Chapter 12

667 12 1
                                    

Chapter 12

Agad kong hinila ang kamay ni Lewy para makapasok na kami sa loob habang ang dalawa ay magkayakap at nagbebeso pa din sa isa't-isa. Hindi ko na lang pinansin ang parang kinukurot kong puso.

"Come in." Lewy and I walk inside the house as we saw Wendy preparing for our dinner.

"Nakakahiya naman." He whimpered when he saw Wendy.

Tumikhim ako para mapansin ang presensya namin ni Wendy kasi super busy nito.

"Kara!" Lingon nito sa amin at masayang nilapitan ako at bineso.

I kiss her cheek and hug her. "I'm calling on your phone, you're not picking up." Sabi nito pagkatapos naming magbeso.

"I'm sorry, I'm busy being Ways to Lewy."

Bigla siyang napatingin kay Lewy at nanlaki ang mata na parang nagulat nang banggitin ko ito. Ngumiti sa kanya si Lewy at kumaway.

"Hi," bati ni Lewy.

"S-siya ba?" Bulong niya sa akin.

Tumawa lang ako at tumango. "Yes, he is the one that I'm telling you."

Lagi ko kasing nakekwento si Lewy kay Wendy mula nang manligaw ito sa akin bukod pa kay Anne na kinukwentuhan ko din tungkol dito.

Nagtingin ulit ang dalawa tsaka ngumiti si Wendy sa kanya.

"Hi," bati niya pabalik.

Tumango at ngumiti sa kanya si Lewy ulit.

"May hitsura ah, you didn't mention na kasama mo pala siya. Ang speed naman yata Kara." Baling nito sa akin.

"Wendy, it's alright. I insist na sumama siya dito kasi nakakahiya naman na hindi siya isama since niyayaya niya ako kanina to have some dinner tonight." I explained in my almost whisper voice and Wendy just shrug.

"Okay then." She said after. "Just sit here and I'll prepare our dinner."

Tumango na lang kaming dalawa at niyaya ko na ngang maupo muna dito sa living room si Lewy. Hinanap naman ng mata ko ang pinsan ko at si Finn kung nasaan ang mga 'to kasi kanina pa sila nasa labas at hindi pa din pumapasok.

"Kara nakakahiya talaga sa mga pinsan mo."

Nabaling ang atensyon ko sa nagsalitang si Lewy.

"No it's okay, Lewy. It's just us lang naman. Nothing to worry about." Sagot ko sa kanya nang hindi tumitingin dito kasi sa labas pa din ako nakatingin at hinahanap sila.

"Nakita ko sila sa garden sa may pool, nag-aayos ng table."

One familiar voice caught my atention so I look at who's talking and I'm right it's my another cousin.

"Sam?!" I say looking at him.

"Yeah,"

Mabilis ko siyang nilapitan at niyakap at ganon din naman siya sa akin.

"Look at you, for how many long years, hindi ka pa din nagbabago nababasa mo pa din iniisip ko." I say while hugging him.

"Ano ba? Halata sa gestures mo eh." Balik niya.

For how many years, I met Sam again. Apat kasi kaming magpipinsang buo, ako, si Wendy, Hailey, at itong si Sam na matagal nang nasa Canada kaya matagal na din kaming hindi nagkita. We are all Elardes, mga lalaki kasing magkakapatid sina dad kaya nadala namin ang apelyedo ng Elarde.

Kung si Hailey masiyahin at madaldal, ibahin mo 'tong si Sam, he's very strange and at the same time he can read your mind. Parang special sa kanya 'yon pero hindi niya nakikita, ako lang nakakaalam na may ganito siyang ability kasi kapag nagkikita kami ay tama ang sinasabi niya tungkol sa iniisip ko. Tahimik din siya at observative dahil na din siguro lalaki siya. I'm three years older than him but we don't call each other as ate and kuya, siguro nasanay na din kami na ganon ang culture sa Western.

Untold Chase [Completed] - Executive Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon