6. Three is to Two

8 1 0
                                    

*tok* *tok* *tok*      


"Kleiy... Kleiy..."


Nagising ako sa katok at tawag na iyon galing sa labas ng kwarto ko.


"Kleiy dear, and'yan na yung tutor mo." Sambit ni Ice.


Hindi talaga Ice ang pangalan n'ya ngunit ang haba kasi at mahina ako sa pangalan ng tao. Tanginng pangalan ko lang ang kaya kong makabisa ng buo.


"Kleiy papasok na'ko ah." Paalam niya.


Kasabay n'yon ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko. Maya maya pa ay naramdaman kong lumubog ang kabilang parte ng kama ko na ibig sabihin ay nasa tabi kona si Ice.


"Kleiy." Sabay kalabit sa aking balikat.


"Hmm" Tugon ko.


"And'yan na yung tutor mo. Nasa study room na." Pahayag ni Ice.


Iminulat ko na ang aking isang mata at laking gulat ko ng makita si Ice na sobrang lapit sa akin. 


Napamulat ako sa gulat dahil sa posisyon naming dalawa. Nakatihaya ako habang nasa gilid ko naman sya at ang mukha n'ya napakalapit lang sa akin. 


Bakit hindi ko s'ya naramdaman kanina? Mas malapit pa s'ya sa akin kumpara sa distansya namin ni Gavin nung nakaraan pero... HINDI KO S'YA NARAMDAMAN!


Maya-maya pa ay may narinig akong naglalakad galing sa malayo. Tahimik lang sa bahay kaya madali ko itong narinig. 


"I-ice? M-may tao." Tawag ko sa kaniya.


Nanlaki ang kaniyang mata nang tawagin ko s'ya.


"Come again?" Pagpapalinaw niya.


"M-may tao." Pag-uulit ko.


"No, not that. A-anong tinawag mo sa'ken?" Takang tanong niya.


"I-ice? P-pasensya na mahina kasi ako sa pangalan ipaal---" Natigilan ako sa pagsasalita nang ilapat n'ya ang kaniyang mga labi sa akin.


Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niyang iyon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ngunit mas lalo akong nagulat nang maramdaman kong...

.

.

.


.

.

.

.

Gumagalaw s'ya!!!


Marahan ang paggalaw ng kaniyang mga labi. Ramdam ko ang bawat galaw nito at kung gaano kadiin ang pagkakalapat ng mga iyon sa akin.


"Tsk. Tsk. Tsk." Natigilan si Ice nang marinig ang tinig ni Gavin mula sa pintuan. "Hindi mo ako maakit kaya kapatid ko naman ang nilandi mo." Dugtong pa n'ya.


Umalis si Ice sa kama at tsaka s'ya tumayo para harapin si gavin. Ako nama'y napaupo sa kama at kumuha ng isang unan para yapusin. Kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan.


Nakatitig lang ako sa kanilang pareho. Nililipat ang tingin ko sa dalawang lalaking nasa harapan ko ng biglang sinuntok ni Ice sa panga si Gavin


"Ahhhh!!!


Napasigaw ako nang biglang bumagsak si Gavin sa sahig dahil sa lakas ng suntok ni Ice sakanya.


Kleiy: Thorns Of RosesWhere stories live. Discover now