DON?!! Kung gayon ito ang Don na sinasabi ni aling Dina at mang Isko?"Tignan mo lahat ng ipinamili ng dalagang ito at palitan." Malumanay na utos nito sa lalaking tinawagan niya kanina lamang.
"Opo, Don Bernardo." Sagot ng lalaki.
Labis-labis pa'rin ang pagkabigla ko. Hindi ko inaasahang sa ganitong paraan at dahilan ko pa makikita at makikilala ang Don kinukwento sa akin kanina lamang.
"Ineng tumayo ka na riyan at ako na ang bahalang magpalit ng mga iyan." Anyaya sa akin ng lalaki.
"Ah, hindi na ho. Ayos pa ho ang mga ito." Agaran kong sagot sa lalaki. "At tsaka... W-wala na ho akong pambayad para sa panibagong bilang ng mga ito." pagdaragdag ko.
"Wala ka ng babayaran, kasalanan ko naman kung bakit nahulog ang iyong mga pinamili. At isa pa hindi na healthy na kainin iyan baka magkasakit ka pa" sabi ng Don.
"Ah... Eh... Hindi naman ho siguro sa linis ng sahig dito ay malapit ko nang akita ang sarili ko." Sambit ko sa don
"HAHAHA. Palabiro kang bata ka." Halakhak ng Don sa sinambit ko.
"Halika samahan mo ako sa aking opisina habang pinapalitan ni Henry ang mga pinamili mo." Anyaya ng Don sa akin.
"Ah... Dito na lamang ho siguro ako. Pinalitan n'yo na ho ang pinamili ko kahit hindi naman dapat. At ngayon ay aanyayahan n'yo pa ho akong magpalipas sa inyong opisina, sobra-sobra na hong pagmamalasakit iyon." Pagpapaliwanag ko sa Don.
"Tatanggihan mo ba ang imbitasyon ng isang matandang gaya ko?" sambit n'ya sabay tanggal sa kaniyang sombrero.
Kita ko ang mapuputi ng bahagi ng kaniyang buhok. Medyo kulubot na rin ang balat. Nakasalamin s'ya ngunit kita kong iba sa kaniyang mata. May hawak s'yang isang tungkod ngunit sigurado akong nakakalakad pa s'ya ng maayos.
Sa kabuoan nakikita ko ang kaniyang pagiging pormal. Sa pananamit, ayos ng postura, maging sa pananalita ay pormal. Tumawa man s'ya ay bakas padin ang sinseridad sa kaniyang mukha.
"Sige ka, magtatampo ako sa'yo pag 'di mo ako pinaunlakan." Sabay busangot ng matanda sa akin.
Ang isang don ay nakikiusap sa'kin??? Nananaginip ba ako? Kung oo ay pakisampal na ako ngayon na!
"A-ahh, s-sige ho. Sasama na ho ako sainyo. Ngunit, kailangan ko hong umuwi bago maghapunan. Tiyak ay hahanapin ni inay ang mga pinamili n'ya." Sabay lapit ko sa don.
Halos sabay lang kaming naglalakad ng Don. Tahimik at tanging ang kaluskos lang ng aking lumang tsinelas ang naririnig ko. Kalansing ng pako sa ilalim ng tsinelas. Iyon ang nagsisilbing harang para hindi na iyon mapigtas muli.
"Ang sabi mo kanina ay kailangan mong umuwi bago mag hapunan dahil, hahanapin ng iyong ina ang iyong pinamili. Tama ba ako?" pambasag katahimikang tanong sa akin ng Don.
"Oho, tama ho kayo ng narinig." Sagot ko sa kaniya.
"At ikaw ay hindi?" Agarang tugon ng don sa akin.
"Syempre ho hahanapin n'ya rin ako," sandali akong napatigil dahil ang totoo ay hindi ako hahanapin ni inay dahil sa nag-aalala s'ya sa akin. Imposibleng mangyari iyon, hahanapin ako ni inay dahil ako ang inutusan niya.
"Hahanapin n'ya ho ako dahil ako ang inutusan n'yang mamili." Pagtutuloy ko sa naudlot kong paliwanag.
Bumagsak ang aking balikat matapos ko iyong sabihin sa Don. Ni minsan ay hindi ako hinanap ni inay ng walang kailangan, yun bang hahanapin kalang kase nag-aalala na sa iyo kung saan ka na napadpad o kung napaano kanaba, ayos kalang ba. Kung wala bang nangyaring hindi maganda sayo.