Dahil sa sobrang abala ni nanay sa pasugalan ni mang Domeng ay hindi na pala niya napuntahan ang pwesto nila aling Pasing para bawiin ang kulang na sukli sa aking pinamili kahapon kaya isinama ako ni inay ngayong araw doon para may makapagpaliwanag kay aling pasing ng nangyari kahapon.Naabutan namin sa pwesto si aling Pasing na nag-aayos ng kaniyang mga paninda.
"Oh! Gina, kayo pala. Anong atin?" inosenteng tanong ni aling Pasing kay inay.
"Pasing... Iyang anak mong si Gerald ay kinuha ang sukli ng anak ko kahapon!" inis na sabi ni inay.
Nabitawan ni aling pasing ang mga gulay na kaning inilalagay sa iba pang kauri nito.
"H-ha? Anong sukli ang sinasabi mo Gina? Nag kwenta ako kahapon ng benta, sakto lang naman kita sa mga nabawas na paninda ko."kalmadong pagpapaliwanag ni aling Pasing.
"Hinde! Ginoyo nitong anak mo ang anak ko Pasing! Ang sabi niya ay inilagay niya ang sukli ng aking anak sa bayong kasama ng kaniyang mga pinamili!" nagsisimula ng magalit si inay.
Nanlaki ang mga mata ni aling Pasing. Marahil ay nagulat s'ya sa kaniyang narinig. Bakas din ang pagtataka sa kaniyang itsura.
"Hoy Gina! Hindi porket dating manloloko at manggagantyo ang anak ko e hanggang ngayon ganoon parin s'ya! Nagbago na'yon at hinay hinay naman iyang bunganga mo at masyado ka kung makapang bintang!" pagalit na tugon ni aling pasing.
Nanliit at lumisik ang mga mata ni nanay sa narinig mula kay aling pasing.
Hindi ho totoo iyan!!! Ang sinabi niya ay inilagay niya sa bayong ko ang aking sukli!
"A-ang sabi ho n-ng anak nyo a-aling p-pasing, inilagay n-nya daw h-ho ang sukli sa bayong n-na dala ko k-kahapon" kabado at pautal utal kong sabi. Ninenerbyos ako ng sobra dahil baka magkasakitan pa si inay at aling Pasing dahil sa kabobohan ko.
"Oh ayun naman pala e! inilagay naman pala ang sukli. Ano pang binubunganga mo Gina?!" Sambit ni aling pasing.
Sandaling katahimikan ang bumalot sa aming tatlo. Si inay ay nanatiling galit ang reaksyon ng mukha, si aling Pasing naman ay itinuloy ang pag-aayos ng kaniyang mga paninda. Ilang saglit pa ay bumalik s'ya sa gawi namin.
"May kailangan pa ba kayo ng anak mo?" malumanay na tanong ni aling Pasing.
"Piso lang ang laman ng bayong na pinaglalagyan kamo ng sukling sinasabi niyang anak mo! Ibalik mo ang sukli ng anak ko Pasing!!!" muling singhal ni inay.
"Gerald!!! Gerald bumaba ka nga riyan! Halika dito bilisan mo!" pagtawag niya sa kaniyang anak
Ilang saglit pa ay bumaba na si Gerald. Ang lalaking nanlait at nanloko sa akin!!!
"S'ya ho iyon inay!! S'ya ho yung nagbenta sa akin kahapon! N-naaalala ko pa h-ho s-sinabihan n'ya kong m-maganda p-pero b-bobo" umatake nanaman ang kanerbyosan ko habang nagsasalita.
Ngumisi ang lalaki nang marinig n'ya ang sinabi ko. Si inay naman ay galit pa din ang mukha. Samantalang si aling Pasing ay napatitig sa kan'yang anak.
"Tama naman ang sinabi ng anak ko Gina. E, diba talaga namang walang alam 'yang anak mo? Bat ako maniniwala d'yan e mas matalino pa ang limang taong gulang na anak ko kaysa riyan. Baka naman nahulog ang sukli mo, baka sa sobrang katangahan niyan ay ang puwit ng bayong ang hinawakan at hindi ang pansukbit na tali Hahaha!!" Pambuburyong tugon ni aling pasing.
Lalong nagalit si inay sa kaniyang narinig kay aling Pasing.
"e isa ka rin palang tanga e! kung puwit ng bayong ang kaniyang bitbit... E'di sana wala na siyang ibang nauwi maliban sa bayong! Ipababarangay kita Pasing! Magnanakaw iyang anak mo!! " galit na galit na si inay. Halata ito sa kaniyang mga sinasabi.