Chapter 24

565 10 1
                                    

Chapter 24

"Everything's set?" Nagmamadaling tanong ni Wendy sa amin. Napatingin naman ako sa mga dala-dala naming mga gamit. Yes, they are on set sa pagkakaalam ko.

"Yes! Let's go!" Sigaw na sagot ni Cloe tsaka ako hinila papasok ng van.

Nabigla naman ako sa hila ni Finn sa akin sa kabila kong kamay since hawak-hawak ni Cloe ang kamay kong kaliwa. Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi niya ako pinansin bagkus kay Cloe napunta ang atensyon niya.

"Kara's with me. Magkokotse kami." Diretsahang sabi niya.

Kumibit ang balikat ni Cloe at nabitawan ang kamay ko kaya mas napalapit ako kay Finn. Mabilis ko din namang binawi ang kamay ko sa pagkakahawak niya.

Umirap si Cloe at nagsalita, "Oh, Finn. I thought we already talked about this. No cars, we're going by van." Kontra niya.

May napagplanuhan kasi silang puntahan this coming holiday season at napilit naman akong sumama ni Finn since holiday naman na sa mga susunod na araw. It's a secret island at si Tito Serio daw ang nakabili nito. First time naming puntahan ito unlike kila Cloe na lagi na daw doon tuwing vacation. Eight hours daw ang byahe mula Manila hanggang doon. Wala pa akong idea kung saan ito tanging sila Cloe lang ang nakakaalam since their dad is Tito Serio at alam ko ding ayaw nilang sabihin ang lugar because it's secret island and here I am, pinag-aagawan nila ako kung saan ba ako sasakay na sasakyan.

"No, I didn't agree with that. Kara and I will go alone in my... my car." He stammered at ngumiti ng mapang-asar kay Cloe.

Pasimple kong kinurot ang kamay niya pero hindi niya lang ako pinansin kasi naiinis na ang mukha ni Cloe sa kanya.

"Finn, are you out of your mind?! You don't even know the way and the location and you're gonna drive?" Inirapan niy si Finn.

Napayuko na lang ako sa boses niya. 

"Simple, I'll follow the route honey." Kinindatan niya ito.

"No, uhm... Mas better siguro sa van na lang tayo Finn since nandon naman mga gamit natin." Bago pa sila magsaksakan sa harap ko ay pumagitna na ako sa kanila.

I know Finn, he'll follow me.

Tumaas ang kilay ni Cloe tsaka siya ngumisi kay Finn nang marinig niya ang sinabi ko. "You heard her." Tsaka ito bumaling sa akin. "Come on." Yaya niya sakin papasok sa loob ng van.

Nandoon na pala silang lahat at kaming tatlo na lang ang hinihintay na makasakay ng van. Walang nagawa si Finn kundi ang sumakay na lang din. Nagpaalam na din kami sa guards at kasambahay sa mansion kasi nag-hire na kami dahil ilang days din kaming mawawala.

"Tara na, manong. Anong oras na." Si Wendy tsaka tumingin sa aming dalawa ni Finn nang may pakahulugan.

Ang usapan kasi namin ay madaling araw palang ay aalis na kami pero nauwi ngayong 8:00 AM. Late kasing nagising si Finn at wala silang nagawa kundi ang maghintay na gumising ito. Hindi din naman ako sasama kapag wala siya, baka ma-out of place lang ako.

Umandar na nga ang van at nagsipag-hawak na ng kanya-kanyang phone ang mga pinsan ko. Kinuha ko na din ang phone ko since wala din naman akong magagawa at kaagad kong nabasa ang message ni Finn sa akin na ngayon-ngayon lang dumating.

Finn:
Why you dont wanna go with me alone?

Ayan agad ang message niya. Pasimple ko siyang tinignan at katabi siya ni Sam pero dito siya banda sa malapit sa pinto. Bale ako at si Cloe ay magkatabi sa harapan na dalawa at may space pa naman kasi nasa window side ako.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon