Chapter 18: Charity Event

5 1 0
                                    


Kiara's P.O.V


Dumating na din ang araw na pinakahihintay ng lahat lalo na ang pamilyang Montefalco. Ngayong na gaganapin ang anibersaryo ng kompanya sa pamamagitan ng Charity Event. Nakahanda na din ang lahat. Naayos na ang mga dekorasyon.


Maya-maya lang ay dadating na ang mga batang ulila. Nasabi ko na siguro na ang purpose kasi ng event ay hindi lang para ipagdiwang ang anniversary ng company kundi pati na rin ang paglikom ng pera para sa mga bata.


----


Nang dumating ang mga bata kanina masaya silang nagsilabasan sa bus na sinakyan nila. Napapangiti na lang ako sa kabibuhan na dala nila. Kita mo ang saya sa mga mata nila. May hinanda nga pala kaming mga laro at shows para hindi mainip ang mga bata habang ginaganap pa ang programa. Marami na ding naganap simula pa kaninang umaga at ngayon nga ay malapit ng maghapon.


Inililibot ko ang paningin ko at nakita ko kung paano tulungan ni Vincent ang batang nadapa dahil siguro sa kakatakbo nito. Naging abala kami nitong mga nakaraang araw dahil nga sa paghahanda namin dito kaya hindi kami masyadong nagkikita ni Vincent. Kahapon nakapag-usap lang kami pero sandali lang din. Alam niyo ba kahapon muntik na akong tamaan ng mga kahon buti nalang nandon si Vincent pero ewan ko ba parang nakita ko si Felix na papalapit sa akin o kaya namamalik-mata lang ako. Bakit naman niya ako tutulungan, right? Tatawanan pa ako nun. Lalapitan ko na sana si Vincent pero umalis agad siya. Napakasipag talaga non, halatang mahal na mahal niya ang trabaho niya kasi hindi siya nagpapaistorbo.


Naglakad-lakad  na lang ako para masigurong wala nang aberya. Lumapit ako sa isang booth. Ang gaganda kasi ng paninda nila. Mga family shirts at may mga cute na stuff toys din.


"Isang set nga ng Family shirt pero pwede bang wag isali ang shirt ng daddy?"- sabi ko sa nagbabantay.


"Naku ma'am bakit naman po? Nag-away ba kayo ng asawa niyo?"- ngumiti ako


"May pera naman yun kaya siya ng bumili ng sa kanya. Kulang kasi ako sa budget"- dinaan ko nalang sa biro. Saktong may family shirt na apat pero gaya ng sabi ko ibinawas na yung isang shirt kaya tatlo nalang.


"Kayo po talaga ma'am"- natawa siya sa sinabi ko 


"Samahan mo na rin ng dalawang stuff toys"- sabi ko at dumukot na ng pera at ibinigay sa kanya.


"Kala ko po ba kulang kayo sa budget?"- patay


"Ay kung family shirt ang pag-uusapan. Ibang usapan na kasi ang stuff toys"- sabi ko


"Kayo po talaga ma'am"- ibinigay na niya ang family shirt at stuff toys. Hindi naman masyadong malaki ang mga stuff toys kaya nakakaya ko namang buhatin.


Pumunta muna ako sa parking lot. Inilagay ko sa backseat ng kotse ko ang mga pinamili ko. Babalik na sana ako kaso may humihila sa laylayan ng dress ko. Nakablack dress kasi ako na hanggang tuhod. Pinili ko ito kasi mukha namang nababagay ito sa theme namin kasi black ang background ng space pero dahil may stars kaya may konting ilaw na nagbibigay liwanag dito. Korni ko nga eh kasi sinamahan ko pa talaga ng hair clip na star na nakaipit sa gilid ng buhok ko.

Without LoveWhere stories live. Discover now