Chapter 11

728 13 1
                                    

Chapter 11

"Are you up tonight? Weekend naman bukas baka pwede." Pagkaupo ko sa office chair ko ay 'yan agad ang tanong sakin ni Lewy.

Nandito kasi siya sa office ko. Lunch break naman kasi at katatapos ko lang kumain ng mga hinatid na namang pagkain ni Finn.

Umiling ako tsaka ngumiti. "I'm sorry Lewy. My cousins are here tonight and may konti kaming salo-salo for dinner mamaya."

Nalungkot ang reaksyon niya pero ngumiti din sa akin.

Kahit pa gusto ko siyang makasama for one night ay hindi pwede ngayon kasi may night out kami ng mga pinsan ko.

"It's okay. Next time na lang siguro." Tumayo na siya at paalis na.

"Lewy,"

Nahinto siya sa kakalakad at humarap sa akin.

"You wanna join us tonight?"

Biglang nagliwanag ang mukha niya at ngumiti sa akin.

"Nakakahiya naman Kara sa mga pinsan mo."

"No, it's alright. Para na din makilala mo sila." I insist.

Tumango siya at ngumiti ng malapad sa akin. "Okay. If that's what you want then. What time?"

"Uhmm sabay ka na lang samin ni Finn mamaya pauwi. Do you have your car?"

Tumango siya. "Yeah, I'll fetch you."

Umiling ako at ngumiti. "My brother will kill you if you fetch me home." I giggled.

Naisapo niya ang kamay niya sa noo at nag-make face sa akin tsaka ngumiti. "Oo nga pala. Fine. Sundan ko na lang kayo."

"Okay." I say and smiled.

"Uhm... I think I should go? Can I go now?"

"Ikaw ba? Ayaw mo yatang umalis." Natawa ako pati siya.

"If you need something, call or text me. See ya around Kara."

"Okay. Bye. See you."

Kumaway siya nang makaalis na siya.  I just smiled at him pero nawala ang ngiti ko nang makita ko si Finn na nasa tapat ng office ko habang naglalakad paalis. Nakakunot ang noo niya sa akin na akala mo may ginawa akong masama at umiling lang tsaka naglakad na paalis.

I don't know why he hates Lewy for me. Gusto niya na layuan ko ito at sundin ang sinasabi niyang patigilin ko na ito sa panliligaw. I can't stop Lewy from courting me, bukod sa mabait siya ay nagugustuhan ko din ang personality niya.

Hindi ko na lang pinansin ang mga iniisip ko tungkol kay Finn at nagsimula nang tapusin ang lahat ng trabaho ko dito sa office.

Habang binabasa ko ang reports at email ay may nagtext sa phone ko kaya kinuha ko agad ito.

Nangunot ang noo ko nang makita kong si Finn ito tsaka binuksan.

Finn:
Still courting you?

Hanggang ngayon akala niya na pinatigil ko na si Lewy kaya siguro kumunot ang noo niya kanina.

Nag-reply naman ako agad sa message niya.

Ako
Yeah. Problem?

Ibaba ko na sana ulit sa table ang phone ko nang tumunog ulit ito.

Finn:
I'll stop him.

Ayon lang ang sinabi niya pero hindi ko na nireplyan 'yon. As if namang kaya niyang patigilin si Lewy, hindi naman siya ang nililigawan dahil ako naman.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon