Sa sobrang stress ng Bessie ko, wala siya sa mood na mag-POV
Wala po akong intensyong agawin ang boyfriend ng Bessie ko ah, need ko lang talaga ng magkukunwaring boyfriend ko.
Naisipan kasing bumalik ng ex-boyfriend kong si Daryll dito sa Rizal, kung kayo nasa sitwasyon ko ganito din ang gagawin niyo. Naging sobra kasing mayabang ang ex ko na iyon simula ng naghiwalay kami, proud kasi siya masyado na siya ang nakipagbreak sa isang SANDY LOPEZ.
Hindi naman mahahalata ng iba na hiniram ko lang si Aeron kasi hindi alam sa school na sila ni Claire, bawal kasi magbf ang Bessie ko kaya iniiwasan niyang may makaalam.
Wait! Titigil ako sa pagkwekwento kasi nakikita ko si Daryll, si Daryll talaga iyon, yong ex-boyfriend ko na dahilan bakit kailangan kong manghiram ng boyfriend sa kaibigan ko.
Ang lawak ng ngiti niya nang lumapit sa akin.
“Hello Sand..” lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa braso.
“Manahimik ka nga dyan, hinde ako buhangin!” pilit kong inaalis ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.
“Bakit ka ba galit na galit sa akin, wag mong sabihing after all this years may nararamdaman ka pa rin para sa akin at bitter ka pa rin sa mga pangyayari?”
“Anong after all this years? Hello! 11 months pa lang simula nang magkahiwalay tayo, and to be exact it is, 11 months, 13 days…” tiningnan ko pa ang relo ko ”8 hours, 32 minutes, 25 seconds, and 18 milliseconds.” Sabi ko sa kanya ng nakataas pa ang kilay. I’m so proud of myself, ang galing ko tumingin ng oras.
Ngumiti naman siya ng pagkalaki-laki, ngisi, to be specific. Sasabog na ang Mt.Taal sa sobrang init ng ulo ko, paano ako makakaalis sa harapan ng damuho kong ex-boyfriend?
Tumingin ako sa paligid, trying to find a good Samaritan to help me on my situation, and I smile widely when I saw Aeron together with my BFF coming on our way.
“Babe!” yan ang unang lumabas sa bibig ko, kaya wala na akong magagawa kundi ipagpatuloy.
Nagtinginan ang mga tao sa paligid, nagpalinga-linga sila, hinanap din siguro nila kung sino ang tinatawag ko.
Lumapit agad ako kay Aeron at ini-angkla ko ang aking braso sa braso niya, tumingin ako saglit kay Bessie at napansin ko na may something sa aura niya. Sorry Bessie.
“Who’s that guy?” tanong ni Daryll sa akin, na parang gulat na gulat.
“My boyfriend… Aeron, here’s Daryll a friend of mine. And Daryll this is Aeron, my boyfriend.”
“I don’t believe you”
“The hell I care,” nakataas pa ang kilay ko nang sinabi ko yan.
“I will only believe you if you kiss him in front of me,” the nerve! Napakayabang, at kelan pa siya natutong mag-english? Argh! Nakakainis >,<
Ayoko ng hinahamon ako…
And sa sobrang badtrip ko, at para mapahiya na din ang hinayupak na ex-boyfriend ko, hinawakan ko ang mukha ni Aeron at pinaharap ko sa akin at hinalikan ko siya sa mga labi.
Shocks!
Bakit ganito yong pakiramdam ko, komportableng-komportable ako sa kanya.
Ang sarap ng labi niya, wala na akong pakialam sa paligid, ang mahalaga sa akin ngayon ay magkalapat ang labi naming dalawa, parang ayoko na siyang pakawalan.
Bumalik lang ako sa huwisyo nang bigla akong itulak ng mahina ni Aeron palayo sa kanya, bigla akong nahiya sa sarili ko, paano ko nagawang mag-enjoy na halikan ang boyfriend na hiniram ko lang? at bakit hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ng kaibigan ko.
Napatingin ako sa pwestong kinatatayuan kanina ni Claire pero wala na siya dun.
Alam ko masakit iyon para sa kanya :( sorry talaga para sa Bessie ko.
“Ngayon, siguro naman naniniwala ka nang boyfriend ko siya, kaya please lang tigilan mo ko,” naiyak na ako, naiinis ako sa sitwasyong kinasusuungan ko, nasasaktan ko yong kaibigan ko.
“Yeah, I’m satisfied now with what I’ve witness pero mamatyagan pa din kita, at kapag nakita kong hindi ka masaya sa kanya, aagawin kita.”
“Ang kapal mo, layuan mo na sabi ako, tantanan mo na ako.”
Hindi niya na siguro narinig yong mga huling sinabi ko kasi naglakad na siya palayo sa akin, nanghihina akong naglakad papunta sa blechers, nakasunod naman sa akin si Aeron.
“Are you okay?” hays! Napakabait talaga ng lalaking ito, sana ganyan na lang si Daryll, edi sana wala ako sa sitwasyon ko ngayon.
“I’m sorry if I kissed you,” yah! Ina-admit ko naman na mali talaga yong ginawa ko, guilty talaga ako ng sobra.
“Ayos lang, ang yabang pala talaga ng ex mo na iyon, mas lalo ko nang naiintindihan ngayon kung bakit kinailangan mo yong tulong ko.”
“Si Bessie, baka nagalit siya sa akin,” mas lamang yong pagsabi ko nyan sa sarili ko kesa sa kanya.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hanggang jan na lang po muna :))
ang tagal na kasi niyan nakatambay sa documents ko ii xD
<3 THANK YOU FOR READING :))))
BINABASA MO ANG
BORROWED BOYFRiEND *short story*
Romancepag hiniram ng bestfriend mo, ang boyfriend mo .. ipapahiram mo ba?? --- ang sagot po ninyo ay hihintayin ko sa prologue :) kung hindi sa prologue, aasahan ko yan sa last chapter .. ang hindi sumagot, aagawan ng bestfriend nila ng boyfriend :P