February 10, 2011
"KLEIY!!!" Tawag ni ina na hudyat na simula na ng panibagong araw. Tumingin ako sa labas ng bahay madilim pa ang paligid senyales na madaling araw pa lang ngunit kailangan ko nang bumangon para 'di matambakan ng gawain.
Iminulat ko ng husto ang ang antok at pungay na pungay pang mga mata. Nag unat-unat ako para magising na ang aking diwa.
"KLEIY!!! Bumangon kana d'yan naghihintay na ang balde ng labahan mo doon sa posohan pinahatid ko na doon para mauna ka sa pila. Nasa mesa ang listahan ng bilihin at pera mamalengke ka." Dere-deretsong utos ni inay.
Bababa na sana ako nang marinig kong magsalita ulit si inay.
"Ay... nakalimutan ko, may limang pares ng uniporme sa aparador mo. Plantsahin mo lahat iyon at gagamitin ng mga ate mo. Bilis-bilisan mo ang kilos!! Andami ko nang nautos pero ni anino mo ay hindi ko makita!!" Pagalit na sigaw ni inay.
Nagtungo ako sa parador at binuksan ko ito. Nakita kong nakasampay ang limang pares ng uniporme gaya ng sinabi ni inay.
Ang tatlong pares ay kay ate Jhehanne ang pinaka matanda sa aming tatlong magkakapatid. Payat, may mahabang itim at kulot na buhok. Nagtatrabaho siya bilang nurse sa isang ospital sa bayan. Maganda na si ate pero mas lalo siyang gumaganda kapag suot niya ang uniporme niyang iyon.
Napangiti naman ako bago slayan ang natitirang dalawang pares nang uniporme na halatang kay ate Clare, siya ang sumunod kay ate Jhe. Pinaka matangkad sa aming lahat, dahil do'n nakahiligan niyang sumali ng mga pageant Kikay si ate Clare kaya hindi na ako nagtataka kapag nananalo sya o nag rurunner up sa mga nasasalihang patimpalak. Bagsak na bagsak ang kaniyang buhok at aaminin kong mas maganda siya kay ate Jhe pero mas matalino si ate Jhe kaysa sa kanya.
Nagtatrabaho si ate Clare sa isang paaralan ng dito sa Laguna. Filipino tetacher siya at ngayong taon ay kumukuha na ng masteral.
Kambal, ngunit hindi sila magkamukha ni ate Jhe. Fraternal twins daw ang tawag doon paliwanag sa'kin ni ate Jhe.
Matapos kong tignan ang mga uniporme ay isinarado ko na ang aparador ko at bumaba. Napagpasyahan kong mamamalengke muna bago maglaba, magluto, at ihuhuli ang pagpaplantsa ayoko pang mapasma e.
Dumeretso ako sa banyo upang maghilamos, pagtapos ay nagsuklay na ako para kahit papaano ay maayos akong tingnan.
Pumunta ako sa lamesa at dinampot ang listahan ng bibilhin at ang pera. Hindi ako marunong magbasa o magbilang kaya hindi ko naiintindihan ang mga nakasulat sa papel na hawak ko ang pera naman ay hindi ko din alam kung ano ang halaga. Disi otso nako pero talo pa ata ako ng mga batang naglalaro sa lansangan.
No read No write daw ako sabi ni ate Clare dahil wala akong alam na kahit ano, ultimo numero at letra ay nalilito ako. Gustuhin ko mang mag aral ay ayaw akong payagan ni nanay, sayang lang daw ang oras na gugugulin ko sa pag-aaral mas makakatulong daw ako kung tutulong ako sa kanya sa mga gawaing bahay.
Itinuro sa akin noon ni inay ang isang pwesto sa talipapa kung saan ay doon kolang daw ibibigay ang listahan at pera. Sila nadaw ang bahalang umasikaso at kumwenta ng babayaran ko. Kaya kahit wala akong alam e makakapamili pa din ako.
Bagaman isang beses lang akong sinamahan ni inay ay natandaan ko lahat ng dadaanan ko, sabi ni ate jhe Photographic memory daw ang tawag do'n. Sayang lang daw at hindi ko sya magamit ng husto, malaking tulong daw ito sa'kin kung sakali.
Kinuha ko din ang bayong malapit sa pinto na paglalagyan ng mga bibilhin ko. At tsaka ako nagpaalam na kay inay.
Nilakad ko lang ang ang daanan papuntang talipapa dahil sa ganito kaaga ay wala pang tricycle o kahit anong masasakyan papunta sa palengke.