4. Sh1ts in disguise

21 2 0
                                    

Nanlaki ang aking mga mata nang marinig ang tanong na iyon na para kay inay.

Hindi pa man nakakapasok ang don sa aming bahay ay lumabas na s'yang muli. Ang itsura ko naman ay nananatiling gulat.

P-paanong kilala ng don si inay?

K-kailan?




At...




Saan naman?




Gaano na sila katagal na magkakilala?

Napakaraming tanong ang pumapasok sa aking isipan ng nga oras ba iyon.

Nang tingnan ko naman si inay ay bakas din ang pagtataka ngunit nakakubli ito sa isang payak na ngiti.

Maya-maya pa ay pumasok sa bahay ang nagmaneho ng sasakyan ng don dala ang aking mga pinamili. Kinuha ko ito sa kan'ya.

"I-inay... Aayusin ko lang ho ito doon." Paalam ko kay inay.

Hindi ko na alam ang iisipin o gagawin kaya nagprisinta nalang akong mag-ayos ng nga pinamili ko.

Patungo na ako ng ref nang hawakan ni inay ang braso ko.

"Bakit nandito ang don?!" Kalahating pabulong at kalahating pagalit na tanong ni inay. "May ginawa ka nanamang katangahan?! Saan?! Sa pamilihan ba nila?! Hay, katanga-tanga talaga kahit na kailan." Deretsong sermon ni inay. "Nagdala kapa ng problema dito sa bahay!"

Naiiyak ako sa sermon ni inay at sa sobrang higpit ng pagkakahawak n'ya sa aking braso. Hindi ko magawang ipagtanggol ang sarili ko dahil sa sakit ng pagkakahawak ni inay sa akin.

"Anong kabobahan nanaman ang ginawa mo Kleiy ha?! SUMAGOT KA!" bulyaw ni inay sa akin.

"I-inay, wala ho. H-hinatid ho ako ng don dahil g-gusto niya raw ho kayong m-makausap." Nauutal kong sagot kay inay.

"Siguraduhin mo lang Kleiy. Kapag ito ay problema nanaman malilintikan ka talaga sa'kin!"

Pagkatapos ni inay na sabihin iyon ay binitawan n'ya ang aking braso at lumabas na ng bahay para kausapin ang don.

Pagkalabas naman ni inay ng bahay ay saktong pasok ni ate Jhehanne at ate Clare sa aming bahay.

Muli kong itinuon ang atensyon sa pag aayos ng mga pinamili. Isa-isa ko itong pinasok sa ref.

Ano kaya ang pag-uusapan ng don at ni inay?

Hindi matigil ang utak ko sa pag-iisip, ang tibok ng puso ko ay bumibilis, at bumibigat naman ang aking paghinga sa kakaisip. Ngunit winalang bahala ko iyon at sa halip ay itinuloy na lamang ang pag-aayos ng aking mga pinamili.

"Kleiy, bakit may sasakyan sa labas?" takang tanong ni ate Jhe.

"Kay d-"

"May bisita ba?" Dugtong ni ate Clare.

"Ah, meron si-"

"Sino yung kausap ni inay sa labas?" Pagtatapos ni ate Jhe.

Napabuntong hininga na lamang ako sa dami ng kanilang mga tanong.

Parehas silang nagtataka, bakas iyon sa reaksyon ng kanilang mga mukha.

"Iyong sasakyan ay sa bisita natin. Ang pangalan niya ay don Bernardo. At, siya ho yung kausap ni inay sa labas." Pagsabi non ay tinuon ko na muli ang sarili sa pag aayos ng mga pinamili ko.

"Bakit naman sinadya tayo ng don dito sa bahay?" Muling tanong ni ate Jhe.

"Siguro may atraso sa sa kaniya noh?" Hindi ko alam kung tanong ba ang isang iyon.

Kleiy: Thorns Of RosesWhere stories live. Discover now