Chapter 7

898 20 3
                                    

Chapter 7


Natahimik ako pati na din si Kara at bigla kaming natigil sa pagnguya ng pagkain namin. Nagkakatitigan lang kami habang sila ay nakatingin samin, tinitignan yata kung anong magiging reaksyon namin sa sinabi ni Narry. At para hindi awkward samin ni Kara ay natawa na lang ako tsaka nagsalita,

"Bro, I'm loving her..."  Wait, mali yata 'yong sinabi ko. Ah shit! 

"I'm loving her as my sister syempre." Sabi ko agad bago pa magsalita si Layne. 

Tyrill cleared his throat at napatingin si Anne sa kanya pati na din si Kara na ngayo'y namumula. Wait, why is she blushing that much? Kinikilig ba siya sa sinabi ko?

Ang assuming ko naman masyado kapag ganon, baka lang kinakabahan sa sinabi ko.

"Kara, I think you should too as Finn mentioned." Tyrill suggests looking at still blushing Kara. 

She's cute while blushing. 

Fuck it Finn.

"Should what, Tyrill?"Tanong niya naman na mukhang naguguluhan sa sinasabi ni Tyrill. 

Nakita kong natawa si Narry bago nagsalita, "Kill him, Kara." Tsaka ito humalakhak. 

Umiling na lang ako kay Narry at si Layne naman ay siniko siya tsaka natawa din. Si Anne ay kumakain lang habang nakikinig sa usapan namin samantalang si Tyrill ay hinarap si Kara para makausap niya ito.

"Loko ka talaga Narry. Magtino ka nga." Tyrill gritted his teeth talking to Narry habang si Narry ay nakangisi pa din na parang nangloloko. "Don't mind him, Kara. What I mean is love you brother too like he's loving and caring for you. Loving him as your true brother even you're just step bro and sis." Tyrill explained na parang tatay na sinasabihan si Kara.

Tumango-tango si Kara at tumingin ng makahulugan sa akin bago siya nagsalita. "Fine. I will."

"Promise?" Biglang singit ni Anne sa usapan namin habang kumakain ng pizza niyang pinaglilihian.

"Anne?" Nagtatakang tanong ni Kara.

"Promise me please Kara. Nakakasawa na din kayang marinig ang bangayan niyong dalawa 'no. Baka mastress ang baby namin ni Tyrill." 

I cleared my throat.

Tyrill smiled and hugged Anne while holding her tummy. 

"Ang sweet naman ng asawa ko." Puna niya dito at hinalikan sa pisngi.

"Syempre." Bumaling naman ang atensyon ni Anne kay Kara. "Ano Kara, promise?"

Walang nagawa si Kara kundi tumango at ngumiti na lang kay Anne. "Fine, Anne. I promise."

"Swear it." Nangungulit pang sabi ni Anne.

"Fine." Kara rolled her eyes and looked at me. "I swear to love you starting now, Finn." 

Napalunok ako sa sinabi niya. Parang may kumalabit sa puso ko at biglang bumilis ang tibok. 

How I wish it's all true, Kara. Loving me as your lover, not just your brother.

"Ano Finn? Okay ba?" Tanong ni Layne sa akin while patting my shoulder.

Tumango lang ako kasi wala naman akong masabi sa nangyayari dito. Ang alam ko lang masama itong nararamdaman ko kay Kara na gusto ko nang pigilan para hindi na lumala.

"You two shake hands naman." Natatawa pa ding sabi ni Narry.

"Ano ba Narry? Ginagawa mo naman kaming bata." Saway ko sa kanya.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon