Nang magising ako ay dumeretso agad ako sa bintana gaya ng palagi kong ginagawa kada umaga. Hinawi ko ang kurtina at madilim ang aking nakita, pahiwatig na hindi pa sumisikat ang araw.
Himala ata at hindi ako ginising ni inay...
Winalang bahala ko na lamang iyon at lumabas na ng kwarto.
Walang iniutos si inay, ano naman kayang gagawin ko ng ganito kaaga?
Pungay pa ang aking mga mata ngunit sigurado akong kahit pa mahiga ako ulit ay hindi na'ko makakatulog pa.
Napagpasyahan kong lumabas na lamang ng kwarto at maghahanap ng gagawin. Hindi ako sanay na sa ganitong kaaga ay hindi pa ako inuutusan ni inay na mamalengke.
Ahh, naalala ko na nagkaaway nga pala si inay at aling pasing kaya hindi na'ko pwedeng bumili sa kanila kaya sa Sebastian Market na'ko namalengke. Kakakaba nga at may nabunggo akong isang matanda, ang akala ko makikipag kwentuhan lang s'ya sa'kin, hindi pala. Hinatid ako sa bahay at inampon ako..........
o_o
O_O
O__O
O___O
WALA AKO SA BAHAY!!!
Dali-dali kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at doon ko napatunayang wala nga ako sa bahay.
Muli kaming nagkita ng napakaraming pinto, kasabay noon ay naalala ko na ang mga nangyari nang nakaraang araw. Mula sa palengke hanggang sa bahay at... hanggang dito.
Napagpasyahan kong maglakad lakad muna dahil laging wala naman akong ibang magagawa. Alam ko ding hindi na'ko makakatulog.
Nilibot ko ang pasilyo malapit sa kwarto ko. Pinaka titigan ko ang malalaking larawang nadaanan namin kanina ng don.
Napansin kong anggulo pala nang mga iyon pag pinakatitigan halimbawa na lamang ng nakita kong isang malaking larawan hindi malayo sa aking kwarto sa unang tingin ay isa lamang itong simpleng bulaklak ngunit 'pag pinakatitigan ay makikitang mukha ito ng isang babae.
Kahit ako ay natutulala habang iniisip ko ang tunay na itsura ng larawan. Matagal-tagal ko pa itong tinitigan bago ako naglakad muli.
Ang sunod na larawang tinigilan ko ay puros itim ay parang natapunan lang nang mga puting tinta. Ngunit nang pagmasdan ko ay isa pala itong lalaking inaayos ang kaniyang pormal na kasuotan.
Labis akong namangha sa aking mga nakita. Lumiko ako sa isa pang pasilyo. Sa 'di kalayuan ay may nakita akong bintanang malaki. Tingin ko ay daanan din iyon palabas.
Madilim ang buong paligid kaya naman liwanag lang ng buwan ang tanging liwanag ko. Nang malapit na'ko sa salaming pintuan ay may nakita nanaman akong likuan. Hindi ko iyon nakita dahil sa madilim nga.
Nang aking sinipat ang likuang aking nakita, napansin kong may ilaw ngunit maliit lamang iyon at malayo layo sa kinaroroonan ko.
Inilibot kopa nag aking mga mata, madilim ngunit sinikap kong hindi na lang lumapit dahil sa masyado nang madilim doon. Nang wala padin akong nakita ay napagpasyahan kong bumalik na sa kwarto.