy pa rin ako sa pag-alay kay Kiara.



"Dear, how old are you na ba?"- tanong ni mama



"20 po"- sagot ni Kiara


"Wow! 20 but you already graduated? How come?"- tanong ni mama



"Uhm actually po, may program po non ang dating School ko po na kung sino ang makapasa nong exam, magiging College na po despite po sa batang edad"- paliwanag ni Kiara


"Oh! How old are you back then?"- ang daldal ni mama


"15 po"- mahinang sabi ni Kiara



Without LoveWhere stories live. Discover now