Tatlong araw na ang nakakalipas magmula nang makipag cool-off ako kay Aeron, sobrang namimiss ko na siya, yong kulitan namin, yong mga paglalambing niya sa akin, yong pagtambay namin sa park, yong pagbili niya sa akin ng mga simple things na alam niyang maaapreciate ko.
Hayssssssssss!
Tama lang naman yong ginawa ko diba?
Sila na muna yong magsama, total mukhang nag-eenjoy naman sila sa company ng isa’t-isa.
Narinig ko ang usap-usapan kahapon ng mga classmates nila, magkasama na daw kumain silang dalawa, at lagi daw sabay umuwi, misan pa daw makikita mo sa library gumagawa ng assignments.
Hindi ko naman talaga gustong pakinggan, kaya lang nakapila ako non sa buko shake.
And kahit ayokong marinig, naririnig ko pa din talaga.
Paano kung mainlove siya kay Sandy? Iiwan niya na ba akong talaga? T_________T
“Bessie!” muntik na akong masubsob sa mesa dahil sa pagdating ni Sandy, bigla ba naman akong tinulak, ang lakas kaya ng force.
“Oh bakit?”
“Kumusta ka na Bessie? Miss na kita ng sobra,” niyakap niya pa ako mula sa likod. Ang lambing-lambing lang nitong bestfriend ko, yan talaga dahilan kung bakit hindi ko magawang magtanim ng galit o sama ng loob sa kanya eh, isang yakap lang niya, ok na ako
“Ayos lang naman, kumusta naman yong ex mong may dalang aircon, nanggugulo pa ba?” umayos na ako ng upo at humarap ako sa kanya.
“Hindi naman na Bessie, hindi niya na ako ulit nilapitan pagkatapos nung huli naming encounter…” hinawakan niya yong dalawang kamay ko. “Bessie, about that kiss thing, I’m sorry…” tinanggal niya ang pagkakahawak sa akin at pinunasan niya ang luha sa mata niya. “I’m so sorry if nasaktan ka sa ginawa kong paghalik kay Aeron, sobrang desperada na ako, ayoko kasing magmukha pang tanga lalo sa paningin ni Daryll,”
“Ano ka ba Bessie, wag ka ngang umiyak dyan,” sabi ko, pero ako man ay nagpupunas din ng luha. “Sana naman kasi pinaalis mo muna ako bago kayo naghalikan, ang sakit kayang makita na hinahalikan ng bestfriend mo yong taong mahal mo. Kung hindi siguro kita bestfriend pinatay na kita,” niyakap ko siya, “Pero Bessie, ang sakit talaga...”
”I’m sorry talaga Bessie,”
“Hindi ako dapat magreklamo, kasi pumayag ako, pero ingatan mo yong boyfriend ko ah, ikaw muna mag-alaga sa kanya, sabihin mo sa kanyang lagi siyang kumain on time,” huminga ako ng malalim, “Miss ko na talaga si Aeron,” naglandas na naman ang luha sa aking mga mata.
“Bessie, bakit ba kasi kailangan niyo pang magcool-off na dalawa?”
Nagtanong pa siya? Ang sakit kaya na pakiramdam mo may kahati ka sa mahal mo, kung di ko lang talaga siya bestfriend hindi talaga ako papayag, at kung alam ko lang na may gusto pala sa kanya si Aeron nunca na pumayag ako.
“Bessie, ginawa ko lang naman iyon kasi ayokong masaktan kapag makikita kayong magkasama, mas okay na din na ganito kami ngayon, atleast kahit papano masasabi ko sa sarili ko na wala akong karapatang magselos kasi hindi naman kami.” Pinunasan ko ang luha sa mata ko,
“Bessie, wag kang mag-alala, tatlong araw na lang naman na matatapos na to,”niyakap niya ako at hinimas-himas ang likod ko.
Sana nga, sana nga matapos na…
Hindi ko na kaya eh, T_______T
************************************************************
i dedicate this to my YOUWiSH :)
kaht hindi niya nirerecognize ang tawagan naming dalawa xD
IKaw si .. IKAW si .. xDD
salamat sa pagremind na dapat akong maglagay ng dedic xD
BINABASA MO ANG
BORROWED BOYFRiEND *short story*
Romancepag hiniram ng bestfriend mo, ang boyfriend mo .. ipapahiram mo ba?? --- ang sagot po ninyo ay hihintayin ko sa prologue :) kung hindi sa prologue, aasahan ko yan sa last chapter .. ang hindi sumagot, aagawan ng bestfriend nila ng boyfriend :P