KINABUKASAN...
Nang magising ako ay agad kong inunat ang aking katawan at tsaka dumapa.
o_o
0__0
O___O
Pa'no ako napunta dito?!
Agad akong napabangon at nakita ang paligid, nasa kwarto ako?! T-teka p-paanong... BINUHAT BA AKO NI ICE?!
"GOODMORNING!" Sigaw ni Ice sa bandang gilid ko.
Napaharap naman ako ng mabilis sakanya dahil sa gulat.
"K-kanina ka pa nandyan?" Tanong ko kay Ice.
"Yep. But unfortunately, you didn't notice me." Sabay kamot ni Ice sa kaniyang batok.
"S-sorry... Talagang nagulat lang ako na andito na'ko samantalang s-sa terrace ako nakatulog." Paliwanag ko.
"What's my purpose then? You think I won't do anything?" tanong n'ya sa akin.
"S-sorry." Nakatungo kong sagot.
"KIDDING HAHAHA!" patawang sigaw ni Ice.
Natawa na rin ako ng bahagya dahil sa nakakahawa n'yang pagtawa.
"Prepare yourself, we're going out." Sabi niya sa akin.
"P-pero, may klase ako ng---"
"Wala, ipinagpaalam kita kay tito we need to buy you a phone. Yung maganda at magagamit mo talaga." Samit ni Ice.
"Cellphone? Parasan?" Tanong ko.
"Sa lahat ng teenager or even legal ages ikaw lang ang manang. HAHAHA" panunuya ni Ice.
Wala nga akong gadgets sa tanang buhay ko.
"Also, your hair style. Ang baduy we'll do make over. Millennial ka hindi oldies." Sambit ni Ice.
Hilig ko kasing isuot ang makakapal at may manggas na damit sa pambaba naman kung hindi jogging pants at tokong ang suot ko. Ang mga maong shorts ko naman ay hindi rin maiiksi kaunti nalang ay tokong narin kung tutuusin.
Tumango na lamang ako at tsaka pumasok sa banyo.
Matapos maligo ay lumabas na ko ng banyo wala na doon si Ice at may damit na sa kama ko kasama na underwear at bra.
Nang maisuot ko at dumeretso ako sa salaming whole body. Naka gray akong long sleeve at puting plain shorts.
Sinuklay ko ang aking buhok sa harap nang salamin. Nang makita ko ang aking repika ay napabuntong hininga ako dahil tama ang lahat ng sinabi ni Ice.
Ang buhok ko, buhay ngunit parang lanta kung titignan, kung hindi ako nakasuot ng usong damit ay mukha nga akong manang. Plain den ang mukha ko kung mapapansin, walang kakulay-kulay. Hindi naman kasi ako marunong magkolorete.
Manang ba talaga akong maituturing? Tanong ko sa sarili.
"KM? Are you done? We're going in 2." Paalala ni Ice.
"Oo patapos na palabas na'ko" Tugon ko kay Ice.
Inayos kona ang pagkakasuklay ng aking buhok at tsaka lumabas.
Nadatnan ko si Ice sa tapat muli ng aking kwarto. Hindi na'ko nagulat, marahil ay nasanay na'ko sakanila.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko habang nakasakay sa kotse ni Ice.